Richard Gutierrez at Aljur Abrenica, lusot na sa kani-kaniyang kaso!

NAKAHINGA NA NGAYON ng maluwag si Aljur Abrenica dahil ibinasura ng DOJ ang kasong Child Abuse na isinampa sa kanya nitong babaeng si Michelle Saludo na nag-promo girl sa Puerto Galera nu’ng nakaraang Holy Week.

Doon nagkita sila ni Aljur, nagkakilala at naintriga, na idinenay naman ng young actor.

Dahil doon, nagalit itong si Michelle at nagsampa ng kaso laban kay Aljur dahil sa hinipuan daw siya nu’ng nagkainuman sila.

Nang nakausap ng Startalk ang abogado ni Aljur na si Atty. June Ambrosio, ipinaliwanag nito kung bakit ibinasura ang kaso.

Hindi raw kasi magkatugma ang mga pahayag nitong si Michelle na nagreklamong hinipuan siya ni Aljur. Kung talagang hinipuan nga siya na hindi nito nagustuhan, sana nu’ng oras na ‘yun ay nagreklamo na siya dahil kasama naman yata nito ang magulang niya roon sa Puerto Galera.

Nakasaad din daw sa pahayag niya na kaya siya nagsampa ng kaso dahil sa idinenay siya ni Aljur nu’ng naintriga silang dalawa at napahiya raw ito nang husto sa mga kaibigan niya at kaklase.

Conflicting nga ang mga statement nito kaya walang basehan ang kasong isinampa niya, kaya ibinasura ng DoJ.

Hindi ko pa alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ng kampo ni Michelle, pero si Aljur ay natutuwa dahil natapos na rin daw ang isang problemang hinarap niya noon.

Sa mga interview nito noon pa man, sinasabi na niyang wala siyang dapat ikatakot dahil nasa katotohanan lang daw siya kaya willing naman daw siyang harapin ang kasong ito. Mabuti naman at lumabas nga raw ang katotohanan na talagang wala siyang ginawa laban sa babaeng ‘yun.

Bukas ay special guest namin si Aljur para sagutin ang isyung ito. Magpu-promote na rin siya ng nalalapit niyang solo concert sa Zirkoh Morato sa March 26 na pinamagatang I’m Yours na alam kong todo pa-sexy siya rito with special guests Kris Bernal, Allan K at Jolina Magdangal.

Siyempre, suportado siya ng mga kasamahan niya sa The Last Prince.

ANG ISA PANG nabalitaan kong naibasura na rin ay ang kasong isinampa ng pamilyang naiwan ng nasirang PA ni Richard Gutierrez na si Nomar Pardo.

Nu’ng Sabado pa namin narinig ang balitang ‘yun pero walang nagkumpirma dahil wala pang naibabang resolution mula sa DoJ.

Ibinasura na rin daw ang kasong ito na isinampa laban kay Richard kaya tapos na rin ang kasong ito na dating nagpabigat din sa aktor.

Kaya masayang-masaya siyempre si Annabelle Rama dahil lahat daw ng ipinagdarasal niya sa Sto. Niño sa Cebu ay dininig at maganda ang taong ito para sa kanila.

Nanalo rin si Ruffa Gutierrez sa custody ng mga anak nila ni Yilmaz at ito nga ngayon, ang isa sa pinakamabigat na kasong isinampa kay Richard.

Ngayon ay maluwag na raw ang dibdib ni Richard na maipagpapatuloy ang trabaho niya.

Isa na rito ang nalalapit niyang paghu-host ng season 3 ng Survivor Philippines at ang pelikulang pagsasamahan nila ni Claudine Barretto.

Nagsilbing leksiyon kay Richard itong mga pinagdaanan niyang problema nu’ng nakaraang taon kaya malaki ang pasasalamat niya na natapos na ito.

Hindi ko lang alam kung patuloy pa rin ba nilang tutulungan ang pamilyang naiwan ni Nomar.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Richard Gutierrez at Aljur Abrenica, lusot na sa kani-kaniyang kaso!

  1. Si Lolit ay maka Gutierrez at maka Revilla. Parehng mukhang pera. Kung sino ang may pera doon iyan. Mga walang in tegridad

  2. Nawala na ang paggalang ko sa mga Gozon dahil takot sila sa mga Gutierrez Family. Solid kapuso ako dati pero simula ng payagan ng mga Gozon na bastusin ang kanilang sytaff at ipagmalaki ni Bisya na siya ang nagpatanggal kay Perry and dating pagkagusto sa mga Gozon ay wala na. Sana ay maramdaman ng 7 ang dahilan ng pagbagsak ng kanilang ratings. Ayun tsugi ang SOP dahil sa pakikialam ni Bisaya. Sana ay isunod na itsugi ang Showbiz Central dahil minamaniobra rin ng Gutierrez ang show na ito at mga hosts takot makipagbalitaktakan kay Bisaya at si Pia dinadaan sa posing hind i naman dating sosyal pilit na nagpapasosyal

  3. Sa Cavite pa lang ay inayos na ni Bong Revilla ang kaso di ba Lolit? Walang hustisya sa Pilipinas. Basura iyang mga Gutierrez lalo na iyan si Bisaya. Buti na lang at hindi si Lolit ang naginterview sa Basura Family kundi puro papuri lang sa mga anak ni anay Anabil ang maririnig mo. Takot iyang si Lolit na sumalungat kay Bisaya dahil wala siyang mahaharbat. Ang mga showbiz writers (most of them) ay walang prinsipyo sa buhay sa ngalan ng pera.

  4. lolitz, pakipalitan mo na lang ang title ng column mong ito sa parazzi – “ang bayarang si lolita”… mas appropriate yan kesa mata ni lolita…. hehehehe

  5. mga mata ni lolita nakikita ay laging pera baluktot ay paninindigan kumita lamang sya…. pweeeeeeeee…… wala kang credibility…. kapal ng mukha mo…. nakakasuka ka…. kahanay mo talaga ang pamilya guttierez….. pareho kayong mga baboy…. bbbbaaabbbbooooyyyy….

  6. SANA KHIT NANALO SILA TULOY-TULOY P RIN ANG PAGTULONG NILA SA PAMILYA NG P.A. NYA ESP.SA PAGAARAL NG MGA BATA!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.