Rhian, denies too much!

KUNG TOTOONG NAGKAROON ng relasyon sina Rhian Ramos at JC de Vera, hindi kaya break na sila ngayon? Kasi sinasabi na ngayon ni Rhian na matagal na raw silang hindi nagkikita ni JC.
Kaya lang consistent ito sa pagdi-deny na naging sila. Naging close lang daw sila dahil nagkasama nga sila sa La Lola.

Nag-uusap o nagti-text daw sila minsan ni JC dahil abala naman siya sa taping ng Zorro at malapit na rin siyang magsimula ng shooting sa Ang Panday ni Sen. Bong Revilla.

Tinanong ng mga reporter si Rhian tungkol kay JC na nakitang may kasamang girl daw sa Boracay nu’ng nakaraang Holy Week, hindi na siya nag-react. Ang pagkakaalam daw niya, nasa Pagudpud lang si JC nu’ng Semana Santa. Pero sinabi pala ni JC sa ibang reporter na pagkagaling niya ng Pagudpud, tumuloy ito sa Boracay. Hindi nga lang lumalabas at ang tsika, nasa Discovery Shore lang daw ito lagi na may kasamang girl.

Ayaw nang mag-react ni Rhian tungkol du’n dahil never naman daw naging sila. Magkaibigan lang daw sila at ngayon nga, hindi na sila nagkikita.

Pati ang pag-text niya kay Mark Herras ay itinatanggi din ni Rhian, kaya quiet na lang ako. Ayoko nang kontrahin ang pagdi-deny ni Rhian. Sabi lang niya, gusto raw sana niyang mabalik ang dating friendship nila ni Mark dahil naging close naman daw sa kanya ang mga ka-loveteam niya.

So far, ang pinaka-close daw sa kanya ngayon ay si Richard Gutierrez dahil sa halos araw-araw ay magkasama sila sa taping ng Zorro. Siyempre, hindi naman sila puwedeng ma-link romantically dahil taken na si Richard, ‘no!

PURSIGIDO ITONG DOSE anyos na bagets na si JR Garcia na pasukin ang pag-aartista. Itong si JR Garcia ay anak ng beauty expert na si Mikaela sa anak ni Eddie Garcia. Bale ito ang bunsong apo ni Eddie at lumaki raw ito sa kanya. Kaya close itong si JR sa lolo niya. Nagpapatulong itong bagets sa akin na abala ngayon sa workshop sa GMA Artist Center.

Kung si Mikaela ang masusunod, ayaw niyang mag-artista ang anak niya dahil alam niyang magulo ang mundo ng mga artista. Pero siguro malaki ang impluwensya ni Eddie Garcia sa kanyang apo, kaya gusto na rin nitong sumunod sa yapak ng lolo niya.

Kuwento ni JR, ayaw rin daw ng lolo niya na mag-artista siya, kaya lang ito talaga ang hilig niya kaya wala silang magagawa. Nangako naman ang bata na hindi niya pababayaan ang pag-aaral niya kahit nasa showbiz na ito.

Ang wish lang naman ni JR ay makasama ang lolo Eddie niya sa isang project, sa TV man o pelikula. Pero tingin daw niya, hindi niya makakayang sundan ang achievements ng Lolo Eddie niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Rhian, denies too much!

    • oi,anu nmn malay ntn?
      bka nmn tlgang ndi ngng cla!
      wag kang mag judge unknown ndi mo pa nga alam kung 220 lht 2ng mga cnasbi ng mga 2 kay rhian ramos!

Leave a Reply

Your email address will not be published.