Richard Gomez, balik-Kapamilya rin!

BALIK-KAPAMILYA NETWORK ang aktor na si Richard Gomez pagkatapos ng pansamantalang paglipat nito sa ibang istasyon. Sisimulan niyang gawin ang isang teleserye na magpapamalas muli ng husay sa pag-arte ni Richard, powerhouse cast ang makakasama ng aktor sa nasabing serye na tiyak na aabangan na naman ng publiko.

Ilang taon ding nawala sa ABS-CBN, kung saan naunang lumipat sa GMA-7 bago sumakabilang-bakod naman sa TV5, ang pagbabalik-Kapamilya ni Goma ay patunay lang na hindi ka talaga dapat nagsusunog ng tulay sa dating mga naging kapamilya mo.

Ilan lamang sa mga nagpadagdag sa listahan ng mga artistang nagbalik-ABS-CBN ay sina Christopher de Leon na kasama nina Jericho Rosales at Piolo Pascual sa seryeng Padre de Familia at Ms. Susan Roces na nauna nang napanood as special guest sa 100 Days to Heaven at kumpirmadong kasama rin sa serye ni Goma.

 

NGAYONG KUMPIRMADO NA lilipad pa-America ang mag-boyfriend na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz, nabuhay ang issue na may balak na raw pakasal ang dalawa at gawin nila ito sa pag-alis nila sa bansa sa darating na February kung saan sila magba-Valentine’s Day at magse-celebrate na rin ng birthday niya ang aktres.

Sa mini-presscon ni Cristine kung saan kinumpirma rin ng sexy actress na due to insistent public demand ay extended ang Reputasyon ‘til January of next year, klinaro naman ni AA na ang pag-a-out of the country nilang mag-boyfriend ay para magpa-hinga dahil sa sunud-sunod na mga trabaho, mag-bonding at iselebra ang mga mahahalagang araw sa buhay niya at ‘di para magpakasal sa Las Vegas gaya ng iniisip ng iba.

Nang tanungin namin kung ilang taon pa ba niya balak magpakasal, 5-7 taon o bago mag-30 siya nakikita ni Cristine na papasok siya buhay may-asawa.

Fresh from success of No Other Woman, kung saan malaki raw ang posibilidad na sina Anne Curtis, Cristine at Derek Ramsay ang tang-haling Box-Office King and Queens for year 2011 at sa consistent high ratings din ng Reputasyon, may ilang nagsasabi na wala raw kayang insecurities si Rayver sa tagumpay ni Cristine?

Dinepensahan naman ni AA na ang boyfriend ang excited at nagti-text sa dami ng mga nanood ng No Other Woman at ni minsan ay ‘di niya kinakitaan na kakumpitensiya ang turing nito sa kanya.

Ayaw na ring palakihin pa ang issue na hindi lang kay Rayver sila magkalabang mahigpit ni Sarah Geronimo kundi maging sa box-office kung saan ilang taon ding naibigay sa Pop Princess ang korona as Box-Office Queen dahil sa tagumpay ng mga pelikulang pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz. Para kay Cristine, ‘di na dapat gawing isyu pa ito lalo’t wala na silang problema pa ni Sarah.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Richard Gomez, balik-Kapamilya rin!

  1. Pingback: Filipino Actor Richard Gomez back in ABS CBN

  2. Sana pati si Lucy Torres Gomez mag over da bakod sa kapamilya. Ganda ni Lucy, with or without make up, hindi trying hard at very classy, makita mo talaga na may breeding.

  3. oo naman balik sya sa ABS dahil sa GMA7 pang support role lang nakukuha ni richard at hindi narin sya makagawa ng movie dahil walang rin syang bagay doon na leading lady dahil puro mga startlet at mga banong umarte ang mga artista ng GMA7.
    Buti pa si Aga hindi lumipat agad sa ibang station kaya na maintain niya ang level ng kasikatan, never naging support role lang dahil alam niya ang status niya. unlike si richard kahit anong support role sa mga TV show ng GMA7 pnapatos pa niya. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.