Rhian Ramos, pinag-aawayan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes – Morly Alinio

MUKHANG HINDI NA promo ng Stairway to Heaven ang closeness nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. May nakarating sa aming balita na napapadalas daw ang pag-aaway nina Dingdong at Marian dahil kay Rhian.

“Kahit sinong babae, mai-in love kay Dingdong. Kapag magkasama kasi, bukod sa generous si Dingdong ay masyado pa siyang ma-care kaya hindi malayong mahulog din ang loob sa kanya ni Rhian,” sabi ng isa naming source.

Ayon pa rin sa aming source, kung paanong inagaw raw ni Marian si Dingdong kay Karylle noon ay unti-unti na raw nararamdaman ngayon ni Marian ang ginawa niya sa anak ni Zsa Zsa Padilla.

“Huwag na tayong magtaka kung isang araw ay mag-iiyak si Marian dahil masyadong nasasakal na sa kanya si Dingdong. Gusto niya, kahit saan naroon si Dingdong at kung ano ang gagawin nito ay laging nagpapaalam sa kanya. Sus, hindi pa sila kasal pero parang gusto na niyang anderin si Dingdong,” dagdag ng aming source.

[ad#post-ad-box]

Sa kabilang banda, mariing itinaggi ni Dingdong ang balitang si Rhian na ang bagong babae sa kanyang puso dahil hanggang sa mga sandaling ito ay si Marian lang daw ang mahal niya at hindi niya ipagpapalit sa kahit na kaninong babae dahil masaya sila sa isa’t isa.

LAST WEEK NA ang programang Ruffa & Ai nina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas.

Base sa nakarating sa aming balita ay papalitan umano ito ng isang show na mala-Talentadong Pinoy ng channel 5 na tiyak na ikatutuwa ng Sis nina Carmina Villaroel, Gelli de Belen at Janice de Belen.

“Maganda naman ang ratings ng Ruffa & Ai kaya lang, management desisyon ito at sa tingin ko naman ay mas maganda ‘yung ipapalit na show kaya dapat nilang abangan kung ano ito,” say ng isa naming source.

Samantala, nagpaalam na si Edu Manzano sa channel 2 para iwan pansamantala ang kanyang mga commitment para mabigyan nang panahon at attention ang gagawing pagsabak sa pulitika. Ayon sa isang taong malapit kay Edu, hindi raw naging madali sa actor ang pag-iwan sa mga programa.

HANGGANG NGAYON PALA ay matindi pa rin ang galit ni Emilio Garcia kay Baron Geisler dahil sa isyung namagitan sa kanila noon na parang nabastos ni Baron ang isang babae na malapit sa puso ni Emilio.

“Alam mo, nanghihinayang ako sa taong iyan. Noong bata pa iyan, gustung-gusto ko iyan dahil magalang mabait at hindi bastos. Ngayon, bastos siya,” mataray na sabi iyon ni Emilio nang makausap namin Juicy, hosted by Alex Gonzaga at IC Mendoza.

Ayon pa rin kay Emilio, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasanga ang landas nila ni Baron. “Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nagkita kami kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin nakalilimutan ‘yung ginawa niyang kabastusan. Ayokong magsalita na tungkol sa kanya, basta ang masasabi ko lang ay nanghihinayang ako at nawala sa pagkatao niya ‘yung mga bagay na hinahanggan ko sa kanya noon. Hindi na siya ‘yung Baron na una kong nakilala na mabait at magalang sa kapwa. Sayang magaling pa naman siyang artista,” pagwawakas ni Emilio.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

38 thoughts on “Rhian Ramos, pinag-aawayan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes – Morly Alinio

  1. kaya nga galit etong c marian kay rhian kc ba nmn lagi sa interview ni rhian.d nya daw ugali ung mang agaw ng boyfrend kaya hayan natatamaan c marian.

  2. GO GMA, NAKU HA SAYANG NAMAN KUNG DI NYO NA PAGSASAMAHIN SI RHIAN AT DINGDONG..NGAYON PA NA SUMIKAT SILA SA STAIRWAY TO HEAVEN AT NAPATUNAYAN NA NAGUSTUHAN NG MADLA ANG TAMBALAN NILA.KAHIT NGA IDOL KO SI PIOLO, NG MAPANOOD KO SI RHIAN AT DINGONG AY NAGSWITCH NA AKO NG CHANNEL DAHIL LANG SA STAIRWAY TO HEAVEN.

  3. sana ung mga nagtatanggol na hindi daw nang-`agaw` si marian, kundi, it is a `personal choice` daw un… ganun pa din linya nyo pag hindi na sina dingdong at marian – kundi dingdong-rhian na. yeeeeeey.

  4. pansin nyo magkamukha sina dingdong and rhian? diba pag ganun daw nagkakatuluyan?

    sana, balang araw, gigising na lang si dingdong one fine morning na inlove na sya kay rhian.

    then si marian, magpa-interview sa the buzz at ngumisi. ahihih.

    DongHian!

  5. In continuation with my below comments i wanted to express my comments regarding inagaw…….issue! CORRECTION PLEASE ! It is always a person CHOICE (and it is not our business to throw judges that Marian is mang-aagaw, it is god’s business). It is not Marian Rivera fault that one fine morning, Dingdong fall inlove with Marian. Forget the past and let’s all move on and let us be winners not loooooooosers! Life is short let us treasure and celebrate our life moment by moment . BE MERRY AND BE HAPPY!

    • Do you really think that Dingdong Dantes is in love with Marian Rivera? DUH! One fine morning, mababasa mo na lang na si Dingdong Dantes eh may bagong babae na naman na nabola at ginagamit, kaya’t wag kang pasisiguro, kasi ang relasyon na hinog sa pilit, mapakla at mapait ang kahihinatnan! yes life is short so get REAL!!!

  6. There’s no doubt that ‘Evil’ has its eye on Marian Rivera. In every site I click I always noticed that an evil forces has been stalking/pestering Marian Rivera name since its onset of STH which is totally UNFAIR AND RIDICULOUS. (Kesyo selos nang selos on Rhian). Marian is incomparable to no one except Mama Mary (which she really look like her) that is why she is blessed in many ways. She is loved by millions especially OFW! She is great and amazing! PLEASE, PLEASE LEAVE MARIAN RIVERA ALONE AND LEAVE HER IN PEACE. Thanks a million in advance !
    From A Concerned Fan of Marian – Dubai

    • You are comparing Marian to Mama Mary? THIS IS BLASPHEMY ! May toyo ka na at nabubulagan ka. FANATIC. YOU NEED A PSYCHIATRIST. Kaya pala lahat nang shows ni Marian, teleserye o pelikula, FLOP. Blessed siya kasi. Sira ulo. . .

  7. richard nmn 2 epalod di na kakagatin un kunwari lyk lykan mo un leading ladies mo nabuking na kya un gf mo sa dilim di ka kc nag iingat hahahahaha epal ,,,artista tlga nkakaaliw,nakakabaliw at nakakaasar …toinkzzz

  8. mas mabuti pa ky rhian nlng napunta c dong kaysa ky marian alingasaw nho tama maganda mukhang angel daw pero inside? pagkagat ng dilim matakot k na day . c kristine nga na iinisure c marian pa kya ,ang dami dami kya nega na blita ky marian at 4 sure 22o cla lhat .at isa pa di utang n loob ni dong ang pagsikat nia kay marian nho kung iba kya patner nia dun sa marimaw maging bonga din kya ang karir nia eklat nio …pero sa totoo lng lyk ko dati c marian tlga super asa ko na sumikat sana xia nanay palng xia ng super twins gusto -gusto ko sya pinapanuod pero now pag sya ang laman ng tv. naku kun di ko ilipat ang channel patayin ko nlng syang ang kuryente…

    • un nmn pla d ka sure..pero bkit prng ang sama ng
      tingin mo kay marian…u dont even know her personally
      ung atake mo medyo pailalim…may nla2man kpang pagkagat ng dilim….wen u dont know d person personally….dont comment as if she/he do something on u na grabe.
      be reasonable…and research more

    • i hope you meant christine reyes and not kristine H. Ang ganda kaya ni Kristine H. para ma-insecure siya kaya marian.

  9. hay naku wag nyo ngang gaguhin ang pilipino sa nga gimik na to so cheap so basura. marian maghanap ka na ng ka loveteam napasikat mo na si dingdong dantes tama na sa kanya yun kumampay na sya mag isa.

  10. Ay hindi ito gimik..kalaunan lalabas at lalabas din ang totoo na si Ding Dong eh falling na for rhian, si Rhian girl pa eh oozing with sex appeal ining batang to, ohhh i can’t wait for that day, I just love it!!!!!

  11. umasa na lang kayo dahil puro promo lang ng STH yan noh! never will be happen dahil wala namang inagaw si MR kay K dahil si K ang kanyang ina ang may record ng agawang issue na yan noh!pwede ba?personal or print still DD says marian lang wala ng iba hahahaha!!!! mangarap sila!.

  12. Wow? talaga? that’s good news..at least natauhan na si Doorbell at bumalik na sa tamang katinuan, susme ang layo layo naman ni Rhian dun sa isang yun. Iganti mo si Kaye Rhian..

      • si marian rivera hayagang hinarot si DD para masulot, si karylle niligawan muna bago naging girlfriend at yung si Taus wala dito kung baga malayo dito at malabo na ang relasyon, kaya no comparison.

        kaya good to hear Rhian that DD is falling for you, hindi malayong mangyari yan..

  13. hoy morly bakla! itsura mo pa lang di na dapat pagtiwalaan noh!……isa kang bayaran pwe!!!!!! ang laki ng inggit mo kay marian, cguri kasi isa ka sa mga naglalaway kay dingong….bwahahaha!!!!

  14. Ibang klase talaga alindog mo Rhian, kahit sinong lalake hindi ka talaga maresist, aside from your physical beauty, halatang napakatalino mo at classy lady kaya, okay na okay talaga ang taste mo ngayon Dingdong, at least pasado na may CLASS naman pala ang taste mo he he he

    • LOL! baka ibig mo sabihin walang lalaking mgkamali kay rhian despite the fact na she is pretty, intellectual etc…..why o why? e di ba may attitude dw ang RHIAN? remember ung fight nila ni ALEXANDRA? Oh well gimik ang lahat dito! DONGYAN ang the best……….ever!!!!!

  15. He he good job Rhian, ganyan nga paluhain mo ng dugo yang “babaeng feeling” na yan..si DD pa eh come and go lang sa kanya ang mga babae, lalo nat isang walang katurya turyang babae lang naman na walang substance mabobore talaga si DD dyan!!

    • as u describe marian as walang katurya-turya at no substanvce…
      ikaw ata yan eh
      hihihi
      look….ABCDEFG…
      wehhhhhhhhhhhhh

    • Agree ako dyan, one of these days lalabas din ang totoo na iniwan ng luhaan ni DD si Marian Harot, paano naman bobits naman yan eh, kakaasar pakinggan magdialogue parang shunga talaga

  16. Magagaling lahat sa STH except Rhian. I have nothing against Rhian kaya lang she has yet to improve her acting. have you read Nestor Torre’s comment about Rhian. I totally agree with him. It’s too obvious too, among the actresses in GMA, Rhian Ramos is never out of job. Even their primetime queen marian rivera rested for almost 3 months, prior to Darna. Parang babaeng tuod ang acting ni Rhian, as in like a wood.

  17. bakla some kind of invention na naman ang chismax mo ha….i don’t think dingdong dantes is that stupid to do that to marian & also marian is insecure of rhian. Ive seen marian & rhian personally as in face to face for a couple of times & both are pretty BUT, i swear marian rivera’s beauty is like an angel & the more u look at her, the more u get amaze w/ her beauty esp. w/out make-up. And its dong’s lost if ever he cheated on marian promise! aminin natin marian is like a second life for dingdong. he became popular when he was paired to marian & never pa naging ganito ang career nya b4. tagal na nya sa industry..

    • nd take note…even chris chu
      cant take d charm of marian….ur right…dingdongs lost
      not marian…dming nag-aantay at nagpa2ramdam.

      • susme si cris tiu, nananaginip ka ata, cris tiu comes from a very decent family and definitely marian rivera is not his type, besides he has a non-showbiz GF na kagaya rin nya ang pamilya, mayaman at edukada!

        dream on libre lang yan, mga nagpaparamdam ba? sino yun, mga tricycle at jeepney drivers ba

  18. asus! mepa-source source ka pa morly.. baka tauhan lang yan ni Ida Henares, utos kasi ng amo niya kailangan lagyan ng love angle kahit walang chemistry sina dingdong at rhian kacheapan.. si richard di din nagpahuli sa gimik nila ni cristine hahaha! si piolo at kc tumigil na ang love ekek buti naman di siya nagpagamit kay piolo, matalino si kc!

Leave a Reply

Your email address will not be published.