Rhian Ramos, rarampa sa Los Angeles Fashion Week?

SI RHIAN Ramos ang gusto ng Hollywood Pinay designer na si Pia Gladys Percy na isama sa kanyang 2013 fall/winter collection sa fashion week na magaganap sa 3rd week ng March sa Los Angeles California.

Ang problema ay kung papayagan naman kaya ng staff ng seryeng Indio ang actress na pumunta ng Los Angeles, California para sa naturang fashion week?

Vital kasi ang role ni Rhian sa naturang serye na pinagbibidahan ni Bong Revilla, lalo’t malapit na ang Holy Week, kaya panay na ang advance taping nila.

Kung makakasama siya sa LA Fashion Week ay marami pang ibang event na dadaluhan ang grupo ni Pia sa Hollywood na puwedeng magbukas ng chance kay Rhian na mapasok or magbukas sa kanya sa US career.

Samantalang, mas lalong gumanda at sumeksi si Rhian matapos ang pinagdaanan nitong controversial na isyu.

Hindi nga nagtagumpay ang ginawang paninira sa kanyang showbiz career ng lalaking kanyang minahal pero wala naman palang paninindigan.

Ngayon ay taas noo siyang nakalalakad at maipagmamalaki na nandito pa rin siya at nananatiling matatag ang showbiz career.

Take note, mas dumami pa nga ang nagkakainteres ngayon sa ganda at talino ni Rhian Ramos.
TILA PREPARASYON na nga sa mga Bubble Gang barkada ang pagkuha nila ng mga bagong talent na puwedeng isabak sa gag show na napapanood every Friday sa GMA-7.

Matunog na matunog na kasi ang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV 5 na hindi naman itinatanggi ng singer/ comedian/ composer na may nangyayari ngang negosasyon sa kanya at sa panig ng TV 5.

Pero hanggang ngayon ay humihingi pa rin daw ng senyales si Ogie kung lilipat na nga ba siya sa TV 5 or mananatiling Kapuso talent.

Hindi naman kasi maikakaila na sina Ogie at Michael V ang may malaking partisipasyon at nagdadala ng mga kakenkoyan sa Bubble Gang. Kaya siguradong malaking kawalan sa BG barkada kapag naging Kapatid na si Ogie.

Samantalang kahit anong mangyari ay mananatili pa rin ang Bubble Gang, with or without Ogie basta nasa gag show pa rin sina Michael V at mga nagagandahang sina Sam Pinto, Gwen Zamora, Jackie Rice, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal at bagong BG female cast na rin sina Carla Abellana, Ellen Adarna, atbp.

 

SA GINANAP na fans day ni Kylie Padilla ay sinorpresa siya ng kanyang ama na si Robin Padilla at lola na si Mommy Eva Cariño dahil ‘di niya akalaing darating ang mga ito.

Hindi tuloy napigilang maiyak sa tuwa ng star ng afternoon drama series na Unforgettable sa pagda-ting ng dalawang tao na importante sa buhay niya.

“I really miss my Mama Eva. Since wala po si Mama (Liezel Sicangco) rito, si Mama Eva ang para ko nang mommy rito. I remember kasi noong bata pa ako, gustung-gusto ko sa bahay niya. Ang dami po kasi niyang damit at sapatos . I would play dress-up with her. Artista rin po kasi noon si Mama Eva at ako ang number one fan niya,” kuwento ni Kylie.

Niyakap naman niya ng super higpit ang ama na si Robin kasi hanggang cellphone na lang sila nagkakausap lately, dahil kapwa sila busy sa kanilang mga trabaho.

“I am so happy that he’s here to share this moment with me. Si Papa kasi, sobra po ang suporta niya sa akin. Binibiro ako ni Papa. Sabi niya pareho lang daw kami. Kapag tungkol sa lovelife, nakakalimot na kami. I said, Papa, that’s not true. Sinagot po niya ako, ‘Totoo kaya!’” sabay tawa ni Kylie.

Paalala lang daw ni Robin kay Kylie na gamitin ang natutunan nito sa martial arts kapag niloko siya ni Aljur Abrenica. Huwag iiyak at ipakita na kaya niyang ipagtanggol ang sarili.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

6 thoughts on “Rhian Ramos, rarampa sa Los Angeles Fashion Week?

  1. rhian ramos abortionista. Di mo gayahin si marian rivera nabuntis dati pero di pinalaglag. yun nga tinatago ang anak. pero at least, di kagaya mo na mamamatay tao

Leave a Reply

Your email address will not be published.