Rhian Ramos at Dingdong Dantes, tangkilikin kaya sa Stairway to Heaven?

PUSPUSAN NA ANG taping ng Stairway to Heaven nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos dahil malapit na itong magsimula sa Primetime telebabad ng GMA-7.

Unti-unting nabi-blend na ang bagong tandem na ito ng GMA- 7 kaya inaasahang tatangkilikin ito ng mga fans.

Sana nga manatiling supportive si Marian Rivera kay Dingdong kahit iba na ang ka-loveteam nito lalo na’t kung mapapanood nito na ang init ng mga eksena nina Rhian at Dingdong bilang Jodi at Cholo dito sa Stairway to Heaven. Ilang beses naman nilang sinasabi na naintindihan nila ang trabaho nila kaya hiwalay ito sa personal na nararamdaman nila sa isa’t-isa.

Ilang beses pa ring tinatanong si Dingdong kung posibleng magkagusto rin ba siya kay Rhian lalo na’t kung madadala sila sa mga ekseang gagawin nila sa Stairway?

“Klaro naman, siyempre, bilang respeto sa kanya bilang artista at respeto sa kung ano mang nagaganap sa amin pareho. Dapat ipairal ang professionalism sa lahat ng bagay.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Rhian Ramos at Dingdong Dantes, tangkilikin kaya sa Stairway to Heaven?

  1. sana nga but I doubt it kasi NEGA ang dating ni Doorbell sa mga tao ngayon especially nung ipinagpalit nya si Karylle kay Palenkerang_Anaconda biglang nawala ang appeal at charisma nya and look at him now biglang tumanda ang mukha na parang problematic good for him.

Leave a Reply

Your email address will not be published.