Rhian Ramos, deadma kung 2nd choice lang sa soap ni Dingdong Dantes

TINATAWANAN NA LANG ng isa sa prime artist ng Kapuso Network na si  Rhian Ramos ang mga taong umiintriga sa kanya sa pagiging second choice at pamalit lang kay Heart Evangelista sa soap na pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes.
Ang mahalaga raw kay Rhian, sa kanya napunta ang trabaho at may trabaho siya. Hindi raw kasi siya mapiling tao as long as maganda ang project, kahit na 2nd choice lang siya ay tatanggapin niya ito. Mas mahirap daw ang matengga at walang work, kaya naman daw hangga’t binibigyan siya ng trabaho sa kanyang home studio at tanggap lang siya nang tanggap.

Sa ngayon, happy raw si Rhian at maganda ang rating ng kanilang show ng Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao, ang Manny Many Prizes. Sana raw ay magtuluy-tuloy ang magandang rating nito at mas panoorin ng mga tao.

 

AS EXPECTED DUMAGSA ang dami ng tao sa premiere night ng pinakaaabangang pelikula ng taon, ang Tween Academy Class of 2012, na pinalabas sa Cinema 9 at 10 ng SM Megamall. Punum-puno ang dalawang sinehan at marami pa ring tao sa labas na gustong makapasok. Pero hindi na pinahintulutan ng SM management, dahil siksikan na at tayuan na ang mga tao sa loob.

Present ang buong cast ng kinakikiligang pelikula at mga bo-sing sa GMA Films sa pangunguna ni Ma’am Annette Gozon Abrogar at Mr. Joey Abacan at sumuporta naman ang ilang tweens na kasamahan nila sa Tween Hearts na sina Ken Chan at Teejay Marquez.

Habang hiyawan naman ang pumuno sa loob ng sinehan sa bawat nakakakilig na eksena ng magkaka-loveteam na sina Alden Richards at Louise Delos Reyes, Bea Binene at Jake Vargas , Kristoffer Martin at Joyce Ching, atbp.

Kaya naman sa dami ng taong dumagsa sa premiere night, pihadong isa na naman itong blockbuster movie mula sa GMA Films.

 

DINUMOG NG MARAMING tao ang tatlong mall shows ng Pinay-Canadian singer at tinaguriang Vancouver’s Singing Sweetheart na si Ethel Rose Amistad na ginanap sa SM Valenzuela, SM San Pablo at SM Dasmariñas, Cavite kasama ang magaling na young DJ na si DJ Joph, 2008 Pinoy Canadian Idol Ramir Omosura, Dance Squad, Gigger Boys member Benjamin De Guzman, Tween Hearts/ Time of My Life/ Walang Tulugan with the Master Showman mainstay Teejay Marquez at Master Showman/ Tweenhearts/ Iglot mainstay Hiro Magalona.

Hindi raw inakala ni Ethel Rose na ganu’n karami ang taong pupunta sa kanyang album promo, kaya naman daw sobra-sobrang pasasalamat ang gusto nitong ibigay sa mga kababayan nating Pinoy na sumusuporta sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang SM malls.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

9 thoughts on “Rhian Ramos, deadma kung 2nd choice lang sa soap ni Dingdong Dantes

  1. Calling the attention of GMA. Ibalik niyo na si Sunshine Dizon sa drama. Napaka husay niyang artista. At saka huwag na kayong magpalabas ng mga fantaserye nakakasawa na. Si Claudine din please lang ibalik niyo yung dati niyang kinang. Kasi sayang naman yung husay niya sa pag arte. At Saka kay Glaiza de Castro more major roles for her ang galing pa naman niya. Paki tengga na lang yung mga tuod umarte.

  2. kikita ba naman yan!! GMA number one ang primetime nyo so far, pag yan nilagyan nyo ng Rhian at DD serye, waley agad!! bagsak ang ratings for sure. Panget kaya yan umarte ka level ni Aljur at marian,walang kalatoy latoy umarte.

  3. naniniwala na talaga ako na kaya lang siya nagkakaron ng major projects ay dahil sa tiyahin niya…ang arte naman nito ehhh

  4. CHUS..E KASE ANG GMA PABOR KAY PALENGKERANG MARIAN KAYA NASUSUNOD..SUNOD SUNORAN LNG NAMAN ANG GMA SA MARIAN NA YAN…TAKOT IPA PAIR SI DINGDONG NG MUKHANG BINAGSAKAN NG NIYOG ANG MUKHA,…SA IBANG BABAE KASI NAPAKA INSECURE NI BOBITANG MARIAN,,!!

  5. Rhian isama mo na rin yong bestfriend MO sa pelikula, total pareho lang naman kayo. Trip nyo lang paikotin ang utak ng mga tao hindi naman umuobra , hindi kasi bobo ang mga fans.

  6. Pwede ba Rhian huwag kang mag ilusyon. Kaya ka lang naman meron work ay dahil sa tiyahin mong si Ida. Lokohin ba kami. Isa pa maganda nga ang project pero ang artista naman na walang kalatoy latoy na katulad mo ang gaganap, wala ring kwenta. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.