Rhian Ramos, ‘di maamin ni Mo Twister!

WALANG PAKIALAM SI Mo Twister kung pilit na iniintriga si Rhian Ramos na playgirl daw ito. Alam kasi niya ang kalakaran sa showbiz, kahit may mga negative write-ups na naglalabasan tungkol sa dalaga, hindi niya ito binibigyang-pansin. Hindi apektado ang magaling na DJ/TV host kahit iniuugnay kung kani-kaninong lalaki ang model-actress.

Matindi ang pagkakagusto ni Mo kay Rhian, beauty and brain naman kasi ang dalaga. After the break-up of Rhian and JC de Vera, isusunod naman daw ng dalagang biktimahin si Aljur Abrenica na kapareha niya sa isang action- drama teleserye. Mag-konek naman kaya ang interes nila sa isa’t isa?

Mahihirapan si Aljur kung sakaling dumating ‘yung point na ma-develop siya kay Rhian. May Mo na on the side, kahit palipad-hangin lang ang ginagawang panliligaw nito matindi na raw ang bonding ng dalawa. Walang araw na hindi magkausap, nagdi-dinner at gumigimik together. Hinog na kasi sa karanasan itong si Mo kaya ini-enjoy ni Rhian ang company nito tuwing magkasama sila. They can talk anything under the sun, pareho kasi silang intelihente, perfect!

Kilala si Mo Twister sa pagiging intrigero, tsismoso at pagiging controversial DJ/ TV host sa showbiz. Marami ang hindi nakakikilala sa tunay niyang pagkatao. Iba raw ang character na pino-project nito sa radio and TV. ‘Ika nga, trabaho lang, nagiging kontrobersiyal ang bawat artistang kanyang nakakapanayam, pinag-uusapan.

Kabaliktaran sa likod ng camera ang tunay na pagkatao ni Mo, ayon sa malalapit sa kanya. Totoong makipagkaibigan sa mga taong alam niyang kaibigan at mapagkakatiwalaan. Handang tumulong sa kaibigan na nangangailangan. Masayahin, always on the go parang walang problema ‘di kayang dalhin ang sarili. Grabe ang sense of humor kaya palaging may pogi points daw sa paningin ni Rhian.

Kasalanan ba ni Rhian kung mabighani ang mga kalalakihan sa angkin niyang kagandahan? Iba raw ‘yung feeling na narararamdaman ni Mo tuwing kausap at kasama niya ang actress. Hindi siya nagmamadali, puwedeng ma-develop to something ang maganda nilang friendship. Ini-enjoy nila kung anumang relasyon mayroon sila sa ngayon. Magkasundo sa maraming bagay, hindi nga raw malayong maging sila, tsika ni Rhian sa isang interbyu.

Inamin ni Mo, pagdating sa panliligaw, super-torpe siya lalo na sa babaeng gustung-gusto niya, like Rhian. Kahit hindi sabihin ang tunay na nararamdaman ng TV host sa magandang actress, I’m sure, knows na ng dalaga. With all the publicities na naglalabasan tungkol sa kanila baka may mutual understanding na nga sina Mo and Rhian na hindi natin alam.

Pero teka, may tsikang seryoso na raw ang Mo and Rhian romance. Hindi lang maamin dahil may career na pinoprotektahan ang dalaga na nauunawaan naman ng TV host. Hindi pa napapanahon, makasisira raw sa bagong teleserye nina Rhian at Aljur ang love relationship na mayroon daw sila ngayon.

Abangan!

SPEAKING OF ALJUR Abrenica, kiyemeng tinanong nito sa movie press kung may boyfriend na raw si Rhian Ramos. Nang sagutin siya na wala pa, namilog daw ang mga mata na para bang pinararamdam sa mga reporters na type niya ang dalaga. Mag-uumpisa na ang promo ng kanilang teleserye, maraming gimik at kung anu-anong anik-anik ang maglalabasan tungkol sa dalawa. Nand’yang makikita mong sweet na sweet sa isa’t isa habang nagte-taping.

Of course, palalabasin sa publicity na nag-uumpisa nang magparamdam ang actor sa kanyang leading lady. Siyempre naman, makiki-ride-on si Rhian para mapag-usapan at makatulong sa rating ng kanilang soap. Baka sa gagawing pagkukunwari ni Aljur, ma-develop siya sa gandang taglay ng model-actress.

Gusto raw ni Aljur na siya ang nag-aalaga sa babaeng magugustuhan niya. Hindi niya type pumatol sa matrona kahit nakatanggap na siya ng proposal sa mga ito. Hanggang friends lamang ang puwede niyang ibigay. Naging prangka rin ang hunk actor sa pagsasabing na-experience na niya ang pre-marital relationship. This time, he practices safe sex dahil hindi pa siya ready sa isang serious relationship. Marami pa siyang gustong ma-achieve kaya masyadong maingat ang actor sa ganitong bagay. Trauma pa rin sa kanya na minsang nakasuhan siya ng sexual harrasment.

Alam kaya ni Aljur na may Mo Twister si Rhian ngayon? ‘Yun lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Rhian Ramos, ‘di maamin ni Mo Twister!

  1. Pareho silang in-a-relationship, papaano maniniwala ang madlang people. Rhian has MO and Aljur has….(secret).

  2. putang aso moooooooooooooooooooooooooooooo twitter aso hayuoooppppppppppppppppppppppppppppppp ka unggoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.