Rhian Ramos, ‘di p’wedeng sumabak sa beauty contest

MULING NASILAYAN ng press ang kaseksihan at mala-diyosang katawan ni Rhian Ramos sa presscon ng kanyang teleserye last Tuesday sa isang bagong hotel sa Timog, Quezon City.

Rhian-Ramos Rhian-RamosSa tangkad at aura ni Rhian, pang-beauty contest ang kanyang dating. Pero kaagad namang kinontra ng iba ang pagsali nito sa mga beauty contest dahil sa mga kontrobersiyang pinagdaanan ng mestisang actress.

Baka raw makasira ang mga pinagdaanang intriga kapag nakasali na siya sa isang beauty contest at masayang lang ang kanyang pagsali.

Samantala, itinanggi ni Rhian na may dapat silang ayusin ni Marian Rivera. May lumabas kasing isyu na pinagselosan siya ni Marian habang nagte-taping sila ng serye na ang lead actor ay si Dingdong Dantes at biglang dumating si Marian sa set ng taping. Kesyo dinedma siya ng girlfriend ni Dong kahit na binati niya ito nang magkaharap sila.

“For me, wala naman siguro kami dapat na ayusin ni Marian. I don’t want to comment sa mga naglabasan. Basta walang dapat i-patch up between me and Marian,” pagdidiin ni Rhian.

Aminado naman si Rhian na-miss niya ang pagtatambal nila ni Dong. Una silang nagkasama sa Stairway To Heaven. Gamay na nila ang isa’t isa kaya walang naging problema habang nagte-taping sila.

 

ITINANGGI RIN ni Dingdong Dantes na nakagawian na ni Marian na dalawin siya sa taping.

Bukod sa bagong serye na magsisimula nang mapanood sa Lunes sa GMA-7, leading man din si Dong ni Bea Alonzo sa pelikulang Shes The One, kung saan napabalita ring madalas daw dalawin ni Marian ang kanilang shooting na idinirek ni Mae Cruz under Star Cinema.

Naging katuwiran ni Dong, kahit na raw Marian wanted to visit him halimbawa, wala na raw time pa ang girlfriend that time dahil super busy raw ito sa pagpo-promote ng movie nito with Ai-Ai delas Alas na Kung Fu Divas.

Saka, ‘di raw nila ugali ni Marian na dumalaw sa set ng sinuman sa kanila, nagte-taping man daw or nagsi-shooting bilang respeto raw sa mga katrabaho nila.

Sa gaganaping premiere night ng Shes The One on Tuesday, October 15, ‘di kaya biglang lumitaw si Marian para samahan at suportahan si Dong?

 

NAGPASALAMAT ANG mag-asawang Senator Jinggoy Estrada at Precy Vitug Estrada sa mga tunay na kaibigan na hindi sila iniwanan sa gitna ng controversial na pagkakasangkot ng senador sa pork barrel scam.

Pero sa tuwing maalaala ni Precy ang unforgettable experience nang unang lumabas ang pagkakasangkot sa husband/senador sa kontrobersiya, hindi inaasahan ng wife ni Senator Jinggoy na sa loob pa mismo ng simbahan ay maririnig niya ang sermon ng priest about sa mga sangkot sa pork barrel na kung may nagdarasal pa raw ba sa mga sangkot dito?

At hindi makapaniwala si Precy na maririnig sa bibig pa mismo ng priest na sana raw ay kunin na lamang ang mga ito ni Lord. Hindi makapaniwala ang wife ni Senator na isang pari pa ang magsasabi noon na naging judgemental daw agad.

Kasama ni Precy ang mga anak na nagsimba at matapos na marinig ang sermon ng pari ay nagpunta siya sa likod sa sindihan ng kandila at doon siya nag-iiyak dahil ayaw niyang makita siya ng mga anak na umiiyak.

Kailangan daw niyang maging matapang para sa mga anak at para na rin kay Senator Jinggoy. Pero kahit na isang pari pa ang maghuhusga sa mga paratang na hindi pa napatutunayan, hindi pa rin raw nawawala ang tiwala nila sa Itaas na malalampasan nila ang lahat ng pagsubok na darating. Magsisimba pa rin sila ng buong pamilya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Rhian Ramos, ‘di p’wedeng sumabak sa beauty contest

  1. PANUNG SASALI YAN SA BEAUTY CONTEST EH IMMORAL ABOSSYONISTA AT PAKANGKANG YANG POKPOK NA TALENTLESS NA STARLET NA YAN! PASALAMAT SYA AT MALAKAS KAPIT NILA SA GMA!!! TILL NOW STARLET PARIN ANG LEVEL NG MRS. GUMATAY CON PUMATAYBATAFLUSHSAINIDORO NA YAN!!!! KAYA NGA TAWAG NI JC DE VERA DYAN EH ERASER DAHIL SIGURO NAKABUOO RIN SILA NUON AT IPINATANGGAL DIN SIGURO NG IMMORAL NA BABAENG YAN!!! KAPAL NG APOG NYAN PAG SUMALI SA BEAUTY CONTEST!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.