Richard Gomez, doesn’t want to be paired with Sharon Cuneta

OLA CHIKA! NITONG Holy Week, nagsulputan pa rin ang mga pasaway na artista na akala nila, kung sina silang sikat. Hindi naman mapalagay ang iba basta mag-enjoy at magkapakasaya lang sila, hindi nila ininda ang pagmamalasakit ng Panginoon. Ayun tuloy, ang mga pasaway na hitad na mga artista, nakipag-amok sa Boracay.

Hindi na rin naman kailangang isa-isahin sila, dahil ‘yung iba, gumagawa lang ng eksena upang pag-usapan sa mundo ng showbiz, huh! Gusto nilang pag-usapan sila sa ganu’ng paraan, huh!

Gusto lang daw nilang mag-unwind, pero ayon nga, nauwi sa kaguluhan. ‘Yung iba, sinasabi na gusto lang nilang magpahinga sa hectic nilang schedule, huh! Lintik na schedule ‘yan! Puwede naman silang magpahinga sa bahay nila o kahit saan, upang ma-enjoy nila ang panahon ng Kuwaresma.

‘Yung iba, hala! Eksena rito, eksena roon, mapag-usapan lang. Hindi nga nagpahuli rito ang mga anak-anakan ni Joy Cancio na sangkot umano sa kung anong kaguluhan sa Boracay, huh! At lalo na ang walang name na gaya ni Andrew Wolf, huh! Magsitigil kayo! Buti na lang at hindi nauwi sa saksakan at basagan ng bungo. Kundi, naku! Ewan ko lang sa inyo! Pasalamat pa rin kayo, huh! Mga pasaway!

HINDI RIN NAMAN pahuhuli ang anak-anakan ni Direk Elmer De Vera, ang bandang Bojo, kung saan Sabado de Gloria ay muntik na ring masali sa kaguluhan. Dahil na rin sa sobrang busy ng banda, lalo na ngayong malapit na ang kanilang concert kasama ang Calla Lily, The Dawn, Parokya ni Edgar at Pepe Smith, na gaganapin sa Marikina Sports Park nagyong darating na Biyernes, April 17.

Habang nasa gitna ng stage at kumakanta ang lead vocalist na si Bojo, biglang may umeksena at inagaw ang kanyang mikropono, at sinabing “May pangalan ka na, ako naman!” Huh! Isang singer na laos na galing-japan ang gumawa nu’n, na hindi na kailangang i-mention ang name at baka sumikat pa. Hahaha!

Ngumiti na nga lang si Bojo sa nangyari. Ang hindi lang nila nagustuhan ay nu’ng sinapak na ng tsinelas ang drummer ng banda.

At ayon naglabasan ang Ingles-an to the max. Hahaha! Halos mag-nose bleed ang mga nadu’n. Nakakaloka, huh! Buti na lang at naawat ng kanilang manager na si Elmer at ayun, naisakay agad sa car ang banda. Kaya’t naiwasan ang gulo. Kalerkey!

Hindi na rin mapakali ang ina ni Bojo at gusto na nitong matapos ang unang album ng banda upang maibahagi na sa kanilang fans ang unang kanta nilang ilalabas. Naku, malapit na ‘yan, kaya abangan! ‘Yun na!

HABANG GINAGAWA KO ang column kong ito, tinawagan ako ng aking parazzi girl, at halos hindi ako makapaniwala.

Hindi raw matutuloy ang naka-plantsa nang pelikula nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Galing daw mismo ito sa bibig ni Goma, at hindi raw umano ito papayag na maitambal sa Megastar kung ganu’n na lang daw ito kalaki, at hindi makapagre-reduce ng timbang, huh! Nakakaloka!

Ano kaya ang masasabi ni Sharon sa chikang ito, huh?! Nakakalerkey, ha?!

Kaya ‘yan ang malaking aabangan ngayon. I’m sure makararating ito sa megastar at hihintayin natin ang kanyang kasagutan. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “Richard Gomez, doesn’t want to be paired with Sharon Cuneta

  1. ay dapat naman talagang ideclined ni goma ang pelikula kc sa taba ba naman ni sharon.. dapt lang talaga. wala cya sa katiting ni lucy torres..magsama na nga cla ng anak nyang c kc mha o.a..

  2. RICHARD GOMEZ IS VERY INSENSITIVE. HE IS NOT YOUNG EITHER. I DOUBT IF THE LIKES OF KC CONCEPCION, SARAH GERONIMO AND OTHER YOUNG ACTRESSES WOULD BE HAPPY TO BE PAIRED WITH HIM.
    HINDI NA RIN SIYA BATA. THE HONEST TRUTH- BORDERLINE LAOS NA SIYA. THE NERVE. . .IF HE IS STILL PLANNING TO ENTER POLITICS, HE MAY WANT TO THINK TWICE. THIS MAN IS LACKING IN DIPLOMACY.

  3. wawa naman shawie…kc goma juicylicious pa rin ang katawan mag-jenny craig na lang c shawie dyan sumeksi si valerie bertinelli or south beach diet pero sacrifice talaga yan

  4. ang kapal ni Goma bakit cnu ba sya na nageenarte hindi kana sikat hindi kana katulad ni Piolo o kaya ni Sam.Yun nah!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.