Rhian Ramos, makinig ka! “Hindi siya kasama sa buhay ko ngayon!” – JC de Vera

AYAW NANG PINAG-UUSAPAN ni JC de Vera si Rhian Ramos. Para ngang may certain degree of bitterness kapag nababanggit sa binata ang tungkol sa dalaga. Nasabi kasi ni Rhian sa isang interview sa kanya na noong 18 years old siya, nagka-boyfriend siya. Isa itong aktor. Marami ang nagsususpetsa na ito ay si JC na naging malapit namang talaga sa aktres.

“Hindi na kami nagkakausap,” ani JC. “Hiwalay na buhay na talaga. At saka hindi ko alam kung naging boyfriend ba talaga ako ni Rhian. Ewan ko.

“Sinasabi naman niya na hindi naging kami, ‘di ba? Huwag na nating balikan ‘yung ganyan. Honestly, ayokong pag-usapan dahil hindi naman siya kasama sa buhay ko ngayon, maski sa mga ginagawa ko.”

Hindi rin kasama si Rhian sa Panday Kids dahil ang kapareha rito ni JC ay si Jackie Rice. Nasabi nga ni Jackie na type niya si JC, na hindi naman masyadong ipinapasok ni JC sa consciousness niya. Katuwiran niya, moreno kasi siya at dahil mestiza si Jackie, karaniwan, ganoong tipo ang hinahanap nito.

“Blooming” si JC, at nagpalaki talaga ng katawan. Just right for his frame. Sabi ni JC, hindi rin lang naman siguro siya ang humahanga kay Jackie. Mas lalo na ngayon na marami ang nababaliw sa taglay nitong alindog.

“Ang sa akin, more of fascination. Nag-a-admire lang ako, at hindi naman to the point na pinagpapantasyahan ko siya,” dugtong ng binata.

First time niyang nakita si Jackie on the pages of FHM na ganoon ka-daring, kaya natural lang na ma-fascinate siya rito.

Matindi rin ang kissing scene nila sa trailer pa lang ng Panday Kids. Hindi na nag-comment pa si JC sa mga tanong ng press, at natawa na lang, na sinakyan ang gustong sabihin ng mga ito.

Humahaba nga raw ang kanyang espada, na siyang prop na ginagamit niya bilang sandata sa Panday Kids. Humahaba naman talaga at may super-powers.

Buong Christmas vacation ay nag-workout pala talaga si JC. May tulong ng supplements ang pagpapalaki ng katawan ni JC, at hindi raw dahil sa steroids.

SI POLO RAVALES naman ay ayaw na lumitaw na defensive sa pagkasira ng mga relasyong napapasukan nito. Hindi nga raw kasi nagtatagal, lalo na yaong mga taga-showbiz ang involved, like Ara Mina, Jean Garcia at Krissa Mae Arrieta. Ayaw na ngang mag-comment ni Polo sa mga ito.

Maski ang pagkandidato ni Ara Mina bilang Konsehala sa Q.C., ayaw niyang mag-comment kung kakailanganin man nito ang suporta sa kampanyahan. Palagay raw niya, hindi na gagawin pa ni Ara ‘yun.

Si Jean ay deadma naman kay Polo kung ito ang topic ng usapan, at kung si Krissa Mae naman, huwag na lang daw, pakiusap ni Polo. Na kay JayR na raw kasi ito at diyahe namang ganoon pa ang maging anggulo sa kanila.

Dinenay ni Polo na may girlfriend siya ngayon. Abala siya sa Panday Kids kung saan isa siya sa major villains, along with Marvin Agustin and Ryan Eigenmann. Enjoy si Polo sa ganito, na huli niyang na-experience sa set ng Encantadia ang naka-costume para sa isang telefantasya.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.