Richard Gomez, napapikit sa love scene nila ni Bea Alonzo

Bea-Alonzo-Richard-GomezNAPAKASUWERTE RAW ni Richard Gomez dahil dalawang magandang actress ang kapartner niya sa The Love Affair, kung saan kapwa mayroon din siyang kissing scene at love scene

Hindi naman ikinaila ni Goma nang humarap sa entertainment press kamakalawa sa grand presscon The Love Affair na suwerte siya dahil bukod sa maganda at seksi na ay magagaling pang actress sina Dawn Zulueta at Bea Alonzo.

Sa love scene nga raw nila ni Bea, napapikit siya dahil nahihiya siya sa actress. Pero dahil kapwa sila professional na actors, naging maganda ang kinalabasan ng umaapoy nilang romansahan.

Hindi kaya ang naturang kissing scene at love scene nila ni Goma ang isa rin sa naging dahilan ng tampuhan ng magdyowang Bea at Zanjoe Marudo? For the first time kasi sa harap ng press, inamin ni Bea na totoong may tampuhan namamagitan sa kanila ni Zanjoe, pero okey na raw ngayon.

“Totoo, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Zanjoe. Pero okey na kami ngayon. Hindi naman nawawala sa dalawang nagmamahalan ang tampuhan. Dumarating ‘yan at kailangang ayusin para hindi lumalala, ‘di ba?” say ni Bea na mas sumeksi at gumanda ngayon.

Samantalang naging totoo naman si Goma nang sabihing na-excite siya sa eksenang dinakma niya ang suso at “flower” ni Dawn sa pelikula nilang The Love Affair. May eksena kasing nag-aaway silang mag-asawa na nagsama for 24 years bago nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan na nauwi sa hiwalayan.

Habang nagtatalo, dadakmain ni Goma ang suso ni Dawn at kung bakit? Dapat abangan sa movie dahil kailangan daw talagang gawin ‘yun ni Goma para maging makatotohanan ang eksena.

Pero inamin ni Dawn na-shocked siya sa nasabing controversial na eksena. Pero kailangan at hindi naman lalabas na masagwa at bastos dahil wala naman sila sa kama at nagroromansahan ng dakmain ni Goma ang kanyang suso.

At the end, pagmamalaki ng tatlo na maraming makare-relate sa kanilang movie dahil nangyayari raw ang mga ito sa tunay na buhay.

Ang movie ay idinirek ni Nuel Naval na ilalabas sa August 12 sa mga sinehan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleDawn Zulueta at Richard Gomez, kinakikiligan pa rin ang loveteam
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 92 July 29 – 30, 2015

No posts to display