Richard Gomez, gold medal sa 1st Asian Masters Fencing Championship

Richard-GomezCONSISTENT TALAGA si Richard Gomez na sa bawat bagay na ginagawa niya ay nag-e-excel siya. Mapa-showbiz man, sports, or personal tulad sa pagsuporta niya sa misis na si Congresswoman Lucy Torres, Goma sees to it na he is on top or shall I say at his best.

Sa pelikulang The Love Affair, he was very good sa kanyang acting. Sabi nga ng marami, kung susuwertehin, ang role niya as Vince ay siyang panlaban niya sa award season come 2016.

Sa larong volleyball, ang team ni Goma ay hindi rin patatalo. At ang latest sa aktor, ang pagkapanalo niya ng gold medal sa 1st Asian Masters Fencing Championship last Friday na ginanap sa PhilSports Arena (dating ULTRA) sa Pasig.

Sa kanyang social media account, ibinalita ni Goma ang pagkapanalo niya. To quote a portion of his message: “Thank you, Lord! “Thank you for the support of my teammates and coach Benny. “Thank you for the continuous support of my lovely wife @lucytgomez.”

Last Sunday, nagkaroon ng awarding ceremony na nangyari sa Café Ysabel sa San Juan. Maging ang ina ni Goma na dating artista na si Stella Suarez ay proud na proud sa kanya. To quote a portion of her message sa kanyang FB para sa anak: “Congratulations Richard, I am very proud of you!”

Congratulations, Goma!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleArnell Ignacio, kinain ang salitag ‘di na babalikan si Ken Psalmer
Next articleYaya Dub, pinagtanggol si Kathryn Bernardo sa ‘sakang’ issue

No posts to display