Ria Atayde, first time na makakasama ang utol na si Arjo sa MMK ngayong Sabado

Ria and Arjo Atayde

SUWERTE ng magkapatid na sina Arjo Atayde at Ria Atayde sa pagkakataon na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN para magkasama sa isang palabas. Not all showbiz personalities ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon tulad ng sa magkapatid.

Ang tinutukoy namin ay ang MMK episode na mapapanood sa darating na Sabado, December 8 kung saan gagampanan nila ang mga tunay na karakter nina Armin Marin at Rosedel Marin na mga enviromental activist na magkapatid.,

Sa longest drama anthology na napapanood sa telebisyon (MMK), nagtungo pa sa Sibuyan island sa lalawigan ng Romblon sa Kabisayaan sina Ria at Arjo para mag-taping sa tunay na pinagyarihan sa buhay ng Narin siblings.

“We shot where they lived talaga. Armin Marin and Rosedel Marin are Environmental activists,” pagkukuwento ni Ria sa short chat namin.

Kakaibang karanasan ang natutunan ng dalaga sa pakikipagtrabaho sa kanyang Kuya Arjo na kung tama kami ay kauna-unahan palabas ng magkapatid na magkatrabaho silang dalawa.

Ria and Arjo Atayde on a scene for MMK

Kuwento ni Ria, “Hindi ko po masabi kung anong description pero masarap po sa pakiramdam. Natural lang po lumalabas yung emotion. Parang hindi ko na po kinailangan umarte.

“Drama po ang kuwento. Maraming iyakan. Mabigat po yung kwento,” diskription ng dalaga sa episode nil ani Arjo.

Para kay Ria, mas madali sa kanya ang experience niya na makatrabaho ang kapatid. “For me, lahat po ng role ko challenging. Pero napadali po sya, kasi ang dali po hugutan ni Arjo,” sabi niya.

Sa katunayan, nang lumabas ang promo teaser ng episode nila online, ang dami kaagad ang nag-like at nag-share ng naturang teaser na naging instant viral online. Hindi lang ang mga supporters and fans ng dalaga ang mga nag-like, maging angnilang mga respetadong mga artista ay naglike din at pinu-push nila ang naturang MMK Saturday episode.

Today, Tuesday, December 4 ang last taping day nila for the MMK episode.

Ria and Arjo Atayde

Sa Marin sibling’s episode, makakasama nina Arjo at Ria sina Tetchie Agbayani at Ernie Garcia sa obrang pangtelebisyon ni Giselle Andres.

Abangan din si Ria sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na The Girl in the Orange Dress kung saan Ria plays the friend of Jessy Mendiola na tagahanga ni Jericho Rosales sa kuwento.

”I’m a super fan and feeling ko boyfriend ko sya. Its my biggest role for sure,” pahabol na impormasyon ng dalaga.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.