Rich Asuncion and Kris Bernal fans fight at online forum

Merese
by Dinno Erece

HINDI NA AALIS
si JC de Vera sa GMA.

Masayang naipagdiwang ni JC ang advanced birthday party niya last Monday night sa Barrakz Bar kung saan siya part owner. Hapon pa lang kasi ng Lunes, naibalita na sa kanya ang maayos na pakikipag-usap ng kanyang manager na si Ms. Annabelle Rama and GMA President/CEO/Chairman Atty. Felipe Gozon and GMA Films President Annette Gozon-Abrogar tungkol sa magiging estado niya. Hindi na siya tatanggalin sa GMA.

Mabilis nang nagpalit ng Face Book status si JC from ‘is nervous’ to ‘eh Kapuso pa rin ako.’ Kung si JC kasi ang tatanungin, although he is ready to follow his manager wherever she takes him, mas gusto niyang mag-stay sa Kapuso dahil doon daw siya nakilala at nakapagsimula. Well, birthday wish come true ito for him na tinanggap na rin ang Ngayon At Kailanman possibly opposite Heart Evangelista.

Kahapon ang kaarawan ni JC at kasabay niya ang kambal na sina Greg at Brad Turvey at kaibigan naming si Jonathan Pinera.

MAY AWAY ANG mga fans nina Rich Asuncion at Kris Bernal.

Nagulat kami na nagsasagutan ang mga fans nina Rich at Kris sa Dapat Ka Bang Mahalin thread sa Pinoy Exchange. Wala naman kaming kaalam-alam kung bakit. Siyempre, nagulat din kami kung bakit nasa backstage daw si Aljur Abrenica ng Araneta Coliseum noong Sabado sa coronation night ng Binibining Pilipinas kung saan kasali si Rich at nagwagi ng First Runner Up. Bakit nga kaya? Tanga-tangahan mode kami para hindi halatang nang-iintriga.

Basta ang masasabi lang namin, hindi lang successful si Ara Mina sa pagbabalik GMA niya with this Sinenovela sa Drama Rama Sa Hapon, successful din ang Kapuso network sa gamble na ginawa nilang bigyang ng launching show ang dalawang Starstruck IV. To think na nagsimula ang pairing noon sa Starstruck na sina Mart Escudero at Kris at si Aljur at Jewel Mische remember? Alam naman natin kung kanino na ngayon si Mart.

At kung kanino na ngayon si Jewel, ahihi.

WALANG HALIKANG MAGAGANAP kina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa movie nilang OMG.

Nag-storycon na ang pangalawang movie ng Regal Films this year, pagkatapos ng When I Met U Valentine movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, ang Oh My Girl. Sina Juday at Ogie nga ang magiging bida sa story concept ni Regine Velasquez at direction ni Nico Garcia. Sa March 25 ang start ng shooting ng movie na may eksenang kukunan sa Taal at malamang na pang June ito ipalalabas.

Ngayon, alam naman ng lahat na sina Ogie at Regine at sina Juday at Ryan Agoncillo. Dahil dito, kahit comedy-romance ang pelikula na may shades of Notting Hill, walang magiging romantic slant ang movie at walang halikang magaganap sa dalawa. Actually puwede rin naman kung tutuusin kasi malamang na all out comedy ito, dahil komedyante si Ogie at magaling ding magpatawa ni Juday. Siguro choices na rin nila na wala nang kissing scene.

Matutuwa pa niyan sina Regine at Ryan. Matutuwa pa raw, o…

loading...

5 thoughts on “Rich Asuncion and Kris Bernal fans fight at online forum

  1. Предлагаю расмещение Вашей рекламы на сайтах интернета
    – на бесплатных интернет-досках ВРУЧНУЮ с выбором срока размещения и категорий по Вашей теме 50$ на 3000 , можно до 15 тысяч досок, адреса досок после
    размещения предоставлю
    – рассылка в автоматическом режиме 100$ 19000 интернет-досок.В Яндекс каталоге появится ссылок на Ваш сайт 10-15 тысяч
    -есть еще варианты вышлю по запросу
    ICQ63619104 kasd756@inbox.ru

Leave a Reply

Your email address will not be published.