Richard Gutierrez at Jewel Mische, aamin na sa kanilang relasyon?!

ANG DAMING NA-SHOCK sa final judgment ng Starstruck V na ginanap sa Araneta Coliseum nu’ng kamakalawa ng gabi dahil hindi akalain ng lahat na ang Fil-Am na taga-Davao na si Steven Silva ang tinanghal na Ultimate Male Survivor ng Starstruck V.

Ang Ultimate Female Survivor naman ay si Sarah Lahbati na taga-Cavite galing ng Switzerland, at inaasahan na ito ng karamihan dahil ang ganda naman nitong ‘di hamak sa 1st princess na Cebuanang si Diva Montelaba.

Pagkatapos ma-announce na winner si Sarah, lalong tumindi ang tensiyon dahil mahirap hulaan kung sino kina Enzo Pineda, Rocco Nacino at Steven ang magwawagi.

Nang tinawag na 2nd prince si Rocco, ang buong akala ng karamihan si Enzo ang wagi, pero si Steven pala, na ikinagulat din nito dahil siya ang isa sa pinakamahinang survivor pagdating sa talent.

Pero parang may sapi ito nang mag-perform sa final judgment dahil talagang nagpakita ito ng galing, na lumabas na siya ang pinakamagaling sa final 5. Kaya walang kumontra nang magwagi itong Ultimate Male Survivor.

In fairness, maganda ang kabuuan ng final judgment ng Starstruck V at puring-puri ang opening number pati ang ibang production numbers na lahat ay pinag-isipan at pinaghirapan ng direktor nitong si Rommel Gacho.

Maganda pang tingnang nag-reunion doon ang mga host ng Starstruck bukod kay Jolina Magdangal na sinabi nitong may prior commitment daw na hindi namin pinapaniwalaan dahil matagal na itong pina-schedule sa kanya.

Pati ang alumni ng Starstruck at past winners ay nandu’n din. Pero sa lahat ng winners, sina Mark Herras at Jennylyn Mercado pa rin ang lutang na lutang.

Tanging si Jackie Rice lang ang hindi dumalo dahil ang palusot nito, birthday daw ng kapatid niya. Pero nalaman naming ayaw raw nitong sumayaw o kumanta. Kaya sinabihan na lang ng mga staff na kahit wala na siyang gawin, rarampa na lang, hindi pa rin sumipot at saka na lang niya sinabing birthday pala ng kapatid niya.

Anyway, inaasahang may mararating itong mga bagong batch ng Starstruck kaya mukhang natatakot na naman ang ilang graduates ng Starstruck.

Congratulations sa dalawang winners at sa bumubuo ng Starstruck dahil isa ito sa pinakabonggang final judgment ng naturang talent/reality search.

DOON PA RIN sa final judgment ng Starstruck, marami ang nakapansin nang lumapit si Jewel Mische kay Tita Anabelle Rama, at mukhang okay na okay na silang dalawa.

Kamakailan lang ay sinabi ni Tita Anabelle na kaya niya gusto si Jewel dahil sa madasalin daw ito. Kaya touched naman si Jewel nang nakarating ito sa kanya.

Ever since naman daw ay mabait na sa kanya si Tita Anabelle at mukhang botong-boto nga itong isa siya na makakasama uli ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Excited si Jewel sa project na ito dahil tamang-tama, break daw niya ‘yan sa school kaya gusto na niyang magtrabaho.

Kung matutuloy na nga ito sa Captain Barbell, malamang na magkaaminan na ang dalawa.

Noon pa man ay malakas na ang kutob naming sila pa ring dalawa, pero tahimik lang muna.

By Gorgy’s Park

loading...

4 thoughts on “Richard Gutierrez at Jewel Mische, aamin na sa kanilang relasyon?!

  1. I wanted to express my personal opinion regarding the result of the Starstruck Final Judgment – for me it was sad and frustrating- I was 101% confident that DIVA was the most oustanding performer throughout and really SHINES from the very beginning – it is shocking. I am not against Sarah but her performance are not that impressive. She dont know how to dance and no life when singing. How I wish that slogans of ‘Walang Kinikilingan – Walang Pinapapanigan, walang dayaan would be materialized in future’. Considering the text votes, I dont think so! For me it is a sort of descrimination!
    From a diestressed viewers in Dubai, Marietta

    • I agree with you….a lot of people that i know thought that diva would win…she really excels well in all aspect, she’s very consistent in all her task…

Leave a Reply

Your email address will not be published.