Richard and Lucy plans to have another child

SOBRA-SOBRA ANG PASASALAMAT ng aktor na si Richard Gomez sa ini-endorso nilang relo ng kanyang misis na si Lucy (Torres), ang Omega dahil ito ang main sponsor ng 14th GOMA Cup na idaraos this week (April 22-25) sa Fairways and Bluewater sa Boracay.

Pitong taong namahinga ang GOMA Cup, dahil na rin sa maraming bagay. At hindi naman kaila sa marami na naging mahirap na rin ang pagkuha ng sponsors ng mga sumunod na taon.

But this time, sa kung tawagin nga ni Goma eh, “A Reunion,” pati ang mga artistang magpa-participate, hindi lang sa paglalaro ng golf eh, masasabak pa rin sa water sports activities. Masaya si Goma at ang Len Plus, Inc. ni Marilen Nuñez dahil sa turn-out ng mga celebrities na nagpatala. Kaya rin natuwa si Goma, dahil lahat ng networks eh, magpa-participate. Kinausap na niya ang sa simula pa lang eh, kasa-kasama na sa lahat ng GOMA Cup na sina Willie Revillame at Aga Muhlach at kahit nga isang araw lang eh, dadalo sila sa nasabing event.

Kaya, isang magandang pagkakataon na naman daw ito para ang mga hindi nagkikita-kita sa mahabang panahon eh, muli na namang magsama-sama, hindi lang sa competition kundi sa mga kasiyahan na ring isasagawa roon gabi-gabi. Magiging highlight sa pagsisimula ng GOMA Cup ang Clean-Up Drive na isasagawa ng lahat ng participants sa pag-aalis ng basura sa baybayin ng Boracay.

Sa salu-salo with the press sa Gloriamaris sa Manila Bay recently, nausisa na rin namin si Goma kung desidido na siya sa pagpasok sa pulitika sa darating na eleksiyon. as of the moment daw, talagang wala pa siyang maisasagot.

Ang pinaghahandaan ni Goma eh, ang paglipad nila ni Lucy sa Amerika, una para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa May 2, kasama ang buo nilang pamilya after which, magro-road trip silang mag-asawa sa iba pang estado ng Amerika for their honeymoon, na regalo nila sa kanilang mga sarili sa pagse-celebrate nila ng kanilang anibersaryo.

Gusto raw nilang bigyan ng panahon ang mga sarili nilang makapagpahinga rin para magkaroon na rin ng kapatid si Juliana Marie who is now eight years old.

SINA JAKE CUENCA at Angelica Panganiban ang napisil ng may-ari ng inuming The BaR (orange vodka and lemon and lime gin) para maging endorsers nila.

Ikinaloka lang ni Jake ang isang tanong sa may-ari ng The Bar kung bakit daw hindi pa si Derek Ramsay na lang ang kinuha para maging partner ni Angelica na i-endorso ang nasabing inumin.

Sabi, may mga ini-endorso na rin naman si Derek. At siguro naman daw, hindi masama na si Jake naman ang makapareha ni Angelica this time sa The BaR.

‘Di pa rin tumigil ang nagtanong. Kung ‘di ba naman daw naisip ng mga kumuha sa mga endorsers ang isang Baron Geisler para siyang mag-endorso ng nasabing inumin. Foul naman talaga ang tanong.

Unfair na nagbanggit pa ng ibang tao. Buti na lang, mahusay sumagot si Cindy Guerrero ng marketing. Or else, malamang nawindang din ang may hawak ng nasabing event na si Mitzi Magdaparan na Senior Planner of Zenith Optimedia Advertising Agency at butihing kapatid ng aming katotong Lorelie Dionisio Piravalasamy.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Richard and Lucy plans to have another child

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #53

Leave a Reply

Your email address will not be published.