Ria Atayde, pinasaya ang mga bata sa bahay-ampunan

Ria Atayde With Mamita Pilar (With Angelo)
Ria Atayde With Mamita Pilar (With Angelo)

Nairaos ang masayang ika-23 birthday party ni Ria Atayde, mas kilala ngayon as ‘Titser Hope’ sa nagtapos nang morning pampa-good vibes na teleseryeng Ningning, kahapon, Palm Sunday, Mrach 20, together with the kids of Cottolengco Filipino (Orphanage for Disable Children) sa Rodriguez (Montalban), Rizal.

Together with her Mamita (Lola) Pilar, sister Gella and mom Sylvia Sanchez, mga kamag-anak and friends, maging ang aktres na si Daria Ramirez ay kasama nila na nagkaroon ng munting kasiyahan sa advance pa-party ng baguhang aktres sa mga kabataan sa Cottolengco.

Nagkaroon sila ng games, sayawan, kantahan, at siyempre ang treat ni Ria Atayde sa kanila na spaghetti at fried chicken.

Sa Wednesday, March 23, pa ang birthday ni Ria, pero dahil in observance of the Holy Week, in-advance na niya ang pagti-treat sa sa mga bata.

Kanina sa “It’s Showtime”, ipinalabas ang Lenten Special ng noontime show na pinamagatang “The Wedding”, kung saan nagkasama sila nina Karylle at Mariel Rodriguez sa kuwento.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleLolit Solis, kinumpirmang sisibakin na ang kanilang showbiz talk show
Next articleJames Yap, ‘di mahalaga kung ano ang gender ng anak, basta healthy paglabas

No posts to display