Rich Asuncion heavily denies romance with Aljur Abrenica!

BONGGA NAMAN ITONG si Rich Asuncion! Diretsahan niyang sinabi sa presscon nito na never daw niyang naging boyfriend si Aljur Abrenica?

Talagang consistent siya sa pagdi-deny eh, may mga inamin naman si Aljur sa akin.

Pero kung ‘yun ang statement niya, hayaan na lang natin dahil mukhang seryoso naman itong si Aljur kay Kylie Padilla.

Kung tatanungin mo naman ang dalawa, talagang magkaibigan lang daw talaga sila.

Ang galing-galing na nilang mag-deny pero ang ending nagkakaalaman din kapag break na.

Ganu’n ang nangyari kina DJ Mo Twister at Rhian Ramos, ‘di ba?

Si Rich naman, talagang magkaibigan lang daw sila ni Aljur at ngayon ay gusto raw muna niyang magpaka-single dahil mabuting sa career na raw siya mag-concentrate.

Ang maganda lang kay Rich, pursigido siyang ituloy ang pag-aaral niya sa UP. Second year college na siya sa kursong Tourism dahil gusto raw niyang gamitin ito sa lalawigan niya sa Bohol.

Ang daming tourist spots sa Bohol at gusto niyang may maitulong siya para lalong ma-develop ang Tourism doon.

Kapag may sapat na raw siyang naipon, balak niyang magtayo ng resort doon dahil magaganda raw ang mga beaches sa Bohol.

Pinu-promote ngayon ni Rich ang May issue ng FHM dahil siya ang nasa cover.

Wala raw siyang balak na bigyan ng kopya si Aljur, dahil kung type daw nito, bumili na lang daw siya para makadagdag din daw sa benta ng FHM.

Kasali si Rich sa Sisid na pagbibidahan ni Jackie Rice.

 

NAAKSIDENTE PALA SI Jackie Rice sa taping ng Sisid nung nakaraang Martes.

Sobrang nadala yata si Jackie sa madramang eksena nila ni Dominic Roco.

Nag-aaway raw sila sa eksena nang biglang sinipa raw nito ang silya. Hindi yata niya nakontrol ang pagsipa ng silya, napalakas ito, kaya nabali raw ang isang daliri nito sa paa.

Natigil ang taping nila dahil kailangan i-cast ang paa nito. Kaya na-pack up ang taping nila kahapon.

Ang sabi nga ng doktor, anim na buwan daw ang pagpapagaling nito, pero sisikapin daw ni Jackie na mapaaga ang pagpapagaling dahil kailangan makapag-taping siya uli.

Hindi naman puwedeng lagi siyang nakaupo at kailangan niyang nasa dagat siya at lumalanguy-langoy, kaya kailangan niyang magpagaling agad.

Talagang kinakarir nang husto ni Jackie itong seryeng pagbibidahan niya kaya bigay na bigay ang akting nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Rich Asuncion heavily denies romance with Aljur Abrenica!

Leave a Reply

Your email address will not be published.