RH Law, Tuloy na Tuloy na

TULOY NA tuloy ang implementasyon ng kontrobersyal na Republic Act 10354 o ang The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Ito’y matapos mabigo ang Supreme Court (SC) na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) na magpapatigil dito.

Sa halip, pinag-isa ng Korte Supreman ang anim na petisyon na kumukuwestyon sa nasabing batas.

Maaalala na Disyembre 29 nang isabatas ni Pangulong Noynoy ang Reproductive Health Law matapos ang 16 na taong pagkakabinbin sa Kongreso bunsod ng mahigpit na pagtutol ng Simbahang Katolika.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.