Richard Gomez, ginagawa at pinaninindigan ang pangarap para matupad

Richard-GomezPAULIT-ULIT NA nakakabalik sa Kapamilya Network si Richard Gomez sa pamamagitan ng mga teleserye ng ABS-CBN at sa mga pelikula ng Star Cinema. Tulad ngayon, kasama siya bilang mga bida nina Dawn Zulueta at Bea Alonzo sa The Love Affair, dahil malaki naman talaga ang pagtitiwala nila sa kakayahan ng mahusay na actor. Matagal ding naging tahanan ng sikat na sitcom ni Goma na Palibhasa Lalake ang Dos, kaya iba silang magmahalan bilang magkatrabaho.

Nakuha ni Richard ang kakaibang respeto sa kanyang pagiging artista, dahil nu’ng bagets pa lang siya na umentra sa showbiz, kinakitaan na talaga siya ng pagmamahal sa kanyang trabaho. Palibhasa’y matangkad siya, kaya naman nagmarka agad siya sa mga fans. Leading man material talaga siya kaya mabilis siyang ipinareha kina Hilda Koronel, Lorna Tolentino, at Vilma Santos. Kapag may pangarap si Goma, kasama ang salita ay sinasamahan niya ng gawa at pinaninindigan niya ang kanyang mga sinabi, kaya marami siyang natupad na mga pangarap.

Wala nang mahihiling pa si Richard. Masaya ang kanyang buhay may asawa, dahil napakabait ng kanyang wife na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Nabiyayaan na rin sila ng isang napakabait na anak, kaya kahit hindi na iyon nasusundan pa ay okey lang sa kanilang mag-asawa. Dalawang ulit na kinontra ang katuparan ni Goma na pumalaot sa larangan ng pulitika. Naging kabiguan man iyon, happy ang mahusay na actor, dahil mabango ang pangalan ng kanyang wife sa larangan ng pulitika.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleDirek Wenn Deramas, pinutakti ng fans ni Nora Aunor sa Facebook
Next articlePiolo Pascual, ‘nabahala’ matapos mapanood ang kanyang indie film

No posts to display