Rhian Ramos, ayaw sa lalaki? – Ruben Marasigan

WALANG GUSTONG MANIWALA kapag sinasabi ni Rhian Ramos na loveless siya ngayon. ‘Yong ganda nga naman kasi niyang iyon, kapani-paniwala bang masi-zero ang kanyang lovelife at kabilang siya sa mga malalamig ang Pasko?

“Masaya naman ako sa family ko. So, hindi malamig ang Pasko ko,” natatawang reaksiyon ng dalaga nang makakuwentuhan namin sa presscon ng Ang Panday.

“Ayoko lang muna ng lovelife. Feeling ko kasi, hindi ko lang kailangan ng lovelife sa ngayon para maramdaman ko na kumpleto ako. Ikukumpleto ko muna ang sarili ko.

“Siyempre bata pa ako. I’m only 19. Marami pa akong mga pangarap sa buhay. Kapag natupad ko na iyon, saka na ako la-love life. Marami pa akong puwedeng gawin at dapat gawin bago pa iyon.”

Marami naman daw siyang admirers. Pero talaga umanong hindi muna niya gustong magpaligaw.

“Nagtatanong pa lang kung puwede, sinasabi ko na agad-agad na hindi, eh. Huwag na lang muna.”

Patapos na nga pala ang seryeng Stairway to Heaven nila ni Dingdong Dantes. So, mami-miss niya ang actor na naging kapalagayang-loob na niya dahil sa regular nilang pagsasama sa trabaho?

“Of course. Kasi napaka-professional niyang katrabaho. Tapos sa bawat eksena namin na magkasama, nando’n ‘yong confidence ko na madadala niya rin ako. ‘Yong alam kong kaya kong gawin ‘yong job ko kasi alam kong magaling siya.”

Sa mga scenes nila together on the said series, parang in love na in love nga sila sa isa’t isa. Hanggang do’n lang ba talaga iyon sa harap ng camera o tumawid sa totoong buhay? Kasi medyo nali-link din sila sa isa’t isa lately.

“Iyon lang talaga iyon. In front of the camera lang. Kasi sa totoong buhay, wala. Wala talaga, eh.”

Aware ba siya na nagkaroon ng isyung pinagseselosan siya ni Marian? At text nang text daw kay Dingdong kapag nasa taping ng Stairway…?

“Narinig ko iyon pero never naman siyang na-confirm. Para sa akin, first hand galing dapat kay Marian or galing kay Dong. And may nasabi na rin naman si Marian na never naman siyang nagselos sa akin. Na tama naman. Kasi wala naman talagang dapat na ipagselos sa akin.

“Kasi hindi naman ako… kapag ang isang bagay nasa ibang tao na, hindi ko na kukunin iyon. Ginawang bagay talaga? Ha-ha-ha! Sorry, ha!” Birong sabi pa ni Rhian.

May intriga ring itong si Dingdong daw kapag nakakainom, nagiging flirt sa girls. Hindi niya naranasan na landin ng actor?

“Ah… ‘yong Dingdong na nakilala ko, hindi ko siya nakita na gano’n siyang klase ng lalaki. Mukha naman siyang… kapag in love siya, in love siya. Do’n lang sa babaeng mahal niya. Iyon ‘yong nakikita ko sa kanya,” sabi pa ng dalaga.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

6 thoughts on “Rhian Ramos, ayaw sa lalaki? – Ruben Marasigan

  1. So classy talaga this girl, very intelligent pa at talagang any guy could fall for her. I guess she’s still young to get into a serious relationship. Dingdong for Rhian? I think you deserve someone better, yung habang tumatanda, may pinagkatatandaan, hindi yung pamacho macho effect lang at walang seryosong relasyon, ni hindi nya nga maamin na girlfriend nya etong si marian rivera sa publiko, kaya siguro etong isang to eh, hindi secured halatang hindi ganun ka-happy sa relationship nya with Dingdong, defensive parati.

  2. antoinette taus,karylle at rhian ramos= lahat cla mattalino at galing sa isang xclusive school..

    marian rivera-la salle dasma????boba,

Leave a Reply

Your email address will not be published.