Rhian Ramos, Idinaos ang birthday kasama ang mga bata

1. Rhian Ramos

Picture 1 of 4

GEDSC DIGITAL CAMERA

PINAKONTAK KO ang kaibigan nating si Michael Uycoco, handler ni Rhian Ramos upang i-confirm ang pagpunta ni Rhian sa party ng mga batang cancer patients sa Philippine Children’s Medical Center upang i-celebrate nitong October 17 ang kanyang 22nd birthday. Nagpasya akong pasyalan ito at isang magiliw at nakangiting Rhian na kasama ang kanyang ina na si Clara Ramos, ang nakita ko na sinalubong ng kanyang mga batang fans.

Ayon kay Rhian, minabuti niyang gawin ito sa mga batang biktima ng nasabing sakit. Tila taun-taon na niya itong gagawin na ang mga hahandugan ng kanyang birthday ay mga kabataan. Bagong Rhian na punung-puno ng pag-asa at katatagan ang nakikita ko sa kanyang mukha at pananalita. Ba-gay na tila muli siyang nakaahon sa kabi-kabilang mga kontrobersiya ng nakaraan buwan at alam din naman natin na napagpiyestahan ang kanyang kuwento sa buhay.

Tinanong ko, kumusta ang kanyang mga project? “Ah, ang project ko ngayon ay Indio para sa GMA Telebabad. Project siya na lalabas next year. And for movies naman, meron akong para sa Metro Manila Film Festival. Tapos meron din akong ginagawa sa Internet. May podcast ako. Ayun!”

‘Pag nasa-bahay ka ano ang mga ginagawa mo? “Ah, ano nga ba? Ahhh… well mahilig din akong manood ng TV shows. Most of the time kasi, wala ako sa bahay, eh. Ano ba ito? ‘Yung para akong workaholic. Gustung-gusto ko ‘yung nagtatrabaho. Parang lagi akong may way para maging busy ako. May mga dine-design ako ngayon na accessories at mga streetwear.”

Natanong ng kapwa reporter kung ang natanggap niya sa kanyang kaarawan? “Ah, my mom is very unique coz she gave me supplements,” pahayag ng blooming na actress.

 

Alyssa Alano Sa Kanyang Vehicular Accident

 

PINATAWAGAN KO sa aking staff si Annie Ayroso at aking nakausap sa cellphone ang mabait na manager para i-confirm kung nasaang hospital si Alyssa Alano na ating kaibigan. Mabait siya dahil naaalala ko kahit minsan amoy pawis ako galing sa isang biyahe ay nagkipag-beso-beso ito at laging nakangiti na bumabati sa akin tuwing nakikita akong pumapasyal sa GMA compound. Isa siya sa mga nauna ko pang na-interview sa Startalk sa luma at dati pa nitong studio ng GMA 7 at noong minsan ring nayaya tayo, upang panoorin ang kanyang show. Nakakatuwa kaya ang mga ganitong mga artista.

Nag-usap kami sa mobile phone ni Annie, tinanong ko kung kumusta ang kanyang alaga? Subalit sinabi niya sa akin na ooperahin pa raw si Alyssa.

Isa ako sa naniniwala at umaasa sa madalian niyang pag-recover. Mabait si Alyssa, low profile kaya naman siguro kahit may aksidente ay hindi naman ito humantong sa malalang kalagayan gayong maraming mga bakal ang inararo ng kanyang sasakyan sa center island sa kahabaan ng Marcos Highway west bound. Naganap daw ang aksidente sa Industrial Road ng Marikina bandang 2:30 ng madaling-araw. Kasalukuyang naka-confine siya sa Marikina Valley Medical Center.

Ayon pa sa kanyang manedyer, nagkataong masakit ang tiyan ng actress at nataong kailangang bumili ng gamot nang biglang nasilaw ito sa dumaraang sasakyan kaya nataranta ito at imbis na matapakan ang preno ay selinyador, dahilan upang siya ay maaksidente. Ayon sa mga nakuha kong impormasyon.

Tinanong ko rin si Annie, kung p’wede na bang dalawin ang actress upang makapanayam ito. Pero sa kalagayan niya ngayon, ako na rin mismo ang nagsabing

ipagpaliban ko na lang muna ang panayam at wish ko nga, kung maaari ay gumaling agad siya.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email orobiakpp@yahoo.com; cp # 093014521

 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp@yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi@yahoo.com.

ni Maestro Orobia.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.