Richard Gomez, willing pa ring mag-underwear sa billboard ad

SA PAGLAGO ng Bench ay kasa-kasama nito si Richard Gomez na hanggang ngayon ay image model pa rin ng Bench kasama ang kanyang anak na si Juliana at magandang may bahay na si Lucy Torres-Gomez.

Kaya naman biniro ng mga kapatid sa panulat si Richard kung willing pa rin ba itong magsuot ng underwear sa ads ng Bench na mabilis naman nitong sinagot ng “Oo! Kapag may tamang okasyon.” Sabay tawa nito sa mismong blessings ng Bench Tower at Bench Photo Exhibit ni Ronnie Salvacion, kung saan naging espesyal na panauhin din ang Korean Superstar na si Lee Min Hoo na dinaluhan ng maraming celebrities.

Kung sa bagay, kung ano ang hitsura ni Richard ng maging Bench model ay siya pa rin namang hitsura nito ngayon: makisig, guwapo at maganda pa rin ang pangangatawan kahit na hindi raw palaging nagdyi-gym ang actor dahil sa maraming pinagkakaabalahan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Richard Gomez, willing pa ring mag-underwear sa billboard ad

Leave a Reply

Your email address will not be published.