Richard Gutierrez and Bela Padilla:
My Girlfriend’s Bestfriend Story

RICHARD GUTIERREZ
Real Name: Richard Kristian Rama Gutierrez
Birthdate: January 21, 1984

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Lucky Day: Saturday
BELA PADILLA
Real Name: Krista Valle Sullivan
Birthdate: May 3, 1991
Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Lucky Day: Friday

 

MAY BAGONG tambalan na namang inihain ang GMA-7! For the first time ay nagsama sa isang proyekto sina Richard Gutierrez at Bela Padilla. Ito ay ang bagong ‘suspenserye’ called ‘Love and Lies’. Dapat ay si Lovi Poe talaga ang kapares ni Papa Chard. Currently floating pa rin ang karir ng dalaga ni FPJ kaya ang pamangkin muna ni Binoe da Pogi ang inarkila ng Siyete. Not a bad choice naman, right?
Alam natin na currently ‘lovestruck’ si Richard sa nag-istokwang si Sarah Lahbati (sayang ang promising showbiz career ng hitad!). Si Bela naman ay obviously in love sa poker player na si Neil Arce, na kaibigan ni Sarah. Ang balita nga namin ay si bestfriend Sarah ang naging daan para magkakilala nang lubusan sina Neil at Bela. Ngayon naman na wala si Ateh Sarah, si Bela tuloy ang ka-onscreen partner ni Papa Chard! O, Rigodon lang ang peg natin? Anyare, mga ateng?!
Dahil likas na mapaglaro tayo rito sa kolum na ito, what if matulad sa dating pelikula nina Richard at Marian na ‘My Bestfriend’s Girlfriend’ with a twist ang kahihinatnan ng istoryang ito? Ay, si Yanyan? No kulong banyo in here, huh! Tamang-tama, may long-distance angle din tayo! Let’s investigate the endless possibilities!
Simple at praktikal lang ang Taurus. Likas din ang pagiging down-to-earth at sensible nito. Sa kabilang banda, ang Aquarius ay mahilig mag-break ng rules at gagawin nito ang lahat, makuha lang ang luhong gusto. Hindi madaling mag-embrace sa change ang Taurus at madali itong makuntento. Ang Aquarius naman ay madaling ma-bore at hangga’t maaari ay ine-explore nito ang kanyang options sa buhay. Kahit na walang malaking away na magaganap dahil sa kanilang pagkakaiba, ito ay magsisilbing challenge sa takbo ng relasyon.
Ang pagiging tamad ng Taurus ay puwedeng ikairita ng Aquarius lalo na kung hyper mode ito. Magkakaroon din ng difficulty ang Taurean na mag-adjust sa pabagu-bago ng isip ng Aquarian. Feel ng dalawang zodiac sa umpisa ng kanilang pagsasama na marami silang similarities. On the long run lang nila mare-realize ang kanilang differences na minor, pero may big impact. Ang maganda sa pagsasamang ito ay once they have a goal, sisiguraduhin nila na they will turn that dream into a reality. Bonggang achievements ang results! May tendency rin na maging selosa ang Taurus, pero madadaan naman lahat sa mabuting usapan.
Determined ang Taurus Woman at rin siya basta-bastang magpapalit ng life plan para lang sa isang tao. Ang Aquarian male naman ay nagsti-stick din sa kanyang life philosophy. Tigas ng ulo ng dalawa, ‘noh? Sa katunayan, puwede rin itong maglabas ng positive outcome in their individual lives at sa relasyon. Iimpluwensyahan ng Aquarian ang Taurus na matutong i-balance ng work at fun. Puwede rin namang pakalmahin in a good way ng Taurean female ang pagiging reckless at padalus-dalos ng Aquarian male. Basta matutunan nilang mag-adjust sa sumpong ng isa’t isa, this love match will have a good potential.
There you have it, ladies and gentlemen! Mukhang dapat ding kabahan si bestfriend Sarah sa maaaring mangyari sa pagitan nina Richard at Bela, huh! Love? There’s a big chance and that’s not a Lie… even the stars alight in their favor! Place your bets now! Ka-ching, Ka-ching!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.