Rhian Ramos, galit na galit kay Mo Twister!

MAINIT NA PINAG-UUSAPAN ang break-up nina Rhian Ramos at DJ Mo Twister. Nagsanga-sanga na ang mga kuwento sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. Naging controversial ang young actress nang maugnay ito sa TV host. May tsika, nakikipagkita raw muli ang dalaga kay ‘Boy Laglag’ at marami ang nagpapatotoong dumadalaw siya sa pad ni DJ Mo. Hindi sinagot ni Rhian ang intrigang ito tungkol sa kanya. Bagkus, nanahimik na lang  ang actress sa mga issues na ibinabato sa kanya.

Hindi naging maganda ang takbo ng career ni Rhian nang maging sila ni Mo, kahit pilit nilang itinatago noon sa publiko. Nang pumutok ang balitang nag-break na sila, saka lang naglabasan ang mga negative issues tungkol kay Rhian. May tsismis pa nga diumano na nagpa-abort daw ang dalaga na agad namang pinabulaanan ng model- actress. Nasaktan nang labis ang controversial TV host kaya tatlong beses itong nag-tweet patungkol sa dati niyang karelasyon. Lumalabas kasing may bagong special someone (lawyer) na ngayon ang kanyang ex-girlfriend. Kasama pala ng mommy ni Rhian ang non-showbiz guy na dumalo last Friday sa premiere night ng The Road sa SM Megamall. Ang nasabing guy diumano ay dyowa raw ngayon ng actress na agad pinabulaanan ng kampo ni Rhian. Balitang madalas daw isinasama ng dalaga sa mga events itong bago niyang admirer. Tuloy, sa mga tweets ni Mo sinasabi nito na siya ang naapi. Ganu’n?

Nang tanungin ng entertainment press si Rhian tungkol sa kanila ni DJ Mo sa premiere night ng The Road na dinirek ni Yam Laranas, ang tanging nasabi nito, “We’re not even friends! “ Ibig kayang sabihin, may galit na nararamdaman ang dalaga sa kanyang dating ex-boyfriend na si Mo? Lumipad na ng US ang controversial TV host para kalimutan ang mapait na karanasan niya sa pagibig. Walang makapagsabi kung kailan uli siya babalik ng ‘Pinas dahil ang tsika sa New York na raw magtratrabaho si Mo Twister.

Ngayong malayo na si DJ Mo, mag-focus muna sa trabaho si Rhian sa pagpasok ng year 2012. Maraming magagandang plano ang Kapuso Network para sa kanya. Opening salvo niya sa GMA-7 ang teleseryeng Sundo kapareha ni Dingdong Dantes. Kasama pa rin siya bilang co-host ni Manny Pacquiao sa game show na Manny Many Prizes.

NA-SURPRISE KAMI SA naiibang character na ginampanan ni Carmina Villaroel sa The Road ng GMA Films. Istorya ito ng twelve-years old cold case which is reopened when three teens are missing in an abandoned road. Asawa siya ni Marvin Agustin at anak nila si Renz Valerio na super istrikto at dominante. Nagkaroon ng psychological disorder ang anak dahil sa sobrang takot sa inang si Carmina. Pinabilib kami ng asawa ni Zoren Legaspi sa husay at galing niya sa pag-arte sa nasabing pelikula.

Makabuluhan ang bawa’t eksena ni Carmina, sigurado kaming tatatak sa isipan ng manonood ang performance na ginawa niya rito. Lalo na ‘yung  scene na patay siyang itinapon sa hukay, sinusubuan ng lupa sa bibig na akala mo’y  totoong-totoo! Hindi talaga siya gumagalaw o kumurap man lang kahit isang saglit, napakahirap ng eksenang ‘yun. Malamang ma-nominate si Carmina for Best Supporting Actress next year sa iba’t ibang award giving bodies sa kanyang off-beat role sa pelikula.

Bilib nga si Direk Yam kay Carmina dahil wala itong arte kahit ano ang ipagawa niya sa actress. Walang kiyeme sa katawan kahit mahirap ‘yung eksena. “Ang sarap idirek ni Carmina dahil nakukuha niya agad ang gusto kong mangyari sa scene. Hindi siya nagrereklamo kahit alam kong masakit na ang kanyang katawan sa mga eksena naming kinunan lalo na ‘yung dead scene niya,” pagmamalaking sabi ni Direk.

Nang makausap namin si Carmina ,sinabi nitong ready na siyang tumanggap ng iba’t ibang klaseng role na hindi pa niya nagagampanan. Challenge nga naman ‘yun para sa kanya as an actress. ‘Yung naiibang papel na hahamon sa kakayahan niya bilang artista.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleKumpara kina Lorna Tolentino at Amy Austria… Gretchen Barretto, ‘di deserve ang Best Actress sa Star Awards for TV!
Next articleLoveteam nina Erich Gonzales at Enchong Dee, patok sa fans kahit walang relasyon

No posts to display