Rhian Ramos, hindi na maitago ang identity ng Chinese boyfriend

Rhian-RamosINIIWASANG BANGGITIN ni Rhian Ramos sa media ang pangalan ng non-showbiz boyfriend niya ngayon. Pero laking gulat niya na lumabas na rin at nasulat ang pangalan ng boyfriend niyang si Jason Choa Chuy, isang car racer.

“Nakakainis nga, e!” natatawang sabi niya Rhian nang makausap namin sa Sunday All Stars.

“Nakakainis nga kasi ano… minsan tinatanong ako. E, siyempre natural lang naman na tinatanong ako tungkol sa kanya. Tapos hindi ko binabanggit ang name niya. Tapos bigla ko na lang nababasa ‘yong full name niya!” tawa na naman ng Kapuso actress.

“Bago pa lang kami. Mga five months pa lang. Kaka-thirty lang niya. Chinese, pero rito siya lumaki so… so, Pinoy na rin.”

Matagal din daw itong nanligaw bago siya napasagot.

“Kasi ano, e… parang nangako ako sa sarili ko na gusto kong maging single for two years. Tapos after one year ko siyang nakilala. And then… ayokong pansinin. Ayoko talaga, kasi iniisip ko na… hindi, dapat matapos ko ‘yong two years na ito. Gusto ko munang mag-focus. Nahanap ko na ba ang sarili ko? ‘Yong gusto ko lang maging sure na kilalang-kilala ko na ang sarili ko.”

First time lang ni Rhian na magkaroon ng karelasyon na hindi artista o celebrity. How was it kumpara sa mga dati niyang relationships?

“It’s nice. It’s feels more private. Tapos it feels… siguro more intimate. Kasi it’s between the two of you lang talaga. Na parang ano… hindi mo kailangang isipin na kung nag-away kayo, magiging publicity battle ba ito? Parang gano’n. Kasi sa nakikita ko ngayon… nagiging sobrang common na kapag magkaaway ‘yong couple na nasa showbiz, nababasa mo agad. Sa Twitter halimbawa, or may parinigan o something. So, ano… in my case, I don’t even worry about that.”

Nagagawa ba namang intindihin ng boyfriend niya ang nature ng kanyang trabaho bilang isang artista? Especially now na ang role niya sa The Richman’s Daughter at maging ang tema ng nasabing bagong primetime seris ng GMA7 ay senstibo at tumatalakay sa pagkakagustuhan ng babae sa babae.

“Oo. Well he was very, very happy. Siyempre when I got it, very, very happy siya for me. Kasi alam niya naman. Kasi no’ng My Destiny pa lang, nililigawan na niya ako. So, nakita niya na importante sa akin ‘yong mga pinipili ko na roles. ‘Yong medyo nahihirapan ako nang konti. ‘Yong may self-discovery na kasama ‘yong mga roles na gusto ko. And he was happy na… gano’n nga ‘yong role na ‘to.

“And then no’ng nagsisimula na kaming mag-taping, tinatanong na niya ako kung kumusta ba. Gano’n. And then one time sinamahan niya ako. Nag-pictorial kami ni Glaiza. Very passionate ang posing namin do’n. Tapos parang tahimik lang siya. So, hindi ko alam kung… approved sa kanya. But I personally see na ano… he’s really really supportive.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleArnell Ignacio, naiyak sa istorya ng buhay ng alagang si Ken Psalmer
Next articlePooh at K Brosas, shocking ang love scene sa movie

No posts to display