Rhian Ramos denies she and Mo Twister are together again

SA MATAGAL NA pananahimik, nagsalita na rin ang maituturing na isa sa pinaka-controversial na young star na si Rhian Ramos tungkol sa naging issue sa kanila ni Mo Twister. Ayon kay Rhian, napatawad na niya ang minsan ay nanakit sa kanya na si Mo. Tsika pa nito, humingi na raw sa kanya ng tawad at matagal na naman since nangyari iyon, kaya naman  hindi na ito galit sa taklesang host.

Kung sa bagay, kung ang Diyos nga ay marunong magpatawad, si Rhian pa na isang tao lamang. Pero hindi raw nangangahulugang buong-buo nang nagamot ang sugat na gawa ng kontro-bersiyang kinasangkutan nila ni DJ Mo at matagal-tagal pa raw bago ito maghilom at tuluyan na niyang makalimutan.

Dagdag pa ni Rhian na  wala na raw silang communication ni DJ Mo after nilang mag-usap at humingi ito ng tawad. Kaya raw hindi totoo ang naglalabasang balita na okey na okey na sila, at pala-ging napagkikitang magkasama. Malabo raw mangyari iyon.

 

HANGGANG NGAYON, PATULOY pa rin palang nililigawan para sumabak sa pulitika ang young star at isa sa cast ng Amaya na si Sheena Halili sa kanilang lugar sa Pam-panga. Pero ayon sa young star, wala raw siyang kabalak-balak sumabak sa pulitika, kahit politician ang kanyang daddy.

Mas gusto raw ni Sheena ang sumuporta na lang sa kanyang butihing ama at hayaan na lang ang kanyang Daddy ang nasa politics, habang siya naman ay sa showbiz. Mahal na mahal daw ni Sheena ang industriya kaya naman daw mas pinagbubuti pa nito ang kanyang trabaho nang sa ganu’n ay palagi siyang bigyan ng GMA ng magagandang proyekto.

At kahit nga ang kanyang lovelife ay handa nitong i-sacrifice, kaya naman daw zero pa rin ang kanyang buhay pag-ibig until now. Six years na raw na walang karelasyon si Sheena at hanggang ngayon na kahit marami ang nanliligaw sa kanya, ang pagpapaunlad ng kanyang showbiz career ang priority ni Sheena.

 

NAG-LAUNCH ANG 7101 Music Nation ng kanilang 2nd Elements National Singing-Songwriting Camp, na hatid ng mga henyo sa musika na sina Maestro Ryan Cayabyab (Artistic Director), Julio D. Sy (Chief Executive  Officer) and Maven Twinky Lagdameo (Chief Operating Officer).

Ang Goal ng 7101 Music Nation ay pagsama-samahin ang mga Filipino Artists and Musicians para iangat pa ang antas ng mundo ng musika sa Pilipinas. Kaya naman sa lahat ng interesadong sumali, heto ang requirements:  Aspiring singers na may edad na 18-25 at aspiring songwriter na may edad na 18-35, who are citizens at residente sa Pilipinas.

Hanggang 30 singers and 30 songswriters ang pipiliin para makasama sa camp na gaganapin sa Dumaguete, Negros Oriental mula Nov. 6-10. Ang aplikante sa songwriting ay kailangang mag-submit ng mp3 ng original compositon, lyrics to the uploaded song, at 2-minute video sagot sa tanong na kung bakit dapat silang mapasama sa camp. Kasama rin ang kantang inawit ng kompositor or guest singer applicants para sa singing track.

Samantalang para sa mga aspiring singer para sa singing camp ay dapat mag-submit ng sariling video singing an original Filipino song at 2-minute video na sagot sa tanong na kung bakit dapat silang mapasama sa camp. Ang kanta ay dapat na awitin ng acappella at walang back-up instruments. The video must be 5-10 mb and in any one of these formats –  mp4, avi, or mov. Para sa mga interesadong aplikante you may visit www.710 musicnation.com.ph.

 

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

12 thoughts on “Rhian Ramos denies she and Mo Twister are together again

  1. hello poh 220 po bah na buntis si rhian sa non-showbiz ex boyfriend kaya daw poh nagtalak e2ng si dj mo? pleas anwer poh idol ko poh talaga e2ng si rhian

  2. naku wag talaga ipartner si chris tiu kay rhian..flirt yang si rhian ehhh at hindi naman talaga showbiz si chris,,,baka mawalan pa sya ng privacy..pagtuunan nya na lang ng pansin yung smart gilas noh..good luck sa basketball career nya!!!

  3. si Shaina Morales sobrang bitter kay Angel, palagay ko she hates herself too for not being like Angel. ha ha ha, get a life girl , gay, bakla ka man or tomboy.

  4. Magpapacanton na nmn si mrs gumatay kay mo tapos super deny naman..
    Ito ang pinaka sinungaling na starlet ngayon sa shiwbiz.
    Pa virgin image yun pala veterana na sa pakikipag live in.

  5. at shaina morales know wat ur problem is.. prang di ka babae kng mgsalita and i bet U R NOT!!! watch ur mouth dear it reflects to u…

  6. Mas maganda si Rhian kaysa kay Anghit Bulocsin na laspag na at ingrata pa…. Gaanu kaya kaluwang ang pokengkay nitong si Anghit?

  7. Pingback: Rhian Ramos denies she and Mo Twister are together again - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.