Richard Gomez, nagawang makatapos sa kanyang master’s degree sa kabila ng kabisihan sa showbiz

Richard Gomez
Richard Gomez
Richard Gomez and Lucy Torres at Ormoc's Bee Farm
Richard Gomez and Lucy Torres at Ormoc’s Bee Farm

Double celebration para kay Richard Gomez ang buwan ng April. Una na’y ang kaarawan niya two weeks ago (April 7) at ang pangalawa ay pagpagtatapos niya ng kanyang MBA.

Yes, sa kabila ng kabisihan ni Goma sa kanyang showbiz career with a film “The Trial” last year at ang katatapos lang na teleseryeng “You’re My Home” with Dawn Zulueta para sa Kapamilya Network, matiyagang tinapos ng aktor ang pag-aaral nito sa kabila ng nakakalokang schedules niya bukod pa sa pagiging busy niya sa pangangampanya, kung saan tumatakbo siyang mayor ng Ormoc City.

Hindi ko ma-imagine noong may teleserye pa si Richard na halos tutok din ang taping niya kasabay ng kanyang mga activities sa Ormoc ay nakakayanan niya ang demands ng kanyang responsibilidad bilang isang arista at future lingkod-bayan kung bibigyan ng pagkakataon.

Kasi naman, maganda ang team work nila ng misis na si Rep. Lucy Torres ng 4th District ng Leyte, dahil nagtutulungan sila. Si Rep. Lucy as congresswoman at si Goma naman as a private citizen na gustong makatulong sa kanyang mga kababayan, nagkakaroon ng katuparan ang nais nila para sa mga taga-Ormoc. In short, hindi nagbabangayan kundi nagkakatulungan.

Based sa mga posting niya sa kanyang Instagram account, parang ginagawa niyang Quiapo-Quezon City ang pagbiyahe niya halos every other day pauwi sa Ormoc.

Last night nasa Manila si Goma nang makausap namin ang aktor. Ngayong araw, Wednesday, naka-schedule naman siyang umuwi ng Ormoc para sa mga naiwanang commitments at trabaho.

Sa short tsikahan namin ni Goma sa cellphone last night, dadalo siya sa April 28 para sa kanyang MBA graduation.

Alam n’yo ba na sa kabila ng sunud-sunod at nakakalokang schedules ng aktor ay natapos niya ang kanyang masteral degree with a surprising 98% grade sa kanyang thesis?

Bilib kami kay Goma. Kung noong early years niya sa showbiz ay naaabot niya ang halos lahat ng mga pinagarap niya, this time, hopefully ay sana wala nang paltos at magkaroon ng katuparan ang ninanais na na makapaglingkod officially sa mga taga-Ormoc.

Magaling si Richard Gomez sa mga ginagawa niya at hindi na ito isyu.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJason Francisco, mukha petiks, pero seryoso sa kinabukasan ng kanyang pamilya
Next articleToni Gonzaga, kinailangan pa ang approval ng doctor bago sabihing buntis siya

No posts to display