Richard Gutierrez, ‘di bagay mag-host sa reality show?!

THE NOMINEES FOR the next Survivor Philippines host are: Dingdong Dantes, Marc Nelson, Paolo Abrera and Richard Gutierrez. And the winner is…

Kung hindi ako nagkakamali, last Friday nu’ng pinal nang dinesisyunan ng GMA Management kung sino na ang magho-host ng susunod na Survivor Philippines in a still undetermined foreign land. And the final choice is: Richard Gutierrez!

How Richard will be able to juggle his schedule (and barbel) given his Captain Barbell sequel and his SP hosting ay isang milagrong maituturing beyond the test of his stamina.

With Richard finally getting the part, parang may naririnig lang akong ‘di masyadong kaaya-ayang comment from an SP staff, but I’ll leave it at that.

“BEREFT OF RESOURCES.” Ito ang phrase na ginamit ni Quezon City mayoral bet na si Mike Defensor patungkol sa kanyang runningmate na si Aiko Melendez, kaya hindi raw totoong hindi niya ito tinutulungan.

Ang isyung kawalan ni Mike ng suporta kay Aiko is yet another ploy of their opponents to cause disunity within the party. Lalayo pa raw ba tayo, eh, kung ‘yun daw ngang mga tarpaulin nilang dalawa, isa hanggang tatlong araw lang nakabalandra sa mga lansangan, pagkatapos ay binabaklas na?

But Mike remained unfazed. Nanindigan siya that within his formidable partnership with Aiko ay maisasakatuparan niya ang ipinagmamalaking three cornerstone programs sa siyudad. These include medical card for every resident with an allocated budget of P500 million, same amount will be earmarked for scholarship applying to about 60 colleges and universities at ganoon ding halaga para sa mga benepisyong ipagkakaloob sa mga senior citizens (including free movie watch, allowances and small birthday treats).

Sa ngayon, Mike’s ratings are stepping up the survey ladder, hindi pa man opisyal na nagsisimula ang local campaign on March 26.

ONCE A FAN, always a fan.

Ito, si Mother Lily hindi pa man pumapalaot sa negosyo ng pagpoprodyus ng pelikula. Ober da bakod of a film studio, she would crane her neck just to catch a glimpse of her starry idols. Years later, those stars bowed down to her.

Sa sobra ngang paghanga ni Mother Lily kay Vilma Santos, not only has she engaged the latter’s acting services in many Regal movies. Her admiration for ate Vi goes beyond her thespic brilliance, maging bilang isang mahusay na public servant ay palakpak-tenga ang produ.

At a dinner she hosted for Ate Vi and hubby Ralph Recto in her Imperial Palace, Mother Lily “registered” herself as one of them, a Batangueña. Sa katunayan, magtatayo si Mother Lily ng Imperial Palace Resort Hotel sa Taal, Batangas driven by her strong confidence in the way Ate Vi has cast a magic spell on the province.

Fairy godmother and Mother Lily… bow!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “Richard Gutierrez, ‘di bagay mag-host sa reality show?!

  1. TAMA KAU! HE RUINED SURVIVOR NA HINOST NG MGALING NA SI PAOLO BEDIONES.

    WALANG IMPROVEMENT, HE HANDLES TRIBAL COUNCIL LIKE READING A SCRIPT AND WALA SYANG FOLLOW UP QUESTION SA ANSWER NG SURVIVOR, ITS ALWAYS ASK ONE QUESTION= ANSWER = NEW QUESTION ULI.

    EVEN MICO AYTONA PARANG NAGULUHAN SA TANONG NYA, PLEASE GMA 7, HNDI PINAPANOOD ANG SURVIVOR DAHIL KAY RICHARD

  2. sorry to say pero nung nakita ko ang survivor philippines…parang ngbabasa lang ng script….parang hindi rin survivor…sabagay hindi naman tlga survivor ang host hehehehe sa hosting kasi sya ang magdadala ng show eh…but then sa nakita ko during the selection of leaders…NGEH TLGA….lahat na ata ng nasa bus na nakakita hindi nasayahan sa hosting ni richard …ewan ko ba kulang na kulang ung power…you will conclude na nagbabasa lang ng isang pocket book na wlang buhay na kung may comma hinto konti tapos kung may period hinto ng matagal hehehehehe hindi tlga mganda ang hosting….the hosting itself cant survive…..

  3. Family Gutierrez..Mga mukhang Pera!!! Mga laos na!!! mahilig gumikmik!! mahilig mag bida sa mga sarili!! prang si kris Aquino..lolz)))) atleast si kris matulungin nman kahit may pagka GamoL din..lolz

  4. go 4 marc nelson or paolo abrera….mas lamang cla ng looks…kay paolo b.
    at pareho cla ni paolo b. na mga2ling na host

  5. kahit sino host basta sa kapupu channel wa epek… wala namang iba eh di c kailong mike nalang….

Leave a Reply

Your email address will not be published.