Rhian Ramos, humihingi ng donasyon diretso sa personal bank account?!

Rhian-RamosBINABATIKOS NGAYON sa social media si Rhian Ramos, dahil ba’t daw humihingi ito ng perang donasyon mula sa kanyang mga followers na ididiretso sa kanyang personal bank account? Ba’t daw hindi sa Red Cross niya ipadiretso o sa Kapuso Foundation?

Actually, 150 pesos lang ang hinihingi ni Rhian para sa kapalit na fan sign na kanyang ipadadala sa supporter niya. Basta ihuhulog sa kanyang personal account at kukunan ng picture ‘yung deposit slip at hihintayin na lamang nito ang kanyang fan sign.

Kami ay naniniwala na hindi inisip ni Rhian na siya’y pagdududahan, dahil buo ang kanyang loob na ang lahat ng malilikom niya ay alam niya sa sariling ididiretso niya sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

It’s an honesty system. Kung hindi naman ito ipadala ni Rhian at hindi niya ibigay eh, kunsensiya na niya ang uusig sa kanya. Pero personally, kami, hindi namin nahiwatigang ibubulsa na ni Rhian ang kanyang hinihingi sa mga fans.

Kung ‘yung ex-boyfriend niya siguro ang manghingi, baka hindi maniwala ang mga tao, dahil me record ito na hindi nagbibigay ng ipinangakong prize, according to his former co-worker.

Rhian-Ramos

KUNG HINDI kami nagkakamali ay nag-last taping day na kahapon ang My Little Bossings na unang pelikula ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Dahil ayaw mapahiya ng ina ay talagang sa tuwing may shooting ang 6yo bibong bata ay lagi itong may acting coach sa tabi para kung hindi man ma-perfect ang eksena ay ma-almost perfect pa rin.

Aminado naman si Kris na may pagka-stage mom siya kay Bimby, dahil aware ang TV host na mataas ang expectations ng mga tao kay Bimby, lalo na’t sikat ang parents nito.

“In fairness kay Bimby, sabi naman ni Direk Marlon, nakasusunod naman si Bimby. Saka makikita mo agad ‘yung chemistry nila ni Ryzza Mae Dizon.”

Sabi nga namin, isang masang Ryzza at isang sosyal na si Bimby ang nagsanib-puwersa sa pelikulang pinagbibidahan ni Vic Sotto. Hindi rin maitago ni Kris ang katotohanang parang “special participation” lamang siya sa pelikula, dahil ilang araw lang siyang nag-shoot kasi nga, mas tinutukan ang mga bata at si Bossing Vic.

Wish ni Kris ay maging top-grosser at magustuhan ng mga bata ang movie nilang ito ni Vic Sotto kung saan co-producer din siya.

 

SAMANTALA, SA kabila ng pagiging abalang ina at TV host ni Kris ay sa totoo lang, mas maraming pumupuri sa kanya kesa sa mahal nating Pangulong Noynoy Aquino sa kasipagan sa pagkilos para makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Kung ikukumpara mo, sa social media ay parang mas lamang ang pumupuri kay Kris kesa kay PNoy, dahil sa “KrisTV” dahil sa lantarang panghihingi ng donasyon ni Kris ay nakakalokah rin ang response sa kanya ng mga sponsors at ilang milyon na rin ang nakalap niya, dahil lang sa kanyang sincere na pakiusap sa mga gustong tumulong.

Tapos, ang alam namin, nagtungo pa siya ng Tacloban para personal na mamahagi ng kanyang donasyon at para damayan ang mga biktima ng kalamidad.

‘Yung iba sa social media ay “nagagagahan” kay Kris pagdating sa lovelife, pero gano’n talaga, eh. Parang estudyante: mahina ka sa English, pero magalingi ka sa Math. Si Kris ay maaaring mahina pagdating sa usaping puso, pero pagdating sa kabutihan ng puso, du’n siya panalo.

Ilambeses na naming napatunayan ‘yan.

Promise.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Rhian Ramos, humihingi ng donasyon diretso sa personal bank account?!

  1. Ewwww. Ang chicheap tlga ng mga kapupu starlets! Para paraan para kumita palibhasa mahina ang mga raket! As if nmn me mga pangs na gustong magpa fan sign dyan e baka makuha pa nung tao yung sumpa nyang abortionista na yan! Nyahaha.

  2. May acting coach na kasama daw sa tabi? bwahahaha sana sya (Kris Aquino) din pag umaarte, may katabing acting coach..bwahahaha Syempre magta-top grosser yan dahil bibilhin na naman nya lahat ng tickets sa sinehan..hahahaha ganyan ginagawa nya sa mga pelikula nya para kunwari top grosser. Pelikula nya, bayad nya..lolz

    • nyahahahah abay masama yang ginawa ni Rhian,,,,dapat lang kundenahin ang babaeng yan,,,,bad bad,,,,,huwag mong gagayahin si Kris…yung Imported canned goods na Donate sa kanya,,na pinadala mismo sa bahay niya ay,,pinalitan ng local brands, ng ipadala na niya sa Sagip-kapamilya…hahahahah local brand na,,,hahahah omg, Kris mayaman ka,,,bakit kaya? may pag bibigyan kang iba,,,Australian beef yun Kris,,,hahahha

  3. Pingback: Rhian Ramos, humihingi ng donasyon diretso sa personal bank account?!Latest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  4. May interesado kaya sa signature nya? Just pray for them na wag macorrupt ang perang donasyon. That is the big help. Pahirapan na ngang madala yung mga relief goods , sobrang dami na.

  5. Nde ba ito yung rhian ramos na nagpa abort ng kanyang baby? artista pa pala sya. kawawa naman natlaga yung baby nya:((

Leave a Reply

Your email address will not be published.