Rich Asuncion, bumulaga ang boobs

Rich-AsuncionNATARANTA SI Rich Asuncion sa isang eksena na kailangan niyang sumisisid sa role na isang sirena. Natanggal kasi ang nakadikit sa boobs niya na mahabang buhok kaya bumulaga nang bonggang-bonga ang sariwa pa niyang boobs.

Nag-panic at na-conscious man daw siya sa hindi inaasahang paglabas ng kanyang boobs, itinuloy pa rin daw niya ang naturang eksena. Pasalamat na lang daw si Rich na kahit na bumulaga ang boobs ay may adhesive tape pa ring nakatakip sa kanyang nipples.

Natatawa si Rich dahil hindi naman daw ang pagkakalantad ng boobs ang ikinataranta niya kundi ang masilip at makita na maliit lang ang kanyang dibdib. Pero pagmamalaki niya na kahit hindi kalakihan ang boobs ay natural naman daw ito.

Ayon pa kay Rich, hindi madali ang role niyang sirena dahil bukod sa nakababad sila sa malamig na tubig ay malamig din daw ang hangin. May araw rin daw na nakabitin sila sa harness. Kung hindi raw sa dagat ang taping nila ay nasa loob sila ng studio at doon sila kinukunan para sa under-the-set computer effect.

Hindi naman daw siya nagrereklamo, nagpapasalamat pa nga raw dahil lagi siyang may project sa GMA 7.

Tinutukso lang lagi si Rich ng mga press dahil baka mapadalas ang pagkakasama nila ni Aljur Abrenica sa trabaho. Naging magsyota kasi ang dalawa noon.

Pinagdiinan naman ni Rich na matagal na raw ‘yung sa kanila ni Aljur at kapwa na raw sila nakapag-move on dalawa.

Kung sakali raw na iibig siyang muli ay sisiguruhin niya na isang lalaki na laging siyang pasasayahin at patatawanin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Rich Asuncion, bumulaga ang boobs

Leave a Reply

Your email address will not be published.