Richard Gomez is still hot at 40, says Ruffa Gutierrez

NAKAKAALIW TALAGA SI Ruffa Gutierrez! Nu’ng Tuesday night kasi ay pinalabas ang love scene nila ni Richard Gomez sa kanilang dramaseryeng Mga Nagbabagang Bulaklak sa TV5. Kasalukuyan namang nasa trabahao pa ang TV host-actress nang mga oras na ‘yon, kaya hindi n’ya napanood ang pinakahihintay n’yang eksena nila ng aktor.

Sa excitement ni Ruffa ay wala s’yang nagawa kundi ang mag-tweet na lang habang nagtI-taping siya that night for Talentadong Pinoy. “Sad that Im missing #MgaNagbabagangBulaklak cuz still at work but pls watch & update me if my loveydovey scene w/Goma comes out!@TV5manila.”

Napanood namin ang kissing scene ng dalawa at nag-text kami kay Ruffi (nickname ng aktres) na agad namang nag-reply. “Omg reallllyyyyy??? Yung sa kama??? Kalurx!!! :) was it bastos?? I don’t do kissing scenes pero kailangan sa story kasi eh. Goma is still hot at 40!”

Hanggang nu’ng Wednesday ng umaga ay nag-text pa ulit sa amin ang maganda at mabait na pa-nganay nina Tito Eddie Gutierrez at Tita Annabelle Rama, kaya talagang nakakatuwa ang personality ni Ruffa ever since. “Hi francis!! Can’t wait to watch the scenes of MNB last night. Excited to watch my lovey dovey scenes with Goma. Hehe! :)”

MUKHANG TULUY-TULOY NA nga ang pagpo-produce ng malakihang concerts ng mga international artist ni Marvin Agustin at ng kanyang kumpanyang Futuretainment, Inc. sa tulong ng kanyang partner na si Rhiza Pascua ng Music Management International.

Matapos kasing dalhin ng grupo ni Marvin ang sikat na singer na si Bruno Mars, heto’t may magkasunod agad silang concerts. Muling dadalaw kasi sa Pilipinas ang Grammy Award winner na si Kenny Loggins na nagpasikat ng ‘Footloose’, ‘Whenever I Call You Friend’ at marami pang iba for a one-night concert at SMX Convention Center on May 22. Kinabukasan, May 23, naman ay nakatakda ring mag-concert ang isa pang Grammy Award winner na sikat na banda, ang Maroon 5, sa parehong venue.

Nakatakda ring dalin ng aktor sa bansa ang sikat at batang singer na si Miley Cyrus sa June 17 para sa Disney Superstar’s Corazon Gitano o Gypsey Heart tour nito na gaganapin sa SM Mall of Asia concert grounds. Tanging ang Pilipinas sa buong Asya ang kasama sa concert tour ng dalaga.

Marami pa raw na kilalang foreign ar-tists ang balak ipag-produce ng concerts nina Marvin in the coming months and years dito sa atin na ikakatuwa ng marami. ‘Yun nga lang, hindi yata kasama sa line-up nila sina Madonna at Britney Spears dahil sa sobrang mamahal daw ng mga talent fee.

NANAY PALA TALAGA sa tunay na buhay ng komedyanteng si Ariel Vi-llasanta ng comedy duo na Mave-rick and Ariel ang 81-year-old na si Mommy Elvie Villasanta na kasama n’ya sa docu-reality comedy series na Mommy Elvie on GMA News TV Channel 11 every Saturday, from 10:30am to 11am.

Nang una kaming nakapanood ng kanilang episode, naaliw naman talaga kami, hindi lang kay Ariel, kundi pati sa mommy ng komedyante na ang akala nga namin ay matagal nang nagta-talent sa mga TV shows at pelikula, dahil natural na natural ang pag-arte n’ya at marunong sa timing sa pagbitiw ng mga punchline. May pagka-komedyana rin talaga si Mommy Elvie, kaya hindi mapagkakailang mag-ina nga talaga sila ni Ariel.

Sabi nga ng misis ni Ariel na successful businesswoman na si Cristina Decena, sobrang lovable daw ang kanyang biyenang babae. Hindi lang daw s’ya natutuwa at natatawa kay Mommy Elvie ‘pag magkausap sila, naiiyak din daw s’ya lalo na kung nag-uusap sila tungkol sa buhay-buhay at kung gaano raw kasaya ang nanay ni Ariel sa pagkakaroon ng parang tunay na anak na babae sa katauhan n’ya, dahil nag-iisang anak lang pala ang asawa n’ya.

Unang napanood at nakilala ang dakilang ina ni Ariel sa reality show na Mommy Elvie’s Problematic Show sa TV5 last year.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

7 thoughts on “Richard Gomez is still hot at 40, says Ruffa Gutierrez

  1. @mayumi, salamat. ito pala ang babeng naka partner ni Philip Salvador noon! Kasi nakita ko itong babae noon sa Rated K and I think ipinakita yong mansion nya sa Rated K. Ang ganda!

  2. yup Maria your absolutely correct…Cristina Decena was the former lover of Philip Salvador and sued him for estafa…

  3. Di ba itong si Cristina Decena ang partner noon ni Philip Salvador na kinasuhan si Philipp? Parang familiar sa akin ang Christina na ito. Di ba super mayaman itong si Cristina?

  4. hello? at bakit naging 40 si Richard Gomez? Kris Aquino is 40 at definitely mas matanda si Richard G. When Kris started in showbiz in her teens itong si Goma kapareha na ni Snooky no!

  5. OMG this writer doesn’t know that Mommy Elvie is the biological mother of Ariel Villasanta we already know that since time immemorial.It seems that you are announcing your stupidity so pathetic, the readers are more updated than you. R u really a showbiz reporter?

Leave a Reply

Your email address will not be published.