Rich Asuncion, itinanggi ang karelasyong pulitiko

TIGAS NA itinanggi ni Rich Asuncion na isang politician ang bago niyang karelasyon. Wala raw katotohanan na madalas siyang kasama ng sinasabing politician na taga-Ilocos.

“Ano ba ‘yan?! ‘Di ako ‘yung sinasabi nila. Minsan lang akong naimbitang mag-show sa out of town ng isang mayor. Pero walang nangyari ligawan. Kayo talaga,” nagulat at natatawang pahayag ni Rich nang makausap namin sa 17th floor ng GMA-7.

Pero hindi naman itinanggi ni Rich naging sila ni Ervic Vijandre na tumakbong konsehal pero natalo at nabugbog pa ng mga hindi pa nakilalang tauhan daw ng nakalaban sa naturang distritong tinakbuhan sa katatapos na election.

“February kami nag-break (Ervic) Nagpunta ako sa province para makalimutan ang sakit na nadama. Buti na lang may offer ako muli sa GMA-7. Isinama nila ako sa Binoy Henyo,” say ni Rich na medyo tumaba dahil puro kain lang daw ang ginawa niya nang magbakasyon sa province.

Ang ikinagulat pa ni Rich, makakasama niya sa show si Ervic na magiging love interest pa niya sa serye.

Wala raw siyang choice kundi gawin ang role kahit kamakailan lang sila naghiwalay ng landas ni Ervic.

Civil naman daw sila magmula nang maghiwalay. Nagbabatian naman daw sila kapag nagkita sa taping ng BH. Pero wala na raw ‘yung kirot dahil limot na niya ang actor na naging boyfriend ni Marian Rivera for 7 years.

Hindi naman itinanggi ni Ervic na naging sila nga ni Rich. Matagal din naman daw ang relasyon nila ni Rich, pero wala raw siyang magagawa kung talaga ‘di sila para sa isa’t isa.

Anyway, gusto pala ni Ervic na gumanap na bading sa isang serye tulad ng role ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover.

“Sinabi ko na noon pa sa manager ko na gusto kong gumanap na bakla. Gagawin ko ang role kahit na ano ang ipagawa sa akin. Basta kailangan lang talaga sa script ay walang problema sa akin,” pagdidiin ni Ervic.

Inamin din ni Ervic ang panliligaw sa kasalukuyang Bb. Pilipinas-Universe. Wala pa raw silang relasyon pero if ever na papalarin siya ay magiging masayang-masaya raw siya sa piling nito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Rich Asuncion, itinanggi ang karelasyong pulitiko

  1. hay naku po namintas sila..tingnan nyo naman sarili nyo sa salamin, kahit pang miss barangay di kayo matanggap hahaha

  2. hay naku rich a.k.a ritchell angalot umuwi ka na lang ng bohol walang nangyayari sayo dyan sa maynila…sumali sali ka pa ng bb.pilipinas noon nagkalat ka sa q and a…

    • HAHAHAHA. PARA NGANG MAY PAGKA-BOBITA ITONG SI RICH. U.P. BA TLG YAN? BAKA, UNIVERSITY OF PUNANI. HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.