Richard Gomez at pamilya, nagtungong Switzerland para sa isang golfing event

Richard-Gomez-Julianna-GomezFOOD TRIP kaagad ang naisipan ng aktor na si Richard Gomez kasama ang misis na si Congresswoman Lucy Torres, anak na si Julianna, at kaibigan and business partner niyang si Marilyn Nuñez nang makalapag ang eroplanong lulan sila patungong Zurich, Switzerland. Ang haba raw kasi ng flight, ayon sa kuwento ni Goma sa kanyang Facebook account.

Para ma-lessen ang jetlag, kain muna sila. Kaya straight from the airport to the hotel, diretso agad sila sa resto ng titigilan

nilang hotel for the event.

Bumiyahe ang pamilya ng aktor sa imbitasyon ng Omega (ang sikat at mamahaling relo), kung saan endorser silang mag-asawa para sa invitational Omega Celebrity ProAm Golf Tournament.

Less than a week lang ang aktor sa Switzerland, dahil kailangan din niyang makabalik para sa final touches ng pelikula niyang The Love Affair with Dawn Zulueta and Bea Alonzo under the direction of Ruel Naval para sa Star Cinema, kung saan he needs to promote the film na naka-schedule na ipalabas sa August 12.

Pangako ni Goma sa amin, he will share photos of his trip sa Switzerland so we can share it sa mga readers natin dito sa Pinoy Parazzi ang mga kaganapan ng naturang golfing event at ang mga ganap nila ng misis na si Lucy at daughter Julianna.

Sa Lunes, sa press launch ng pelikulang The Love Affair, makikita muli namin si Goma at mas detalyado naming malalaman sa kanya ang golfing event na dinaluhan niya at ang lakwatsa nilang mag-anak.

Bukod sa golf, regular sports din ni Goma ang volleyball, angling (fishing), fencing, at rowing kung saan bago pa man naging health buff at nahilig sa sports ang mga taga-showbiz, nauna na ang aktor at nagsisunuran na lang sila.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.