Richard Gutierrez at Anne Curtis, New Year Date sa Bora ang Magkapatid na Solenn at Erwan Heussaff!

ANG DAMI PALANG nagbakasyon sa Boracay nitong nakaraang Bagong Taon at ang daming namataan ang mga baklitang alaga ko na naglilibot din doon. Doon nag-celebrate ang buong pamilya Gutierrez, na ang ka-date daw doon ni Richard ay si Solenn Heussaff. Hindi naman daw sila madalas na nakikitang magkasama, pero nu’ng unang gabi nina Richard, kasama niya si Solenn na nag-dinner. Bago mag-New Year, bumalik ng Maynila si Solenn para sa countdown niya sa Coca-Cola. Pero kinabukasan, bumalik daw uli ng Boracay dahil nandu’n pa sina Richard. Bongga, ‘di ba? Ganu’n pa rin naman ang statement nila na magkaibigan lang sila dahil lalo raw silang naging close pati sina Ruffa, Raymond at sa buong pamilya. Kapag tinatanong mo nga si Annabelle Rama, tingin daw niya parang nagkadebelopan na talaga ang dalawa. Pero hindi pa raw niya tinatanong ito sa anak niya. Bukod sa Captain Barbell, may pelikulang pagsasamahan ang dalawa at nagsimula na nga yata silang mag-shooting. Ito ‘yung Suddenly It’s Magic ng Regal Films. Proud nga si Solenn na medyo natuto na raw siyang mag-Tagalog at patuloy pa siyang nag-aaral. Gusto raw talaga niyang mabihasa sa pagsasalita ng Tagalog dahil seryoso na ito sa pagpasok niya sa showbiz, kahit ayaw pa niya nu’ng una. Tingnan na lang natin kung magkaaminan na ang dalawa kapag nagsimula na silang mag-promote ng pelikula nila at ng Captain Barbell. ANG ISA PANG kinukumbinsi ring mag-artista, ang kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff, na boyfriend pa rin hanggang ngayon ni Anne Curtis. Namataan din sila roon ng mga alaga ko na nagbabakasyon sa Boracay at sweet nga raw ang dalawa. Dati, umiiwas pa si Erwan sa mga photographer. Pero sa Boracay, okay lang sa kanya na kinukunan silang dalawa  na sweet na sweet. Medyo nasasanay na si Erwan sa mga taga-showbiz kaya posible ring maging artista iyan. Kung sweet sina Anne at Erwan, wala rin daw tatalo sa sobrang sweetness naman nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Doon din sila sa Boracay bago mag-Bagong Taon at wala raw silang pakialam na sweet na namamasyal doon. Mukhang haping-hapi nga raw si Vicki, pero super-deny naman sila sa isyung nagpakasal na sila. Hindi raw totoo ‘yun dahil kailangang ipagpaalam daw muna niya ito sa mga anak niya. Saka hindi pa annulled ang kasal nila ni Atom Henares, ‘di ba? Ang isa pang namataan daw doon sa Boracay ay sina Willie Revillame at Shalani Soledad. Nakausap ko naman si Shalani bago mag-New Year, wala naman siyang sinasabing nasa Boracay siya. Nag-text lang sa akin si Willie kung type kong mag-join sa Boracay, eh, ‘di ko naman type ang Boracay. Wala naman siyang sinasabing kasama niya si Shalani. Ang pagkakaalam ko mga dancers ang kasama niya at ilang staff. Naku! Aalamin ko pa ‘yan kung magkasama nga ang dalawa! Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis

Previous articleJake Cuenca at Melissa Ricks, 2 araw magkasama noong Kapaskuhan!
Next articleSa best actress award sa MMFF Ai-Ai delas Alas, iimbestigahan sa Senado?!

No posts to display