Rich Asuncion, kulang na lang isuka ng staff ng Starstruck! – Ronnie Carrasco

HE MAY NOT be the best among all the country’s state leaders, but former President Joseph Estrada is a good sport.

Sa kauna-unahang pagkakataon, in his 20 active years in showbiz, ngayon lang – if I’m not mistaken – sasabak si Erap sa isang comedy film from beginning to end. Ito ang Ang Tanging Pamilya, a Star Cinema offering.

Hindi kaila kay Erap na ang kanyang love interest dito na si Ai-Ai delas Alas is a staunch Noynoy supporter. Patunay lang ito that times change even in politics.

Bit of trivia: Ai-Ai ang I gravitate towards a common circle of college friends, kabilang dito si Laarni Enriquez, one of Erap’s beloved women in his life. By virtue of that enduring college friendship, hindi ba dapat ay suportado ni Ai-Ai si Erap?

[ad#post-ad-box]

In fairness though to the former leader, hindi niya inihahalo ang pulitika sa kanyang showbiz career. Iginagalang niya si Ai-Ai kung iba man ang kinaaaniban nitong partido.

“Magnanimity” is what Erap is all about. Kung hindi ba naman, dinalaw pa niya ang studio ng Wowowee after ng presscon ng Ang Tanging Pamilya, considering na ang host nito ay identified sa magiging katunggali niya na si Senator Manny Villar!

If only for this, marami ang humanga kay Erap. With a comeback movie after 20 years, malamang isa na naman itong Star Cinema blockbuster.

PROOF THAT TV5’S Talentadong Pinoy is making huge waves ay ang tema ng inaanunsiyo na nitong bonggang-bonggang Christmas party for the press on December 3.

Last year, of all of the TV networks ay nag-buena mano ang Singko sa kanilang pagdiriwang. Looks like history repeats itself, but this time, TV5 is heavily banking on the viewership strength of the Ryan Agoncillo-hosted talent search program.

Puwedeng solo o grupo with not more than five members from the press ang maaaring lumahok. Sampu lang ang pipiliin with one a half minutes para magpakitang-gilas ng kanilang talento. Same rules apply: may jury at talent scouts na magsisilbing taga-okray, na kung sinuman ang papalarin ay kailangang um-attend ng VTR shoot at rehearsal on November 30.

Naku, sa totoo lang, riot ito. Just when everybody thinks na gossip writing lang ang forte ng mga reporter, they’re in for a big surprise!

KULANG NA LANG isuka ng staff ng Starstruck si Rich Asuncion. Feeling sikat na raw kasi, kaya very uncooperative sa trailblazing primer that introduced the Season V batch.

Weno? As if naman “made” na si Rich, eh, she’s just Aljur Abrenica’s KEPT girl like a jalousy samshed and broken.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

20 thoughts on “Rich Asuncion, kulang na lang isuka ng staff ng Starstruck! – Ronnie Carrasco

  1. pano nyo sya makikilala… eh isa lang ang channel nyo sa bahay… channel 2… aayyy ang tatanga!!!,… kung nanonood kayo ng gma 7 at inililipat nyo minan ang channel nyo eh di kilala nyo sya… ang slow nyo noh?

  2. sabi nila marunong daw talaga ang GMA sa pagipili ng next important stars, at pag nahubog na kukunin na ng ABS!!

    hoy!! may Kris Aquino, Bhoy Abunda, Angel Locsin, Srah GEronimo, Anne Curtis, ba kayo? na nagsimula lahat sa ABS haaaaaaaaaa! wala!! at mga poging papa !! na pawang tunay ng lalaki!! pwe!!

  3. hindi ko makita ang point kung bakit binuhay pa ng GMA7 ang Starstruck samantalang wala naman itong naproduce na sikat na artista? meron ba? parang wala naman.

    natatawa din ako dun sa ARE YOU THE NEXT BIG STAR? na show nila dahil ang mananalo daw dun ay ang magiging next big concert performer, nakakatawa. icompare mo nung nagsisimula si sarah sa talento nung mga nanalo sa show na yan. WALANG WALA. walang kwenta. nagaksaya ng budget. di naman nagrate. geez

  4. Ay sus, mas dadami pa ba ang mga unknown ng GMA kaysa sa dami ng mga unknown sa dos? Susme, sa isang di kilala sa 7, lima ang katumbas sa 2 noh. At sa paramihan ng mga nakatambak na pangit sa network, di hamak na mas maraming nakatambak sa 2. Yuck, ang papangit; mula sa support, hanggang sa mga lead! Yuck na yuck talaga ang channel 2 (kasama na ang isang tambak na patapon na supporters).

  5. seriously, eye sore ang pagmumukha nitong gerlalush na to, walang X factor eh, hanu ba yan? if ganyang itsura eh pumapasa sa screening ng GMA at sa quality control nila, masabihan si Inday na katulong namin na mag-audition sa GMA at di hamak na mas maganda pa sya sa mukhang kulangot na to, hmp!

  6. si Rich Asuncion ang gumanap na bff ni katrina halili sa magdusa ka at bff naman ni maxene magalona sa isang teleserye na katatapos lang with glaiza de castro and patrick garcia. sikat na ba sya ng lagay na yun?

  7. PAGDATING DITO SA AMERIKA SOME FILIPINOS DO NOT EVEN KNOW KUNG SINO SINO ANG MGA ARTISTA NG GMA PinoyTV STARSTRUCK.STARSTRUCK IS JUST AN AMATEUR CONTEST SA ISANG FIESTA AT ANG MGA ARTISTA AT RUNNER UPS WALANG DATING DI TULAD NG MGA STAR CIRCLE HINUHUBOG MULA SA PAGKABATA AT TALAGANG DUMADAAN SA ISANG WORKSHOP.

  8. eh paano niyo makikilala ang stars ng gma eh iisa lang ang channel na alam niyo, hahahah! di niyo ba alam na karamihan ng artista sa channel na kinababaliwan niyo eh galing sa gma, hahahah

  9. kaya nga ung kanilang last xmas station id eh nilagyan nila ng name ung mga stars nila para makilala dhil in the world of showbizness eh never heard talaga talents ng gme!
    kaya nga inggit na inggit sila sa mga stars ng abs dhil hindi lang nationwide kilala bagkus eh worldwide pa.
    anong sinabi ni rochelle ng magconcert sila sa us at nag-flop, dahil walang tfc!
    ang tagal ng sikat d2 sa mega manila ang sexbomb pero unknown pa rin sila sa ibang panig ng mundo.

  10. Siguradong blockbuster na naman ang Tanging Pamilya. Andiyan ang blockbuster movie makers na si Ai Ai, Toni G at Sam Milby, tapos hahaluan pa nang icing on the cake na si Erap at Mommy Dionisia. Siguradong puputaktihin na naman ito. I will make sure to add this to my Toni G movie collections. Hindi ko palalampasin ito. Sa trailer pa lang, sumasakit na ang tiyan namin sa katatawa. Star Cinema, your the best.

Leave a Reply

Your email address will not be published.