Richard Guitierrez is pressed with issue of overspeeding!

INIIWASAN NI SID Lucero na sagutin ang isyung kinasangkutan nito tungkol sa insidenteng nangyari sa isang hardware store na may tinutukan daw ito ng screwdriver.

Hindi pa sinagot ni Sid ang isyung ‘yun, kaya nu’ng nakorner ito sa nakaraang Gawad Urian, kung saan tinanghal siyang Best Actor, napilitan siyang sagutin ito.

Ang sabi lang naman ni Sid, pinayuhan daw siya ng GMA-7, ng abugado niya at manager na huwag na munang magbigay ng statement dahil hanggang news pa lang naman daw ito.

Wala pa naman daw reklamo o kasong nakarating sa kanya, kaya hintayin na lang daw muna niya kung merong kasong isasampa.

Nandu’n sa awards night ang Mommy niyang si Bing Pimentel at sinabi lang nitong meron daw talagang naninira sa anak niya kaya mabuting huwag na lang daw patulan.

Mas excited pa ngayon si Sid sa bagong project niya sa GMA-7 na Amaya lalo na’t ka-partner nito si Marian Rivera.

Malaki ang pasasalamat ni Sid kay Marian dahil napakabait daw nito sa kanya at na-ging kampante daw siya agad sa aktres.

Malapit nang magsimula ang Amaya at aminado si Sid na may pressure ito sa kanya dahil ipinagkatiwala sa kanya ang project na ito, kaya kailangang maibigay raw niya ang ini-expect ng GMA-7 sa kanya.

 

GAYA NI SID, lumaki din agad ang isyu kay Richard Gutierrez na nahuli ng traffic enforcer ng MMDA ang driver niya dahil sa over-speeding sa may Commonwealth Avenue nu’ng nakaraang Miyerkules.

Pagkatapos kasi ng nangyaring aksidente roon na naging sanhi nang pagkamatay ng UP professor at journalist na si Chit Simbulan, nagkaroon ng bagong traffic rule doon sa Commonwealth na hanggang 60kph lang ang puwedeng takbo doon.

May driver naman si Richard at ito ang nahuli ng overspeeding, pero ayon sa lumabas na balita, kaagad na nagalit daw ang aktor at naging rude daw ito sa traffic enforcer na nanghuli sa kanila.

‘Yun ang unang lumabas na balita na kaagad namang nilinaw ni Annabelle Rama pagkatapos nitong tinubos ang lisensiya ng driver nila sa MMDA.

Nagsalita na raw ang traffic enforcer na humuli sa driver nila at nilinaw na walang ginawang kabastusan o anong ‘di maganda si Richard laban sa kanya.

Ang sabi raw nito, base sa kuwento ni Annabelle, narinig daw ng nanghuli na nagalit si Richard pero hindi naman daw siya ang pinagalitan kundi ang driver nito. Pero sinunod naman daw nila ang batas at hinayaang tiketan sila.

Sabi nga ni Richard, sana kinuha naman daw muna ang side niya bago inilabas at pinalaki na ang balita.

Walang kamalay-malay raw si Richard na may ganu’n nang balita na kumalat dahil busy naman ito sa taping ng Captain Barbell.

Wala naman daw siyang Twitter o Facebook, kaya hindi nito alam kung ano ang mga nangyayari. Nagulat na lang daw siya na kalat na kalat na pala ito ay pinag-usapan sa internet.

Kaya sina Ruffa at Raymond na ang nagtanggol sa kanya.

Nalinaw na rin naman ang isyung iyan, siguro wala nang lalabas at hindi na ito palalakihin pa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

16 thoughts on “Richard Guitierrez is pressed with issue of overspeeding!

  1. C RETSARD NA ANAK NI ANNEVIL NA BUGAW NA BISAYA NA MAY ANAK NA VAKLA NA C RAYMUNDA AT MAY ANAK NA BRUNEIYUKI NA GURANG NA C ROPA. IN SHORT BISAYANG GUBAT NA WALANG PINAG-ARALAN. KAKAKAWALA PA LNG SA KURAL NG MGA HAYOP NA YAN! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. @ Alana & Maria…hay naku alam nyo naman yang mga yan kunwari mega deadma…pero I’m sure knows na knows nila na wala silang kwenta…. swerti lang ni tita anabilbil nabibigyan pa ng shows and mga dyunakis niyang mga vakhlush…tulad ni Raymonda VAklush  parang reincarnation ni JUn Encarnation (RIP)….ay sory po… o at least pareho naman silang beautiful  di ba mga ateng… pero nakaka dyokot si raymond na vaklush baka e sumo wrestling ka..bwahahahaa…YUN LANG! Babush!  

  3. @Vona & @Alana Maibigay, ha! ha! ha! , nakakatawa kayo. Sana mabasa nila ito para malaman na wala na talaga silang asim sa publiko. Maski saan article lalabas ang pamilyang ito, sa Pep.com, Pinoy Parazzi, hatawtabloid.com, stir.com, kung ang article is about this family, napaka insulto at very below the belt ang mga comments about them, grabing galit ang mga comments at very clear na wala talagang respeto ang mga tao sa pamilyang ito. Sayang, nasira tuloy si Eddie dahil sa pamilya nya.

  4. VONA… gawa sila movie..
    ang TATLONG MARIANG VAKLUSH. Gaymond, Gaychard at Babaeng baklang ruffa!

  5. hay naku mga vaklush! eto pa ng isang vaklush na si richard…dapat may movie yan na ang title ay ‘ANG KAKAMBAL KO’Y VAKLUSH!” kay vaklush din aketch. ay anu ba.? 

    dysuko takoy na takot kayo kay tita anabilbil… sabihin nyo kasi vakhla si Raymond at Richard.. mga gagah! at ang mga fez walang ka appeal appeal..ewan ba bakit sa GMA 7 basta anak ng artista go ng go tulad na lang ng mag anak ni ganyan ni ganito ah ewan…wala na bang iba? heller 

    yun lang!

  6. wala naman star ang GMA pero sa ABS ang mga bida. Si marian, primetime queen daw pero kung gumawa ng movie laging flop. Walang kalaban laban sa mga ABS shows. Given time, matatalo na sila ng Channel 5.

  7. Gaymond Gaytierrez, nakakalokah ang baklang itild! ang taba-taba. marami kc datung kaya madali makahanap ng “Protein.”

    ODEBAHNAMAN, LOLITSOLIS?

  8. Richard’s popularity is greatly affected by the kind of family he has especially sa eskandalosa at malditang ina nya at dahil din sa kapatid sya ni Ruffa na sobra ang kaplastikan at kaartihan at si sister raymonding. At ito naman ang mga mata ni lolita, hayyyy nako, sigi keep defending the royal family, hindi ka naman nag wagi, people already know this kind of people you are defending. Lahat ng tao nag sour na sa pamilyang ito. Maski doon sa Pep.com, 99.9% negative ang comments when it comes to this family kaya nag comment ang lahat ng family nila na huwag husgahan si chard dahil i’m sure nabasa sa pamilya ang lahat ng below the belt comments about their family, not just about chard but to the family as well. karma ba ang tawag doon or wala ng asim?

  9. I just realized that Richard is really on his way down, hoping that he can recover by taking the role of Darna or Dyesebel next time. That would be wonderful seeing Richard in such costume for sure this will be a hit.

  10. go go idol, kahit kulelat ang CB sa ratings bilib pa rin kami sa iyo. Next time wag ka gumawa ng fantaserye kasi laos ka na, pero idol ka namin. LAOS!!!!!!!!!!!!!!!!

  11. isa ka pa lolit buwisit sa laki ng nahaharibat mo sa mga gutierrez kulang na lang halikan sa puwet ang mga ito. kaya ganoon na lang ang depensa mo palagi sa pamilyang ito kahit mali sila. 

  12. Sa video clip nakitang bumaba pa si Cap. Barbegalit sa kotse niya at umikot at lumapit sa MMDA officer. Kung sa driver niya siya nagalit bakit kailangan pang lumabas siya ng kotse. Di ba dapat doon na lang sa loob ng kotse niya sana sinermonan ang driver niya. Isa kang mamatay tao Capt. Barbegalit dahil sa pagkamatay ng PA mo tapos hindi ka pa din nag-iingat. Puro kayo bulaan !

  13. At sana Richard ma-pair ka with Madame Auring at sabay nyong kantahin at sayawin ang “may asim pa” sigurado patok sa Youtube yan. Goodluck idol talaga kita

  14. Si Richard pa rin ang hari ng GMA, hindi si Dingdong. Ingat ka lagi, Richard kasi marami ang inggitero ang nakapaligid sa life-kung umaasenso na, gusto kong patumbahin ng mga inggitero. Practice your craft and what I admire most about you-yung pagiging close mo sa family mo.

  15. This so called environment and green advocate is so fake he’s trying to pollute the air using his new car and has tried to add carcasses of human bodies along the way via speeding. Di pa nga tapos yung kaso sa pagkamatay ng dati niyang driver alalay heto na naman sita. Captain Barumbadobel, go!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.