Richard Gutierrez & Carla Abellana: Finally In Your Arms!

RICHARD GUTIERREZ

Real Name: Richard Kristian Rama Gutierrez

Birth Date: January 21, 1984

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

Lucky Colors: Aquamarine, Electric Blue and Turquoise

Lucky Gems: Aquamarine

Lucky Flowers: Orchids

 

CARLA ABELLANA

Real Name: Carla Angeline Reyes Abellana

Birth Date: June 12, 1986

Zodiac Sign: Gemini

Symbol: The Twins

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Air

Basic Trait: I Think

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

Lucky Colors: Saffron Yellow and Azure Blue

Lucky Gems: Topaz, Agate and Aquamarine

Lucky Flowers: Azaleas and Lilies

 

MATAGAL-TAGAL NA rin nagre-request ang mga avid fans nina Richard Gutierrez at Carla Abellana na pagsamahin sila sa isang proyekto. Sa wakas ay natupad na rin ang dalanging ito dahil simula ngayong Hunyo, mapapanood na ang bagong teleseryeng Makapiling Kang Muli sa primetime slot ng Siyete. The long wait is over!

Kilala na sa pagiging adventurous si Richard at wala namang sablay sa drama ang acting ni Carla. Pagdating kaya sa pag-ibig ay maging kasing action-filled at colorful din kaya ang posibilidad? Let’s ask the stars!

Ahem… ang Gemini at Aquarius ay pareho ang pilosopiya pagdating sa buhay kaya madali silang ma-gkakasundo. Kahit pagdating sa intellectual level ay magkaayon sila. Mahilig sila sa deep conversations at pareho silang may sense kausap. Madalas pa nga ay pareho sila ng stand sa samu’t saring bagay at kahit pagdating sa pagpili ng kaibigan ay pareho rin sila ng taste. May mga konti silang pagkakaiba, pero hindi talaga ito big deal para sila’y mag-away.

Hindi makakaapekto sa Gemini ang paminsan-minsa’y lonely nature ng Aquarius. Sa katunayan nga, ini-enjoy ng Gemini ang kanyang kalayaan sa ganitong pagkakataon kaya keribumbumbels lang sa panig ni Ateh. Sa kabilang banda, hanga naman ang Aquarius sa pagiging independent ng Gemini at madali rin nitong mahuhuli ang kiliti ng huli pagdating sa romansa. Gusto n’yo ba ng prangkahan? Ang tambalang Aquarius at Gemini ang isa sa pinakamatibay sa mundo ng zodiac! Bongga lang, ‘di ba?!

Ang Aquarian na lalaki ang isa sa pinakamatiyaga sa pag-intindi sa babaeng Gemini. Matutumbasan nito ang kanyang katalinuhan at mentalidad. Pareho silang unpredictable at mahilig sa adventure kaya dagdag puntos ito sa pag-spice ng kanilang lovelife. No words needed for them to understand each other, ‘ika nga.

Ay, ay, ay! In fairness, may future pala sina Richard at Carla, huh? Hindi lang pala pang-primetime ito, pang-lifetime! <3

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

4 thoughts on “Richard Gutierrez & Carla Abellana: Finally In Your Arms!

Leave a Reply

Your email address will not be published.