Richard Gutierrez at Solenn Heussaf, mag-dyowa na?!

Naku, ‘Day! Nagsalita na naman sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez tungkol sa kanilang kasal na parang official. ‘Yung kasal daw talaga nila ay nangyari nu’ng August 19 sa India.

Ang dating, ‘yun lang ang kasal na in-acknowledge nila at wala na ‘yung lumabas last week na Ibaloi rites na kasal sa Baguio, pati ‘yung Christian wedding.

Ang gulo, ha! Tuloy nag-react ang mga Ibaloi na kasapi ni Mommy Eva Cariño-Padilla at hindi nila nagustuhan ang mga pangyayari.

Ang latest na narinig ko, itinakwil na raw ng mga Ibaloi si Robin, pati raw si Mommy Eva.

Sinubukan ng Startalk staff namin na kunan ng sagot dito si Mommy Eva, hindi niya sinasagot ang tawag.

Pati ang mga Muslim ay may reaction din diyan dahil paano raw sila nagpakasal nu’n sa India, eh, Ramadan daw ‘yun.

Magulo talaga ito at ang nega ng dating ng dalawa, kaya ewan ko kung paano ito aayusin ng ABS-CBN 2.

Pero ang sabi naman ng ilang taong malapit sa dalawa, masayang-masaya sila at hindi sila apektado ng mga negatibong reaksiyon na lumalabas. Ang mahalaga, masaya sila at itutuloy na raw nila uli sa India ang kanilang honeymoon.

Ang isa pang masaya sa ngayon ay ang dating asawa ni Robin na si Leizel Sicangco.

Kasama na nito ang bunsong anak niyang si Allih at ikinuwento niya sa mga taga-Startalk na masayang-masaya sila, lalo na ang bagets na talagang na-miss daw ang mga luto ng Mama niya.

Sabi ni Leizel, sa kanya na raw talaga si Allih at gusto niyang ma-enjoy muna nito ang pagkabata niya.

Nagkaayos na rin sina Leizel at ang abogado ni Robin pagdating sa financial support sa mga bata. Wala namang masasabi si Leizel pagdating sa pagiging good provider ni Robin kaya hindi naman daw isyu sa kanila iyan.

Parang telenobela itong kuwento ng love affair nina Robin at Mariel, kaya abangan natin kung ano pa ang susunod na magaganap.

May kuwento ang Startalk tungkol diyan, abangan n’yo na lang bukas.

BUKAS DIN SA Startalk, may kuwento rin sa napabalitang romansa nina Richard Gutierrez at Solenn Heusaff.

Parehong sinasabi ng dalawa na talagang magkaibigan lang sila bago pa mag-Survivor. Naging isyu lang daw ngayon dahil nagkasama sila sa Survivor at lalo silang naging close. Pero itong si Solenn, talagang isinusumpa niyang wala talaga at hanggang friends lang daw sila, dahil magkakabarkada sila lahat pati ang ex-girlfriend ni Richard na si Georgina Wilson.

Pero nakausap din ng Startalk si Annabelle Rama, iba ang kanyang sagot diyan. Tingin daw niya, meron talagang namamagitan kina Richard at Solenn, pero hindi pa raw nila ito napag-uusapan ng anak niya.

Hindi naman daw niya pinakikialaman ang lovelife ni Richard.

Nanghihinayang nga raw siya sa relasyon nila noon ni Jewel Mische dahil gusto na rin niya ang young actress, pero wala naman daw siyang magagawa at desisyon nilang dalawang tapusin na ang kanilang relasyon.

Ang concern lang naman daw niya ngayon ay ang gumagandang career ni Richard dahil sa Survivor.

Kaya suportado niya ito sa lahat na mga project ni Richard sa GMA News and Public Affairs.

Sa Linggo nga, meron na namang part two itong environment docu-series niyang Anatomy of a Disaster na mapapapanood sa Sunday Night’s Box-Office. Abangan n’yo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

30 thoughts on “Richard Gutierrez at Solenn Heussaf, mag-dyowa na?!

  1. NOW, NAGAABANG NANAMAN NG BAGONG RECRUIT NI ANNABELLE RAMA ANAK NIYANG SI RICHARD. BAGONG CHICS ULIT, GAGAWAAN NG ISSUE, TAPOS GAGAWA NG PELIKULA. STYLE NYO BULOK.

  2. NAAAWA AKO KAY MICHE GRABENG NASAKTAN AT IBINIGAY NIYA ANG BUONG PAGMAMAHAL NIYA KAY RICHARD TAPOS GANOON NA LANG IYUN.PAPALITAN AT ITATAPON .APING API NAMAN SI MICHE.SANA TUMULONG SILA GARRY V AT ANGELIE IPAGDASAL SI MICHE

  3. Nakaka dissapoint lang ang ibang reporters na dati tumutuligsa sa mga ginagawa ng mga gutierez pero matapos silang alipustahin at sabihan ng masasakit at napakasakit na pananalita ni annabelle rama tumitigil sila umiiyak pa minsan nag sorry pa kahit sila ang tama.alam mo annabelle rama sa dami ng taong sinaktan mo huwag mong kalilimutan ang mga anak mo at apo ay maiiwan mo at baka sila naman ang apihin pag wala ka na.TAMA NA.MAGBAGO KA NA.

  4. si retsard nag-iingay dahil gustong iahon ang lubog na career.. hindi nga pumataok yung pelikula nila anne eh..HAHA.. mag-host ka na lang para mapakinabangan..

    buti nga kasi ang masamang tao hindi pinagpapala.. good is so fair.. kaya ikaw retsard at ang buong pamilya mong matapobre alam niyo na kung saan kayo patungo.. HAHA

  5. ANO BA YAN? BAKIT BA PAPALIT PALIT NG PARTNER TONG SI RICHARD, HINDI NA MALAMAN KUNG SINO TALAGA, LAHAT NA LANG PINATOS NIYA, IPINAREHA SA KANYA.
    SAGOT: DAHIL ANG FAMILY BUSINESS NILANG ENTERTAINMENT MARAMING ALAGA, LALO NA MGA ALAGA NI MOMMY ANNABELLE NIYA.

    • OO NGA PALA ANO? SILA MAY HAWAK NG MGA CHICKS,
      NOW KO LANG NAREALISED YAN, KAYA PALA PATI SI KC NABIKTIMA NIYA. AT MARAMI PANG SUSUNOD, ABANGAN NYO, PARA SA FAMILY SHOWBUSINESS NILA.

      • i agree, they want Richard to shine that’s why Annabelle is so upset with Dingdong kasi parang nasapawan ni dong si chard.

      • It seems like there is not a year that passes that this family does not have any controversy, it feels like they are shouting to the public ” Hey look at us the Gutierez family – we are proud and we have the money and we are goooooooooooood and you cannot go out there to watch other artists, we are the only ones you have to watch”. Mga hipokrito!!!! Gusto lang nila palaging sila ang right and then they don’t have the nerve to be honest sa kanilang mga baho. By the way, Raymond acts and talks like he is not a real man, anyone agree????? He must be Annabel’s problem I’ll bet!!!!

  6. NAPAKARAMI NG KASALANAN NG PAMILYANG GUTIEREZ SA PUSO NG TAO.MARAMI NA SILANG PINAIYAK,INALIPUSTA AT NIYURAKAN PATI NA YUNG NAULILA NG ASSISTANT NI RICHARD NA NAMATAY.BILIB AKO AT NAKAKATULOG PA SILA SA GABI

    • i agree promise parang ang pamilya nila is attention hugger and achievement hugger as well, i don’t know kong mayroon bang word na hugger, i’m just making it up as i type, just correct me, it does not make me defensive and it will not upset me, i like constructive criticism, that is how i learn many things

  7. ANNIBERSARYO NG ONDOY HUWAG NINYONG KALILIMUTAN ANG GINAWA NI RICHARD G NA SA HALIP ILIGTAS ANG MGA KAWAWANG BATA SA BUBONG NA PUWEDE NIYANG BALIKAN MATAPOS NIYANG ILIGTAS ANG KAPATID NI ARA MINA NI HINDI MAN LANG SIYA NAGLIGTAS KAHIT ISA PA NA KASYA SA JET SKI NIYA

  8. Solenn has a very admirable trait. Walang arte sa katawan kahit na sosyal. And kahit walang make, walang paligo sa isla, talagang refreshing ang beauty nya. Because of Survivor I’ve beeen an instant fan of Solenn. I never skip any episode because of Solenn. I wish she could survive more longer.

  9. Manay Lolit, getting married during Ramadan is not forbidden in Islam. The thing is, they can do their intimate moments after sunset or iftar. Very less marriage though during this period because you can’t make noise or laughter sa araw for the reason nagtitika kami.

  10. SABI NANG STAR CINEMA, WALANG NAKA LINE-UP NA MOVIE SI BINOE AT MARIEL SA KANILA. INISA ISA NANG SPOKESPERSON ANG MOVIES NILA UP TO 2012 PERO WALA TALAGA. TULOY, SI BINOE AT MARIEL , GAGAWA NANG MOVIE SA INDIA AT SI BINOE NA ANG MAGPRO-PRODUCE. ANG TITLE ” SI NAGMUMURANG KAMATIS AT SI NAGMUMURA”.

  11. napakasinungaling talga ni annabel kasasabi lang niya sa PEP na sinisiraan niya si jewel mische ke richard dahil baka ang habol lang daw nito ang pera niya. mismo sa bibig ni annabel nanggaling yun.

    pero nung naghiwalay sila saka sinabi na nagustuhan na daw niya si jewel hahaha…..

    reyna talaga ng KAPLASTIKAN.

    • ok lng un di sila bagay!!

      jewel deserve a better better man…napakabait na bata at sobrang relihiyosa kya tama lng na mag split cla.

      • totally agree with you.. sana makahanap si Jewel ng guy na paninindigan sya… she’s smart, educated at relihiyoso..

      • Yeah me too, i think Jewel is pretty and i heard she is religious and i hope she will find a man who truly loves her. Si Richard parang like father like son. Si Ruffa naman like mother like daughter pero si Ruffa mas tahimik lang sya kay kang annabel pero mayron din si Ruffa na pagka anabel.

    • I agree, i never liked the Gutierez family, especially si Ruffa. I don’t think Richard has oozing sex appeal, kanya kanya lang, I think si Gerald anderson or Piolo Pascual mas strong ang kanilang sex appeal even if Piolo is rumored to be gay. I still think they have more sex appeal compared to Richard.

      • at hindi na sya refine, ewan ko rin, para sa akin lang ha? mas may appeal sa akin si Gerald Anderson at Aljur Albranica ba yon?

      • i must admit, medyo crush ko s’ya dati nung HS days ko sa unang show (ata) n’ya… yung Click, Enzo yung name ng character n’ya dun… ka-loveteam n’ya si Chynna Ortaleza.

        pero ngayon ackk mas gwapo pa si Dingdong, Piolo, Echo, etc… maski mas matanda sila kesa sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.