Richard Gutierrez, aminadong in love sa non-showbiz GF!

AMINADO SI RICHARD Gutierrez na in love na naman siya sa kasalukuyan, kaya talagang ang sipag-sipag niyang magtrabaho. Non-showbiz daw ang babaeng malapit ngayon sa puso ng aktor. Pero katulad ng dati, pagka-tapos ng relasyon nila ni Jewel Mische ay hanggang sa pagbubuking lang naman sa kanyang damdamin ang sinasabi ng matinee idol, dahil hindi pa talaga siya ready na muling ipangalandakan ang tungkol sa kanyang lovelife. Iyon naman kasi ang sikreto niya, kaya hindi nagseselos ang kanyang mga fans at patuloy siyang sinusubaybayan.

Masunuring anak si Richard. Kahit konserbatibo ang paniniwala ng kanyang mga magulang na sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez, na kung mayroon kang hukbo ng mga fans ay hayaan mo lang muna sila na mahalin ka, at bilang respeto sa mga tagahanga ay kailangan ding mayroong misteryo tungkol sa iyong lovelife. “Hindi naman mapipigilan na makipagrelasyon, pero ang sabi ko lagi sa anak ko ay career muna ang asikasuhin. Importante ‘yan kasi’y nag-artista siya,” wika ni Tita Annabelle.

Hanggang ngayon, si Richard pa rin ang itinuturing na Hari sa GMA-7 dahil sa laki ng pagtitiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng Siyete. “Loyal naman ang anak ko sa GMA at mahal niya ang kanyang trabaho, kaya hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin siya. Wala akong problema sa anak ko na ‘yan, kaya ang ganda ng karma niya sa career. Kasi mabait na anak, mabait na kapatid at mapagmahal sa pamilya,” sey pa ni Tita Annabelle.

 

BLIND ITEM: HINDI pa naman matanda, pero hindi na rin bagets ang mabait at magaling na komedyanteng itago natin sa screen name na Manuel Samson. Dahil sa kanyang edad ay patuloy na pinagdududahan sa showbiz kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nag-aasawa, at lalo na rin namang wala siyang ipinangangalandakang kanyang nagiging nobya, samantalang ang dami-dami naman niyang magagandang mga kaibigang artistang babae?

Mabait din siyang anak. Pero ang tagal-tagal nang ipinagmamalaki ng kanyang mommy, na sobra-sobra na ang pagtulong ng komedyante niyang anak sa kanilang pamilya. Kasi nga, single pa rin hanggang ngayon si Manuel. Pero may lumulutang na tsika ngayon: Diumano, ang komedyante raw ay may itinatagong karelasyon, pero hindi babae, kundi isang bading na pa-mhin at may mataas daw na posisyon sa isang bangko. Sino ang komedyanteng ito? Wala na lang clue.  Kakanta na lang ako ng “Smoke gets in your eyes”.

 

PERSONAL: NAKIKIRAMAY KAMI sa buong pamilya nina Iza Calzado dahil sa pagyao ng kanilang daddy na si Lito Calzado. Hindi malilimutan si Direk Lito, dahil mapakisama siya sa press. Nagtagal din siya sa showbiz, dahil naging dancer muna siya noong panahon nina Governor Vilma Santos-Recto at Direk Edgar “Bobot” Mortiz. Napakasipag ni Calzado, kaya nu’ng medyo nagkakaedad na siya ay naging choreographer naman siya.

Two years ago namin huling nakita si Direk Lito sa Star Awards For TV na ginanap sa SMX ng Mall of Asia, at sa backstage, sa pakikipagtsikahan niya sa mga miyembro ng PMPC ay sinabi niyang: “Mabigat lagi ang pakiramdam ko. Pero bumangon ako ngayon. Sabi nga ni Iza ay huwag na raw akong magtrabaho at magpahinga na lang. Ang sabi ko naman, ‘Anak, huwag mo akong pipigilan, dahil raket ko ito ngayong gabi!’ at kinaya ko naman.”

Magmula noon, ilang ulit naming nabalitaan na may sakit nga raw si Direk Lito, at ngayon ay maaalaala na lang natin siya.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

12 thoughts on “Richard Gutierrez, aminadong in love sa non-showbiz GF!

  1. Hindi naman marunong umarte si Richard G. kung mapapansin ninyo ang mga drama scenes niya parang natatae ang anak ni bisaya.

  2. MAS MAGALING PA RIN NA HOST SI PAOLO BEDIONES DURING HIS TIME SA SURVIVOR KASI ATHLETE TALAGA SYA AT PANG OUTDOOR. SI RICHARD KASI PARANG HINDI NAMAN IMMERSED DUN SA GROUP. FOR ALL WE KNOW BAKA NASA ISANG HOTEL LANG YAN SA PALAWAN PALAGI. PERO CYEMPRE MAS MAGANDA PA RIN ITO COMPARE SA PBB – AS IN PRITONG BABOY AT BIIK………WALANG KUENTA!!!!!

  3. May Girlfriend ‘toh? Sus mariosep, totoo? Ka bruhilda ng nanay nila, walang lalapit…mga langaw at bangaw lang siguro.

  4. @bibabelles, hahahahaha, huh? si Raymond ba talaga yan? hahahaha. Kaya pala ang expression sa mukha sa picture parang kamukha ng kapitbahay namin na si Raya Munda Epepanya.

  5. Mukha na ding BAKLA SI Richard Gutierrez! Tumaba kasi ng husto na parehas ng kambal na si Raymond . Wala na kasing pelikula kaya nananaba…

  6. Oh my gosh, I hope Richard is not going to look EXACTLY like Raymond even though they are twins. That will be a big LOL…….

  7. Noon sa tingin ko, maski twin sina Richard at Raymond, parang magkaiba ang mukha nila, parang bading tingnan talaga si Raymond kung e compare mo kay Richard, pero sa picture dito akala ko si Raymond itong nasa picture, parang very swollen ang mukha ni Richard dito parang, nakainom ng medicine na may reaction na water retention.

Leave a Reply

Your email address will not be published.