Ria Atayde, mula sa pagiging chubby, ang laki na ng ipinayat

ANG laki ng ipinayat ni Ria Atayde sa bagong post niya sa kanyang Instagram account. In her straight long hair sa suot niyang orange top, iba ang dating ng dalaga sa amin.

Kaya nga laking gulat ko when I saw this photo of Dra. Gia… este, Ria who plays the ex-girlfriend of Zanjoe Marudo in the teleserye “My Dear Heart” na ina ni Heart.

I remember Ria na chubby and healthy noon. Laking gulat ko nga na during the grand presscon of her teleserye na napanonood nightly sa ABS-CBN after “FPJ’s Ang Probinsiyano”, malaki ang ipinayat nito. Pero now, mas payat at slim tingnan ang dalaga with her new photo posting.

Ang alam ko, Ria is into cross-fit exercise program na super hirap, lalo pa’t you need to endure the very physical exercises.

Parang same program din yata sila na ginawa ng mom niya na si Sylvia Sanchez na malaki rin ang nabawas na timbang kung mapanonood mo ang aktres sa afternoon show nito na “The Greatest Love”.

Sa totoo lang, I’m loving the new look of Ria.

Samantala, mas kikilalanin si Ria sa Lunes, March 20, sa morning show na “Magandang Buhay” pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda” sa Kapamilya Network.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.