Rhian Ramos, very vocal na sa relasyon nila ni KC Montero

AT LAST ay inamin na ni Rhian Ramos  ang relasyon nila ni KC Montero at wala raw rason para ilihim pa nila ito. Kung dati rati nga ay tikom ang bibig nito sa tuwing matatanong tungkol kay KC, ngayon ay very vocal ito sa pagsasabing masaya siya sa piling ng host/actor.

Tsika nga nito na perpekto at balanse raw ang buhay niya ngayon, maganda ang career niya at may love life siya. “My life is as close as perfect. I’m so content. Feeling ko, ibinigay ni KC ang 1/3 para mabalanse ang buhay ko. Si KC ang pinaka-patient, he’s very mature, responsible, he acts his age and very ma-service to people.”

Happy raw si Rhian dahil pati ang mga mommy nila ni KC ay friends at parehong addict sa Twitter at nagtu-tweet sa isa’t isa. Hindi lang alam ni Rhian kung kailan nag-start ang relasyon nilang dalawa, na-feel na lang niya na pagbalik nila after a Smart event sa Las Vegas ay sila nang dalawa.

 

GAGANAPIN SA Nov. 18 ang 26th PMPC  Star Awards for TV sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, Katipunan Road, Quezon City, 6 p.m. Ang telecast ay mapapanood sa Nov. 25, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa ilalim ng direksyon ni Al Quinn.
Magsisilbing host sina Kris Aquino, Toni Gonzaga at Aga Muhlach. Magsisimula ang show sa isang bonggang production number na hatid nina Erik Santos, Angeline Quinto, Jay-R at Karylle. Habang si Dawn Zulueta naman ang aawit para sa natata-nging alagad ng telebisyon awardee na si German Moreno hinggil sa kanyang 50th anniversary sa showbiz.
May production number si Ms. Ai-Ai delas Alas, habang  may finale number naman si Rufa Mae Quinto entitled ‘Unity’ na kung saan ay may representative ang bawat giant networks gaya nina Aljur Abrenica at Mark Herras sa GMA 7, John Prats at Gab Valenciano sa ABS-CBN 2, Rodjun Cruz sa TV5 kasabay ang ilang komedyante na sina Bayani Agbayani, Candy Pangilinan, Minnie Aguilar at Jayson Gainza na magpapasayaw sa audience habang ipinapakita ang VTR of all stations’ employees dancing to Gangnam.
Magkakaroon din ng tribute at bibigyan ng Posthumous award ang King of Comedy na si Mang Dolphy. Tatanggap naman ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award  si Ms. Gloria Romero. Ang Excellence in Broadcasting Award naman ay si Tina Monzon-Palma.
Pipili rin ng Celebrity Skin of the Night, Male/Female Sexy Stars of the Night, Male/Female Face of the Night, Male/Female Star of the Night. Maglalaban-laban sa Best Drama Actor category sina Coco Martin, Dingdong  Dantes, Eddie Garcia, Gerald Anderson, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Richard Gomez.
Makakalaban naman ni Nora Aunor sa Best Drama Actress category sina Dawn Zulueta, Helen Gamboa, Janice De Belen, Rochelle Pangilinan, Susan Roces at Xyriel Manabat. Habang sa Best Single Performance by an Actor ay maglalaban-laban sina Arjo Atayde, Gerald Anderson, JM De Guzman, Noni Buencamino, Phillip Salvador, Piolo Pascual at Robin Padilla.
At sa Best Single Performance by an Actress ay magtutunggali sina Angel Aquino, Brenna Garcia, Gina Pareño, Iza Calzado, Jane Oineza, Maricel Soriano at Sylvia Sanchez. Dapat abangan kung aling network ang magiging Best Station of the Year!

 

MAGAGANAP SA Sunday, Nov. 18 sa Starmall Edsa-Shaw, 3pm ang 1st anniversary ng isa sa unti-unti ng sumisikat na boyband sa bansa, ang UPGRADE, na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Rhem Enjavi, Miggy San Pablo, Ron Galang, Armond Bernas, Mark Baracael, at Raymond Tay.

Masayang-masaya raw ang grupo dahil sa loob ng isang taon ay marami silang Achievements na nakuha katulad ng pagkakaroon ng 4 na award bilang Most Promising Boyband at Outstanding Boyband for 2012, dalawang beses din silang naging back cover ng song mag at isang beses namang nag front cover ng magazine. Habang ang ilan sa kanila ay nabigyan na ng pagkaka-taong mapasama sa mga soap ng TV5 at GMA 7.

Target nga ng UPGRADE ang magkaroon ng sariling record album bago matapos ang taon o sa pagpasok ng 2013. Sa ngayon daw, dalawang recording company na ang nagkakainteres na kunin ang serbisyo ng grupo at tinitingnan na lang ng mga ito kung sino ang may magandang offer at ‘yun ang tatanggapin nila.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

11 thoughts on “Rhian Ramos, very vocal na sa relasyon nila ni KC Montero

  1. kawawa nman si rhian sana si kc na tlga yung guy 4u baka lokohin ka nyan alam mo nmn mahilig rin yan sa bagets heheehe basta ingat nlng juice ko ganda mo p nman hayzzz… how true n sinabi ni jc  yon? tsk tsk tskkkkkkkkk

  2. ang mga artista, ang bilis makakuha agad ng boyfriend at kapalit. itong c rhian parang di nawawalan ng boyfriend at syempre di maiwasan na laging may nangyayari sa knila.  Kaya ang mga artista walang pinagkaiba yan sa pokpok… Bukas cla 24/7 pag type nila.

  3. grabe naman itong si rhian.. mahili sa mga malayo ang agwat sa kanya kaya ayan nachichimis tuloy ng kung ano ano.,. kung sino sino kasi ang pinapatulan

  4. ANG BABAENG MAHILIG MAGPAIYOT AT MAGPAABORT! KAYA PALA TAWAG SA KANYA NI JC DE VERA EH ERASER HAHAHAHAHAHAHA HHHHHHMMMMMM NABUNTIS DIN KAYA SYA NI JC AT IPINAABORT???? KAYA DIRING DIRIR SI JC MABANGGIT ANG NAKAKASUKA NYANG PANGALAN??????? EEEEWWWWWWWWW C MS. ERASER WALA TALAGANG KAHIHIYAN SA TAO HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.