RH Law, ligal – SC

IDINEKLARANG CONS-TITUTIONAL o ligal ng Supreme Court (SC) ang kontrobersyal na Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act (RH) Law bukod lamang sa ilang bahagi nito.

Ito ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman kahapon mula sa SC summer session nito sa Baguio City.

Hinggil ito ng 14 na petisyong kumukuwestyon sa legalidad ng nasabing batas.

Lumalabas sa desisyon ng Korte Suprema, ligal ang batas bukod na lamang sa walong probisyong matatagpuan sa Section 7 at 23.

Samantala, isa sa mga probisyon na hindi lumusot ang pagbibigay ng family planning method sa lahat ng public health offices sa bansa.

Hindi rin pinayagan ang pagpaparusa sa mga medical practitioner na hindi magsasagawa ng mga pamamaraan ng reproductive health.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.