Rhian Ramos at DJ Mo Twister, nakapagdududa na ang closeness!

KAHIT ANONG DENY nina DJ Mo Twister at Rhian Ramos, nakapagdududa naman sila dahil open na open na sila sa kanilang closeness.

Naging usap-usapan na nu’ng nakaraang birthday ni Rhian na bongga ang iniregalo ni DJ Mo sa kanya.

Isang Cashmere bathrobe na matagal na palang gusto ni Rhian na magkaroon ng ganu’n. Hindi alam ng iba iyon pero si DJ Mo alam, kaya ipinag-order pa niya ito sa Amerika na pagdating naman, kinain-kain daw ng alaga niyang aso.

Akala nga namin hindi na iyon naibigay ni DJ Mo, ‘yun pala nabigay rin niya kay Rhian dahil hindi naman gaanong nasira at kinagat lang daw iyon ng aso niya.

Kaya sobrang touched si Rhian at sinabi nito sa mga interview na ngayon ay aware na siya na gusto siya ni DJ Mo, pero hindi pa niya masasabi kung ie-entertain ba niya ang panliligaw nitong radio personality/TV host.

Tingin ko naman may espesyal silang pagtitinginan dahil si DJ Mo pa pala ang gumastos ng birthday party ni Rhian na inayos ni Bianca King.

Magkasama pa raw silang nagwi-wheatgrass diet kaya tingnan na lang natin kung ma-develop nga ‘yang magandang pagtitinginan o magkaaminan din bandang huli. I’m sure ayaw ng GMA Artists Center ‘yan!

Paano naman ngayon si Aljur Abrenica na nabalitaan ko ring unti-unti na rin itong nadi-develop kay Rhian?

Lalo na nga raw silang naging close sa Ilumina kaya malay rin natin, ‘di ba? In fairness, waging-wagi ang loveteam nila sa Ilumina dahil consistent na mataas ngayon ang rating at lalong gumaganda ang kuwento nito, kaya talung-talo nito ang katapat na Idol ni Sarah Geronimo.

MAGANDA NAMAN PALA ang ipinakitang kababaan ng loob ni Pilita Corales nang sinabi nito sa Star Awards for Music na gusto na nitong makipag-peace kay Lotlot de Leon.

Iba na ngayon ang tono ng mga sagot niya nang hiningan ito ng sagot sa sinabi ni Lotlot na kahit na anong mangyari, may kuneksiyon pa rin sila dahil anak ni Lotlot ang mga apo niya.

Agree naman doon si Pilita at sinabi nga niyang ayaw na niyang magsalita pa ng ‘di maganda dahil nakikita naman niyang wala namang gulo sina Monching at Lotlot.

Nang tinanggap nga ni Pilita ang Lifetime Achievement Award niya sa Star Awards for Music, ibinahagi rin niya ang award na ‘yun kay Lotlot.

Gusto na raw niyang kausapin si Monching na pag-ayusin na sila dahil ayaw na raw niyang magbangayan pa sila ni Lotlot.

Nakarating na rin ito kay Monching at gusto nga raw niyang mag-usap sila na hindi na kailangang iparating pa sa media. Mabuting magkaayos na lang daw sila privately para okay na ang lahat, alang-alang na rin sa mga bata.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

14 thoughts on “Rhian Ramos at DJ Mo Twister, nakapagdududa na ang closeness!

  1. boyfriend nya sa dilim si MO? dapat lang dahil hindi pwede ipagmalaki sa liwanag ng mukhang kohol na iyan. bwahaha. YUKKK!!! kadiri ka rhian… sayang ka. para kang mauubusan ng lalaki sa mundo.. ng dahil lang dyan sa gift niya sa iyo eh bumigay ka na? materialistic ka din pala eh.. ayoko na syo. magsama kayo ng mukhang asong yan…

  2. hay naku lolit nakakasira ka talaga ng araw ikaw na matanda at pangit na walang pinagtandaan kc wala kang ginawa kundi siraan ang mga tao mas edukado at mas maganda at mapera sayo inggit lang yan pag ikaw ang namatay mas madami ang matutuwa kesa malulungkut

  3. Sino naman ang maniniwala rito. I believe that they are just very good friends. Huwag nang bigyan nang malisya, Lolit. . .

  4. Huh???? Si DJ Mo at si Rhian? Pinatulan ni Rhian si DJ MO?

    DJ MO…paano na si Hayden Kho? Talaga bang itatago mo na lang ang iyong pagka BAKLA? Kakalimutan mo na si hayden Kho at ang iyong pagkabaliw sa kanya? Sabagy..on call ka naman palagi ke Hayden. basta libre ang mga trips s aabroad at kasama ka ni Hayden kahit nariyan pa si Lola Belo.

    Magsama na kasi kayaong dalawa ni Raymond Gutierrez..para nai enjoy mo ang iyong buhay. Magpakatotoo ka na!!!!

  5. matagal ng mag-bf ang dalawang iyan. bago pa nga daw nag-18th bday iyang girl, nakita na iyan sa loob ng kotse sa isang parking lot na nag-ki-kiss. may mga times daw na naglalakad sila na holding hands tapos bibitaw pag may tao na kasalubong. di ba nga nag-bakasyon ang dalawang iyan sa Europe dati pero deny sila, binuking ni Ruffa. Noong umuwi nga si Rhian mag-isa siyang umuwi at nakuhanan sa airport na umiiyak at nang tanungin eh ang sabi meron din naman daw siyang personal na buhay. kasi nga nag-paiwan pa si Mo para di halata.
    kaya inamin nila na nanliligaw na si Mo kasi malapit na nilang aminin na mag-on sila pero palalabasin na lately lang para di magalit ang mga fans ni Rhian (kung meron man) kasi matagal na siyang nag-sisinungaling. iyong mga na-link sa kanya, gimik lahat iyon. si Mo ang bf niya sa dilim. well, at least aamin na sila. mahirap ang sinungaling.

    • fan din ako ni Rhian dati. napaka-elegante niya para sa akin. pero na-turn off din ako gaya ng iba ng malaman ko iyong totoo. magaling sumagot at mag-paikot ng tao ang batang ito. sayang ang ganda pa naman at bata pa. tinuruan ni Mo siguro na sumagot para di masira ang career niya (kung meron man). well, lalo siyang mawawalan ng career ngayon. pero at least maluwag na sa dibdib kesa naman magtago pa.

  6. yang si Mo, nagpi-feeling. parang pet lang naman ang tingin ni Rhian sa kanya. Asa pa ang lolo, eh wala namang special sa kanya, kahit nga ugali niya, parang shrekty fermin na rin eh……

Leave a Reply

Your email address will not be published.