Richard Gomez at Dawn Zulueta, magandang halimbawa ng mag-ex na naging super friends!

GUSTO NAMING papurihan ang OB-Gynecologist ng misis namin, dahil one time, usap kami. Naikuwento niya sa aming merong isang TV personality na merong anak at ‘yung anak nito ang kanyang pasyente.

Kapapanganak pa lang daw nito kelan lang. “Normal and healthy naman ‘yung baby despite the fact na ang nanay nu’ng bata ay 12 years old lang.”

Na-shock nga kami, eh. Inaalam naming pilit kung sino ang TV personality na ‘yon, pero ang sabi ng doktora, “Hay, nako, Ogie, ‘wag mo na ‘kong pilitin at hindi ko rin naman sasabihin sa ‘yo.

“Kahit sabihin mo pang off-the-record, no need. Ikinuwento ko lang sa ‘yo, dahil gusto ko, alagaan mo, tutukan mo lahat ang mga anak mo, puro babae pa naman. Importanteng nagagabayan mo nang tama ang mga anak mo.

“’Yung nanay nu’ng bata, wala nang nagawa. Nandiyan na, eh. Maagang nakipag-boyfriend ‘yung anak niya. Dose ‘yung bata at ang boyfriend ay 16 lang. Imagine, ang aga nilang magkaroon ng responsibilidad. Ninakaw agad ng responsibilidad ang kabataan nila sa halip na nag-e-enjoy sila at nag-aaral.

“Mabuti’t hindi naman nila naisipang ipa-abort, kaya hahanga ka rin du’n sa mag-ina!”

So, sino nga?

“Hahahaha! ‘Wag na nga. Okay na ‘yon. Ingatan mo ang mga anak mo, dahil ibang klase na ang mga kabataan ngayon!”

‘Yun ang gusto naming ipuri sa aming OB-Gynecologist. Na pina-practice nito ang strict confidentiality sa kanyang propesyon.

 

ISANG MAGANDANG eksampol ng dating magkasintahan na ngayon ay super friends ay sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Naaaliw kami sa kanila every time makikita namin silang nagtsitsikahan sa set ng Walang Hanggan.

Papunta at pabalik mula sa set ng Walang Hanggan, super gentleman si Goma sa pag-alalay pa rin kay Dawn. Hindi man namin sila tanungin ay kami mismo, ramdam namin ‘yung namayaning friendship sa kanila.

Dawn has two kids, si Goma naman ay gustung-gusto nang sundan ang 11-year old daughter niyang si Juliana. Ang cute nila ‘pag nagkakatsikahan tungkol sa mga anak.

Isama pa si Tita Helen Gamboa na siyempre, beteranang nanay, kaya ang dami kaming pointers na nakukuha sa kanya.

Sana, lahat ng ex-sweethearts sa showbiz, gano’n, ‘no?

 

HANGGANG PAGDATING namin ni Richard Gomez sa tent (dressing room namin) ay hindi pa rin siya mapakali sa kaiisip kung sinong kilala niyang artista ang may anak nang dose anyos at nabuntis at nanganak.

Panay pa ang banggit niya ng name, pero hindi naman namin masabi kung tama ‘yung hinala namin, dahil mahirap namang mambintang. Sabi na lang namin, basta ang bottomline, “Alagaan natin ang ating mga anak para hindi niya ma-experience ‘yung naranasan ng batang maagang naging ina!”

Eh, si Richard, hindi niya ma-imagine na mangyayari ‘yon kay Juliana, kaya lagi niyang pinapayuhan ito na ‘pag may nambastos na lalaki sa kanya, sapakin niya agad para magulat ‘yung lalaki at hindi basta-basta ang anak niya.

Kahit naman kami, hindi namin maimadyin na mangyayari ‘yon sa apat na anak naming babae. Gusto naming ma-experience maging lolo, pero mas gusto naming ma-experience ng mga anak namin na sawaan ang kanilang kabataan bago harapin ang mabigat na responsibilidad.

Iba pa rin ‘pag handa ka sa lahat ng bagay. Wala kang dapat pagsisihan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Richard Gomez at Dawn Zulueta, magandang halimbawa ng mag-ex na naging super friends!

  1. Sorry hindi pala yong kay Yayo at William Martinez, yong anak pala ni Janno Gibbs ang baka buntis dahil di ba may na blind item noon about it at parang na ambush interview daw yata si Bing Loyzaga about this buntisan issue. Totoo ba ito?

  2. Baka yong blind item ni Ogie na nabuntis na 12 years old pa lang ay yong anak ni Yayo at William Martinez kasi may haka haka noon na buntis daw yong isang anak nila at nagalit pa daw yon si Yayo noong na ambush interview ito about this buntis issue sa anak nila. Sayang nga, kailangan enjoy muna sa pagka dalaga at makatapos man lang sa pag-aaral.

  3. Walanghiya Ogie ang lakas ng loob mong tumira ng mga lalake gayung me MISIS KA? Tigilan mo na panlalake mo dahil mahahawan mo ng sakit na TULO yang kung sinong mang BABAE NA YAN NA NALUKO mong pakasalan. Bawasan mo na rin magsulat ng malalaswa dito sa column mo dahil yung mga anak mong pumapasok sa skol siguradong makikipag-away pa yun dahil sa iyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.