RICHARD at CHYNNA: Nagkabalikan?!

Si Chynna Ortaleza ang kauna-unahang katambal ni Richard Gutierrez. Sino ba naman ang makakalimot sa makulit na tambalang Mimi at Enzo ng Click Barkada na talaga nga namang nag-click sa masa? Natatandaan niyo pa ba sina Basilio at Donna ng Habang Kapiling Ka? Pinaiyak nila tayo noon sa love angle nila na parang “you and me against the world” ang drama. Ang karibal pa nga ni Richard sa nasabing programa ay si Railey Valeroso, na offcam jowa ni Chynna hanggang ngayon. Nakakaaliw namang ikwento sa inyo na ang kakambal ni Richard sa Click na si Angel Locsin ang naging katambal nito sa mga sumunod na TV projects at pelikula.

Nagkaroon din ng “balikan” sina Richard at Chynna sa Sugo pero  kontrabida na si Chynna rito. Hindi mapagkakaila na hanggang ngayon ay meron pa rin silang mga fans na nagnanais na makitang magkasama muli ang kanila iniidolo. Si Richard ang itinuturing pa rin na Hari ng Kapuso network samantalang si Chynna naman ay nalilinya sa kontrabida roles.

Nagkahiwalay man ang kanilang landas sa telebisyon, hindi naman nawala ang kanilang pagkakaibigan. Patunay dito ang mga larawang makikita ninyo sa pahinang ito. Kitang-kita naman na hanggang ngayon ay click na click pa rin ang chemistry nila.

By Mica Rodriguez
Photos by Mark Atienza

loading...

10 thoughts on “RICHARD at CHYNNA: Nagkabalikan?!

  1. wow!i super love these two…super bagay sila together,halata naman sa pics oh..sana talaga i-reunite ung team-up nila..coffee prince would would be the best reunion project for the two of them..sana maisip ng GMA yun..nakakainis lang talaga puro bulok na artista pinapasikat nila like carla and geoff?!hallo! that carla girl looks so stupid..she doesnt have any acting talent..besides sa lahat ng pinartner kay richard, si chynna na talaga pinakabagay..sumikat nga si richard because pinartner sya kay chynna eh…

  2. ui ang dami pa rin pa lang makaRichard-Chynna.
    ,
    ako din super love ko silang dalawa.

    Sana lang lumevel na si chynna kay chard pag dating sa mga project.

    bagay sa kanya yung coffee Prince!!!!

  3. GMA ibalik tambalan nyo sina Richard at Chynna sa Full House. huwag puro si Rhian nahahalata kayo!
    be fair!!! yung magaling umarte binuburo nyo!

  4. super bagay talaga sila. sana silang dalawa ang ilagay sa full house …hanggang ngayon ang lakas ng impact ng 2 to sakin, bagay na bagay talaga sila.

    sa nagsabing di pangbida si chynna? baka di mo lang napanuod yung click! doon lutang na lutang sya!

    richard as justine-chynna as jessie. hayy!!! kilig!!!

  5. hahaha.. nakakatawa ang mga captions sa mga pics.. really funny… (sino ba nag ca-caption nito, yung nag send ng pics o kayo na mga taga pinoparazzi?).. eto laging kong tinitingnan- ang mga captions sa mga pictures.. hahaha..

    • yup, bagay talaga sila. ibalik nyo ang tambalan nila.
      nakakasawa n si rhian di sya ganun kagaling umarte.
      halata ang gma na paborito nila si rhian kasi kahit s mga movie nila andun sya parati.
      BAKIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! sya lang ba ang magaling o dahil talag lang may kapit sya sa taas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.