Rich Asuncion let Kylie Padilla to be with Aljur Abrenica?!

BLIND ITEM: KAPAG nagka-taon, mapapahiya ang buong creative team sa likod ng isang teleseryeng kamakailan lang nag-umpisa, kung mapapatunayang maliwanag na kaso ito ng plagiarism o pangongopya ng materyal mula sa orihinal na may-akda nito.

Isang acquaintance ang nag-text sa inyong lingkod, bungad niyang tanong ay kung sinu-sino raw ba ang bumubuo ng writers’ pool sa likod  ng  teleserye. Binanggit  ko  ang isa  sa  mga  pangunahing manunulat ng teleserye, her full name slipped my mind though.

Ayon sa aming kakilala, orihinal na konsepto ‘yon ng kanyang kaibigan, but how could his friend prove that the original concept was his? Naiparehistro ba niya ito? Nabigyan ba siya ng kaukulang intellectual property rights to the original material?

Panangga ng kaibigan ng aming ka-text, nasa pag-iingat pa raw nito hanggang ngayon ang first draft ng isinumiteng kuwento for a possible TV production, which he presented to the network years ago. But as for the copyright law to safeguard his intellectual property ay wala raw itong pinanghahawakan.

Again, we would like to give our source the benefit of the doubt. As we all know, kahit ang mga authors ng history books ay hindi 100% accurate in their chronicles of events. So, alam mo na, Kuya Dan, which teleserye I’m referring to!

 

IPINAUBAYA NA NGA ba ni Rich Asuncion si Aljur Abrenica kay Kylie Padilla? Bagama’t walang admission from either Aljur or Rich, lalo tuloy nakumpirma that there was more to their Starstruck days tulad ng Bohol (where Rich hails from) tryst nila noon.

In a recent private talk, maluha-luha raw sinabi ni Rich kay Kylie (currently Aljur’s rumoured sweetheart) na: “Huwag mo siyang pababayaan, ha?” Ewan kung ano ang reaksiyon ni Kylie, but if she nodded approvingly, ibig lang sabihin na sila na nga ni Aljur.

Naging tampulan tuloy ng mga biruan si Rich sa GMA. One time, habang papadaan siya’y napagtripan siyang tawaging  “Kylie! Kylie! Kylie!” ng isang intrigero. Lumingon naman daw si Rich, sabay pairap na bumuwelta ng: “Sorry… ako ang mahal (ni Aljur)!”

Mas naniniwala kami sa tinuran ni Rich, dahil kung hindi ba naman ay ilang beses nang “nagluluko” si Aljur under her nose pero sa kandungan (no sexual connotation to it) pa rin nito ang bagsak ng aktor.

So, do we smell war a-brewing between Rich and Kylie?

 

NANG DAHIL SA utang na kung tawagi’y emergency, nag-ala Amazona ang mga misis sa Marikina. Ngayong Lunes, another katsipang episode of Face To Face comes your way via Dugasan Sa Utang Ay Nasilat Kaya’t Mga Misis, Naging Amazonang Gubat.

Imbiyerna si Len-Len sa pinsan niyang si Marie dahil manloloko ito. Lalong tumindi ang talakan nang lumitaw sina Maricel, Virgie at Mades na pinalalabas ni Marie na mga manunuba gayong bayad sila sa kanilang mga atraso.

Bukas, Martes, abangan ang kuwentong pinamagatang Nagpakilalang Dalaga Pero May Sabit Na Pala, Nabuking Ng Mga Lalaki Niya! “May kabit ang asawa ko!” ang walang takot na pasabog ni Axel laban kay Cindy at kinakasama nitong si Denver.

Biktima umano ng pangmomolestiya ng kanyang amain si Cindy, kaya naging takbuhan niya si Axel na siyang kumupkop sa kanya. Naresolba na lang ang katsipang ito nang paghatian nina Axel at Denver ang oras (at orosan!) ni Cindy.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

4 thoughts on “Rich Asuncion let Kylie Padilla to be with Aljur Abrenica?!

  1. buti nga sayo and powkie are both stupid. isn’t it obvious? 100% nga diba? shucks..stupidity nga nman oh..and bakit kailangan siraan ni carasco ang palad na nagpapalamon sa knya, that’s stupid. so malamang abs ang sinisiraan nya diba? and that makes 100days to heaven he is referring to..duh duh duh…

  2. obvious naman na amaya yan tinutukoy nya jan. trying hard naman ang abs sa paninira nila sa amaya. una, nirecyle nila ung mga intriga kay marian, ung kay venus, tas pinapalaki nila ung lambingan ni marian sa pp na binatukan at binastos daw… sus… thats the abs cbn way…

  3. Iyong 100 days to heaven yata ‘yun? In fairness, maganda yung story nun at galing pa ni Ms. Coney Reyes at Xyriel…

  4. ikaw carrasco, ini-intriga mo naman ang show ng GMA (na sure naman na Amaya iyon). Gawa-gawa mo lang iyan, para i-discredit ang pagiging original concept ng Amaya. Ewan ko ba sa GMA, why do they keep you (sa Startalk, at dati, sa Tweetbiz), eh kapiraso kang kalawang na pilit sinisira ang istasyon na nagpapala sa kanya. Panay rin ang bira mo sa mga talents ng GMA network. Isang word lang ang bagay sa iyo: INGRATO!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.