Rhian Ramos, Mo Twister’s karma?!

KALOKA ITONG SI Mo Twister. Ewan kung nagbibiro lang ito nang sabihin niya sa kanyang Twitter account na three days na siyang hindi nagtu-toothbrush at apat na araw na siyang hindi gumagamit ng deodorant.

True kaya ito o he was just joking when he posted it?

Anyway, mukhang nasa depression mode pa rin naman si Mo dahil obvious naman sa kanyang mga tweets lately na very senti ang dating.

Like this one in particular: “When you’re lost and you’re alone and you cant get back again, i will find you darling and i will bring you home. and if you want to cry, i am here to dry your eyes and in no time you’ll be fine. you think i’d leave your side baby, you know me better than that. you think id leave you down when you’re down on your knees, i wouldn’t do that.”

Tila matagal maka-move on itong si Mo sa kanyang love affair with Rhian Ramos. Karma ba ito dahil sa dalawang girls na kanyang pinaluha noon? Just asking!

 

NAPANOOD NAMIN ANG noontime show ng ABS-CBN noong Sabado kung saan nagsalita na si John Estrada sa isyung sinuntok daw niya ang floor director nilang si Alex Magbanua nang hindi sila magkaintindihan.

Niyakap pa ni John si Alex habang pinapaliwanag na hindi totoo ang tsismis na iyon sa kanya. Ayon sa actor, isa silang masayang pamilya sa Happy, Yipee, Yehey.

Kilalang pikon si John lalo na sa mga kontrobersiyal na issue laban sa kanya pero nagpakita siya ng kababaang-loob habang ini-explain niya ang kanyang side noong Sabado. Mukhang nagbago na ang TV host-actor. I’m sure malaking impluwensiya ang kanyang asawang si Priscilla Meirelles sa kanyang pagbabago.

 

BLIND ITEM 1: Hindi lang pala ang isang premyadong aktres ang sinasabing may odd job sa abroad, kung saan siya naka-base ngayon.

Natsitsismis din palang may odd job din ang isang aktres na ilang taon pa lang nawawala sa bansa. Ang tsika, nagtatrabaho na rin daw bilang babysitter ang aktres ngayon.

Ang alam namin ay working in an office ang aktres. Nasa corporate world pa nga siya kaya naman afford pa rin niya ang manamit nang sosyal. At lagi pa rin niyang carry ang mga signature bags niya.

Well, sabi sa isang website, isang babysitter na nga raw ang aktres na ito. True ba itetch?

Kung true man, wala namang masama dahil marangal naman na hanapbuhay iyan. At isa pa, per hour ang bayad sa ganyang trabaho kaya nakasisiguro kaming malaki ang kinikita ng aktres kung ‘yan nga ang kanyang trabaho.

Baka naman sideline lang niya ang pagba-babysit, hindi kaya?

 

BLIND ITEM 2: True kayang deadma na ang isang kilalang personality sa kanyang anak?

One time, nag-abroad ang personality. Siyempre, tuwang-tuwa naman ang kanyang dating dyowa dahil ang akala niya ay bibisitahin sila nito. Pero hindi ito ang nangyari. Ni tawag ay hindi raw tumawag ang celebrity kaya naman nagpasya na lamang daw ang ina na putulin ang lahat ng uri ng komunikasyon dito.

One time naman daw, nagpabili ang anak ng personality ng isang mamahaling laruan na kayang-kaya namang bilihin ng celebrity. Nabalitaan kasi ng anak na darating ang ama sa kanyang bansang sinila-ngan.

Alam n’yo ba ang ginawa ng magaling na celebrity? Ayun, tinawagan ang kanyang da-ting karelasyon na ina ng bata at sinabing ibili na lamang niya ng laruan ang kani-lang anak at babayaran na lang niya ito. sabihin na lamang daw na pinadala ito ng kanyang anak.

Heto na ang siste. Nang sinisingil na ang personality ay deadma na ito at hindi na sinasagot ang tawag ng ina ng bata. Nagkuripot siya! True ba ini?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

3 thoughts on “Rhian Ramos, Mo Twister’s karma?!

  1. MO,LEAVE RHIAN ALONE,TAMA NA ! JUST ACCEPT NA NAGISING NA SYA SA BANGUNGOT. EWAN KO BA SA STUPIDANG BATA NA YAN,PINATULAN KA!NAPAKAWALANG DELIKADEZA!

  2. true yan si twister fries di talaga responsible father sa anak nyang si moira, ni sustento nga walang binibigay.. karma na lang yang nangyayari sa kanya ngayon!

  3. so hindi lang pala toothbrush ang ginagamit ni rhian sa kanya pati na rin pala deodorant nakikigamit na rin siya… hahaha!!! hoy!! bansot nag da-drama ka na naman dyan papansin ka lang ke rhian dahil namimiss mo ng me kasama kang KATABI GABI-GABI sa KAMA. wala ng babaeng papatol pa sayo kaya MAGSARILI ka na lang. natatakot na silang pumatol sayo dahil siguradong ME SEX SCANDAL ka dyang tinatago. sigurado yan me mga videos ka dyan na tinatago.

Leave a Reply

Your email address will not be published.