Richard Gomez is excited over Ramon Magsaysay bio-pic!

ILANG TAON NA ring wala tayong napapanood na pelikula ng prem-yadong aktor na si Richard Gomez. Ang last shown film niya ay ang Bente, direc-ted by Mel Chionglo, mga two years ago na, kung saan kasama niya sina Jinggoy Estrada, Aldred Gatchalian, etc.

Pumanaw nga kasi ang huling manager ni Goma na si Wyngard Tracy, kung kaya’t sa TV na lang muna natin siya napapanood, sa defunct PO5 ng TV5, at ngayo’y lead actor na muli sa Mga Nagbabagang Bulaklak ng Kapatid Network pa rin.

Pero sabi nga nila, you can’t put a damn good actor down. In the case of Goma, darating at darating ang movie offers na babagay sa kanya.
Heto na nga ang isang ambisyong film project – ang biopic o lifestory of former Philippine President na si Ramon Magsaysay, no less!
Yes, gaganap na Ramon Magsaysay ang isang Richard Gomez! Under Direk Gil Portes, unang na-consider ang dalawang character actors to play the lead, pero natural na mas may pangalan si Goma kaya siya ang final choice ng Teamworks Productions ni Direk Gil.

Ayon sa aming informant, co-producers ang pamilya Magsaysay sa pelikula, sa pa-ngunguna ni former senator Jun Magsaysay.

Ang biopic na ito’y in honor sa 105th birthday ng yumaong Pangulo ng bansa sa Agosto 2012, kaya nasa pre-production stage na si Direk Gil as of the moment.

Kinu-consider ding gumanap bilang batang Magsaysay si Felix Roco. Under negotiation rin sa casting sina Jake Roxas, Sam Concepcion, at iba pa.
Pero mukhang may role nang nakalaan for Gardo Verzosa, Tonton Gutierrez, Direk Joel Lamangan at Ricky Davao, although wala pang official annoucement dito.

Dapat sana ay pasok din sa cast si Iza Calzado bilang wife of Magsaysay, pero mukhang nakuha na ito ng grupo ni Laguna Gov ER Ejercito para lu-mabas sa El Presidente bilang asawa naman ni Emilio Aguinaldo (played by Gov ER) kaya naghahanap pa ng kapalit ni Iza as we go to press.
Good news ito for Goma followers and believers na sa totoo lang eh, iilan na lang sila sa kanyang batch of good actors ang natira na active pa rin sa entertainment industry.

Naka-text din namin ang aktor at aniya’y excited siya at nagustuhan niya ang ipinadala sa kanyang sequence treatment/ script kamakailan lang.
“I really like the biopic and I hope it really pushes through,” text ni Goma sa inyong lingkod.
Kung hindi kami nagkakamali’y first time ding magkatrabaho nina Goma at Direk Gil kaya looking forward ang lahat sa Magsaysay biopic na ito.

Kung ano’ng paghahanda ang gagawin ni Richard in portraying Magsaysay, eh malalaman natin ‘yan in the future.
Siya nga pala, it’s delightful to watch Goma in Mga Nagbabagang Bulaklak na kaeksena niya ang isa pang mahusay na aktor na si Philip Salvador.

Ang maganda a TV5, binibigyang-halaga nila ang veteran actors like Ms Susan Roces at Eddie Garcia na nagpapaliyab ng mga eksena naman sa Babaeng Hampaslupa.

SUPER HOT NA hot ang Summer. Kaya siguradong magpapainit at magpapataas ng temperatura ang mga seksi at magagandang models sa “Summer Flirtation: Fashion Show and Party” ngayong gabi, April 27, (Miyerkules) 9:00 PM sa Vegas KTV Lounge (tapat ng Sogo Hotel), 2109 A. Mabini St., Malate, Manila.

Rarampa sila suot ang mga seksi at daring underwear na likha ng mga fashion designers na sina Boying Eustaquio, Vivien McDougal, at Bong Allosa.

Tampok dito sina Mariella Castillo, (Miss Global Teen 2010 na nanalo sa Brazil bilang Queen Teen of Asia and Oceania), indie sexy star Sofia Lee, Paulene So (The Ultimate Premiere Vixen 2010), FHM sexy model Bridget Suarez, etc.

Kasama ang sexy 20 Premiere Vixens 2011 Candidates. Naghanda rin ng sexy song-and-dance numbers si Ms. Keanna Reeves.

Mabibili ang tickets sa Vegas KTV Lounge, tel. 400-0241, at 0910-9323133.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

One thought on “Richard Gomez is excited over Ramon Magsaysay bio-pic!

  1. Napag iwanan na ni Aga si Richard Gomez, si Aga never pinatos ang mga supporting roles unlike si Richard lahat na ata ng fantaserye dati sa GMA7 nandoon sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.